HPNLS 9

126 21 17
                                    

"Galit ka ba?" Sabi ni Kit habang pauwi na kami. Nagpumilit siyang ihatid ako. Naglalakad lang kami, marami rin naman ang naglalakad at may mga lamp post kaya maliwanag ang daan.

Ayoko nga sanang ihatid niya ako dahil galit nga ako dahil sa ginawa niya kanina.

"Bakit kasi ginawa mo 'yun? Ang daming tao kanina, nakakahiya," nakasimangot na sabi ko. Buti na lang wala ang nanay ko, tiyak na kukurutin ako noon sa singit. At buti na lang hindi sa lips lumanding. Biruin mo, hindi ko naman jowa makaka-first kiss ko? Kahit pa crush ko siya.

"Sorry na. Nanalo naman tayo, 'di ba? Oy." Hinabol niya ako dahil talagang iniwan ko siya para mauna nang maglakad.

Nang maabutan niya ako, isinabay ko na rin. Tutal, nag-sorry na naman, pero hindi ko na siya kinibo.

May nadaanan kaming tindahan. Nagulat pa kami nang may tumawag kay Kit. Paglingon namin, si Christian, drummer ng "The Men-Archy". Siyempre pa, kasama ang banda. Pati si Walter, na nakatitig sa amin ni Kit, at si Mercedes. May mga softdrink sila sa kamay at chitchirya.

"Kit, tara kain tayo. Congrats pala sa inyo, galing." At itinaas pa nito ang softdrink bilang cheers.

"Salamat. Pero mauna na kami kasi pagod na si Ronielyn." Nakangiting sabi ni Kit. Hindi ako umiimik. Nakatingin lang din ako sa magkatabing sina Walter at Mercedes.

"Sige na, libre ko. Dahil nanalo kayo, 'di ba? Lalo na 'yung talent n'yo, ang galing n'yo doon." Hindi ngumingiting sabi ni Walter habang nagpapakuha ng dalawa pang sakto mismo at chitchirya. Napilitan tuloy kaming tumigil na.

"Oo nga, parang mag-syota lang, a. Kayo na ba?" Si Rence, gitarista rin sa banda. Naki "ayiee" silang lahat maliban sa amin ni Kit at Walter.

"Bagay naman sila, a. Maganda at guwapo," kinikilig pang sabi ni Mercedes.

Hindi pa rin umiimik si Walter kahit pa inaabot sa amin ang mga pagkain.

"Naku, hindi. Hindi kami," nakangiwing sabi ko. Habang umiinom ng softdrink.

"Pero malapit na." Napasinghap pa ako nang bigla akong akbayan ni Kit. Napatingin ako sa kaniya na parang sinasabing anong ibig mong sabihin?

Lalong nagkaingay ang mga nakarinig. Tinukso-tukso kami Lalo, maliban siyempre kay Walter na tahimik pa rin.

Mayamaya, tumayo siya at nagpaalam na.

"Uwi na ako, may gagawin pa pala ako. Mercedes, sabay ka na ba?" Nakangiting tumango si Mercedes at nagpaalam na rin. Ni hindi na siya tumingin sa akin at nilagpasan na lang akong basta.

Pasimple ko namang tinanggal ang kamay ni Kit sa balikat ko.

"Bagay sila, ano? Kahit mataba 'yang si Mercedes, maganda rin naman. Si Walter, medyo may itsura rin kung mag-aayos. Pareho pang mabait." Sabi ni Lee, kumakanta at naggigitara rin sa banda. Sumang-ayon naman ang ilan, maliban sa akin na nanatiling tahimik.

"Ang alam ko, may gusto 'yang si Mercedes, mga tingin pa lang kay Walter," natatawang sabi ni Christian.

"Baka nga nililigawan na 'yan ni Walter, e. Tingnan mo hinahatid-hatid na." Si Rence, habang bitbit ang gitara.

Napansin siguro ni Kit na hindi ako umiimik kaya nagpaalam na kami. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin, hindi na ako nagsalita pa. Nagpasalamat naman ako kay Kit at dumiretso na sa kuwarto.

Iniisip ko pa rin ang tungkol kina Mercedes at Walter.

Sila na nga kaya? Hay, bakit ba ako naapektuhan? Wala naman akong gusto sa kaniya.

Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko.

One message received: Walter P.

Congrats! Sa pagkapanalo at sa inyo ni Kit. Gudnyt!

Napakunot-noo ako at binasa ko ulit baka namali lang ako ng basa. Nireplayan ko ang text niya nang masigurong ganoon nga ang tinext niya.

Wat u mean is, congrats sa pagkapanalo namin ni Kit? Tnx!

I press the send button and humiga nang pahilata sa kama. Tumunog ulit ang cellphone ko at habang nakahiga pa, iniabot ko ito.

Napabangon akong bigla nang mabasa ang reply niya.

No. Congrats sa pagkapanalo at pagiging kayo ni Kit.

Napangiti ako. Confirm! Nagseselos ang gago!

Pero nang maalala ko ang tungkol kay Mercedes, mabilis akong nag-reply.

Ah, okay. Congrats also sa inyo ni Mercedes. Bagay kau.

Akala niya siya lang, ha? Tingnan natin. Kaso kalahating oras na ata ang lumipas, hindi na siya nag-reply. Naiinis na tsinek ko ang cp ko baka na-lowbat o kaya hindi ko na-send ang tinext ko kaya hindi siya nag-reply. Pero full bar naman at na-send ko naman. Pero bakit hindi na siya nag-reply?

Gusto ko kasing i-deny niya pero sa hindi niya pag-reply, oo ata ang meaning nun. Nabuntong-hininga akong nahiga na lang.

Nakakainis!

Hindi Pangarap na Love Story
jhavril
2018

Hindi Pangarap na Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon