HPNLS 10

173 12 20
                                    

Nakapikit kong inihagis ang cellphone pagkabasa ko ng text ni Ronielyn pagkatapos kong pabagsak na nahiga pahalang sa kama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga dahil sa pag-iisip ng kung ano ang totoong nangyayari sa kanila ni Kit. Hindi kaya sila na? O, baka naman hindi pa sila pero nagkakaintindihan na ang kanilang mga damdamin? Sabi nga ni Kit, malapit na.

Isa pa uling buntong-hininga. Nakakainis isipin na baka magka-text sila ngayon o kaya magkatawagan habang nagsasabihan ng kanilang nararamdaman. Nagtatawanan, nagbibiruan?

Kinuha ko ang isang unan at binalak na itakip sa aking mukha. Subalit, biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na nais na silipin kung sino dahil nagmo-moment pa ako. At malamang hindi naman si Ronielyn 'yun, hindi ko nga nireplayan dahil nga sa inis ko at ayaw kong humaba ang usapan na tungkol lang sa amin ni Mercedes ang topic.

Subalit, tatlong messages na ata ang pumasok. Patamad kong kinapa sa gilid ko ang cellphone. Nang maabot iyon, tiningnan ko kung sino ang nag-message. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at muntik pa akong mahulog sa kama sa pagbalikwas ko ng bangon. Muli kong binasa ang mga salita at baka namamali na ako ng basa. Pero malinaw na malinaw ang mensahe. Tatlong mensahe na iisa lang ang laman. Unli ata siya kaya paulit-ulit.

Hindi ko gusto si Kit. Dahil ikaw ang gusto ko.

Ang kaninang sambakol kong mukha ay napalitan ng tuwa. Isang hindi mapigilang ngiti ang sumilay sa akin. Mabilis na gumalaw ang mga daliri ko para magtipa ng mga mensahe. Sumasabay na rin sa bilis ang tibok ng aking puso. Subalit, bigla rin akong natigilan. At muli, napasimangot ako.

"Paano kung wrong send pala siya? Para sa iba 'yung message. Tapos, ako naman 'tong tuwang-tuwa. Oo nga pala, wala naman akong tinanong about doon. Hay naku naman."

Binasa kong muli. Wala ngang pangalan na nakalagay gaya ng Dahil ikaw ang gusto ko Walter.

Ewan!

Kaya imbis na replayan, tuluyan ko na lang in-off ang cellphone ko, muling inihagis at niyakap ang unan.

Sa tulad kong heartbroken, pinilit kong matulog.

***

"Bakit hindi ka nag-reply?" pagkababang-pagkababa ng bag ko, agad kong nilapitan si Walter na nasa gilid kasama ng iba pa naming kaklase. Bigla silang natigilan ng nakapameywang kong hinarap si Walter.

Naiinis ako, dahil halos mag-uumaga na pero hindi pa rin ito nagre-reply. Hindi ako nakatulog ng maayos. Sobrang kaba ko ng i-send ko ang mga iyon at pakiramdam ko isang daang taon na ang nakalipas pero wala!

Tapos ganito, tatawa-tawa kong madaratnan? Na parang wala lang?

"Na-lowbat ako kagabi. Importante ba 'yung tinext mo?" Dinukot nito ang cellphone sa bulsa at akmang bubuksan. Nataranta ako dahil halos ang tatlo na kausap niya ay doon nakatingin. Parang nais din nilang mabasa kung ano ang importanteng mensahe ko sa kaniya. Paano kung mabasa nila ang ginawa kong pag-amin kay Walter?

Nakakahiya! Magiging tampulan ako ng tukso!

"Ano... ahm huwag na. Hindi naman...importante. 'Yung sa assignment lang 'yun." Paputol-putol ang pagkakasabi ko sa poker face niya. Nagkibit-balikat lang si Walter at balewalang ibinalik ang cellphone sa bulsa at hindi na itinuloy ang pagbubukas niyon.

Nakasimangot na bumalik ako sa upuan at inis na inis na basta na lang naupo at hindi na muling tumingin sa gawi nila Walter.

Bahala siya! Kapag nabasa niya 'yun ide-deny ko na. Nakakainis! Sana pala hindi ko na lang sinabi.

***

Kahit magka-stiff neck ako hindi ako tumingin sa gawi ni Ronielyn kahit pa kita ko sa pheriperal vision ko na kandahaba ang nguso niya sa inis. Pinipilit kong mag-focus sa sinasabi ng tatlong kumag na ito kahit pa wala akong maintindihan. Kanina ko pa kinakagat ang pang-ibaba kong labi sa pagpipigil ng ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Pangarap na Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon