HPNLS 5

87 19 0
                                    

"Ahm, Walter.."

Saktong paglingon ni Walter, humarang naman sa daraanan ko sina Ryan, Paul, at Larry. Natigilan ako at biglang kinabahan. Sa paraan kasi nang pagkakatingin nila, para silang nagbabanta.

"Yes, Ronielyn?" Papasok na sana si Walter sa classroom nang tawagin ko nga at ngayon naghihintay siya ng sagot mula sa akin.

"A, ano.. wala... sige na pumasok ka na sa room." Nakakunot-noong pumasok si Walter dahil siguro nalito na tatawag-tawagin ko siya tapos wala naman pala akong sasabihin. Still kasi, hindi pa rin umaalis ang tatlong kumag na ito sa harap ko.

"B-bakit?" pinilit kong pakalmahin ang paraan ng aking pagsasalita, kahit pa nag-is-stutter na ako.

Bakit ba ako kakabahan? Wala naman silang alam.

"Mukhang may naiwan ka kasi." Itinaas ni Ryan ang ballpen ko! Ang ballpen na nahulog ko kanina! Tanging baunan ko lang pala ng tubig ang aking nadampot nang makalabas.

"Ha?"

"Sa 'yo ito. May pangalan, e." Napalunok ako nang ipakita nga niya ang pangalan kong nakalagay sa loob ng ballpen na panda. Ngayon ako nainis kung bakit naisipan ko pang lagyan ng pangalan ang mga gamit ko.

"N-nahulog ko ata. Salamat." Iniabot ko ang ballpen at lalagpasan na sana sila nang magsalita si Paul.

"Hindi mo ba itatanong kung saan namin ito nakuha?" Natigilan ako at pakiramdam ko pati ata paghinga ko ay sumabay sa pagtigil.

"Sa likod ng pinto. Kanina nang bumalik ako." Si Larry naman ang sumagot. Diniinan pa niya ang salitang 'bumalik'.

Nainis na ako na parang paggigisang ginagawa nila.

"O, ngayon? Nahulog ko kanina, nakuha n'yo sa likod ng pinto. Nagpasalamat na ako, 'di ba? Puwede nang pumasok sa loob?" Nagtapang-tapangan ako sa kanila kahit pa parang mabibingi na ako sa lakas ng tambol ng aking dibdib. Butil-butil na rin ang pawis na mayroon ako sa aking noo, kilikili at palad.

"Alam mo Ronielyn, kung ano ang ibig naming iparating. Matalino ka naman dapat gets mo na," nakangising sabi ni Ryan. Itinulak ko sila para makadaan na ako pero hinawakan ni Ryan ang braso ko, pipiglas sana ako pero agad niya akong nabulungan.

"Kapag may nakaalam ng gagawin namin, idadamay kita. Sasabihin kong kasama ka sa nagplano." Natigalgal ako pero saglit lang at mabilis kong tinanggal ang kamay ni Ryan sa braso ko.

"E, 'di sabihin n'yo, mabuti kung may maniniwala." Naniningkit na ang mga mata ko sa galit.

Grabe sila!

"Siyempre, meron. Si Walter." Prenteng sagot nito at sinabayan pa ng ngisi nilang tatlo.

"At bakit naman siya maniniwala? Hindi naman tayo close." Ang lalakas ng loob na i-black mail ako, e hindi naman mga nag-iisip.

Mga bobo nga.

"Narinig ko ang deal n'yo. Ngayon, gets mo na ba?" Tumawa pa sila nang mahina bago nilagpasan nila ako para mauna nang makapasok sa loob ng classroom.

Natigilan ako. Oo nga, kapag sinabi nilang kasama ako sa nagplano, maniniwala sila. Lalo na si Walter, dahil ang deal namin kapag natalo siya, hindi na niya ako guguluhin, ever. At siyempre, iisipin nilang gagawin ko ang lahat para matalo siya. Saksi ang lahat kung gaano ko hindi kagusto si Walter.

Ahhhhh... bakit mas lalong lumala ang lahat?

Mas bobo pa ata ako sa mga ugok na ito!

***

"Salamat sa inyong pagtitiwala. Asahan n'yong magiging maganda ang ating paaralan sa ilalim ng aking pamumuno." Sumaludo pa si Ryan bago bumaba ng stage.

Hindi Pangarap na Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon