'Jimin's POV'
Sa tingin ko kailangan ko nang aminin kay Lizzy ang nararamdaman ko. Para malaman niya kung bakit ako nagkakaganito... Kaso nga lang magkasama sila ni Jeon eh. Baka magtaka pa si Jeon kung anong gagawin ko kay Lizzy,baka nga bugbugin pa ako nun eh.
Bigla kong tinuloy yung plano kong kausapin si Lizzy kaya bumaba ako sa kuwarto ko.
"Jeon,may paguusapan lang kami ni Lizzy." Pagpapaalam ko kay Jeon at lumabas na kami ni Lizzy.
Kinakabahan ako...
"Bakit besh anong meron?" Tanong sakin ni Lizzy.
Hindi ako bakla talagang besh lang tawag niya sakin kasi daw ako ang first boy na naging close friend niya kaya besh tawag niya sakin 😑
"May aaminin lang ako." Sabi ko na nakatingin sa baba. "Naiinggit kasi ako sainyo ni Jeon eh...kasi....kayo na..." Sabi ko na may pumatak na luha sa mata.
"Huh!? Bakit!? Crush mo ba si Jeon!? Hala! Besh pusong babae ka pala! Kailan pa naku po!" Sabi niya na nangangamba.
Ako? Magkakagusto sa isang lalaki? Ganon? Niloloko ba ako nito?
"Hindi ako bakla...kasi...ikaw yung crush ko eh." Parang napakalma ko sya dun sa sinabi ko.
"Ako? Ako yung crush mo? P-pero...bakit a-ako pa? Pano na ngayon? Eh kami na ni Jungkook eh." Sabi niya sakin na nagaalala for me.
"Y-yun na nga eh...sayang nga na h-hindi a-ako yung t-taong mi-minahal mo ka-kagaya ng p-pagmamahal k-ko s-saiyo..." Sabi ko na naiyak na.
"Huy besh wag ka na umiyak... sorry kasi...kasi...magkaibigan pa naman tayo di---" Ayaw ko nang ituloy niya yung sasabihin niya kaya niyakap ko sya na mahigpit.
"Susubukan ko nalang t-tanggapin k-kasi w-wala naman a-akong choice d-diba? Congrats nalang sainyo." Sabi ko nung binitaw ko yung yakap ko sakaniya at pinahid yung luha ko.
"Besh pasok na tayo. Pag nagtanong sila kung anong nangyari wag nalang natin sabihin ha." Sabi ni Lizzy na naiyak pa ng unti.
"Sige..." Sabi ko at pumasok na kami.
Ang sakit naman talaga...tatanggapin ko lang...yun lang wala nang iba...
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A BADBOY [Completed]
FanfictionAko si Elizabeth Madisson Avery,simpleng babae na nainlove sa isang badboy na hindi ko inaasahan. A/N: BangTan FanFiction, Please no Hate. Thank You!♥✨ [Highest Rank: #1 in tagaloglovestory]