PROLOGUE

5.2K 74 0
                                    


PROLOGUE

HINUBAD ni North ang kanyang shirt at pantalon, inihagis ang mga iyon sa hamper sa kanan niya at saka humakbang papasok sa shower enclosure ng hotel room niya. Nahahapong itinapat niya ang katawan sa malamig na buga ng tubig mula sa shower. Bagaman bahagya siyang napangiwi sa paghapdi ng hindi pa gaanong magaling na sugat sa kaliwang braso niya ay hinayaan lang niya iyon. Bahagi iyon ng sinumpaan niyang tungkulin.

At kung kapalit naman ng iba't ibang sugat na natatamo niya sa gitna ng bawat misyong pinapasukan niya ay kabawasan sa masasamang loob na gumagala sa mundo, it was worth it.

Kinuha niya ang shampoo bottle, inamoy iyon at bahagyang napailing. Dahil hindi naman Hilton Hotel ang kasalukuyang tinutuluyan niya, mumurahing shampoo lang iyon, kaamoy ng detergent soap. Ngunit mas mabuti na iyon kumpara sa amoy ng buhok niyang ilang araw din niyang hindi napasayaran ng tubig man lang. Hindi uso sa lugar na pinanggalingan niya ang kalinisan at wala sa dapat unahing gawin ng grupo ng mga magnanakaw na nakasama niya ang paliligo.

Dinamihan niya ang ibinubuhos na malabnaw na likido sa palad niya. Saka ikinuskos iyon sa buhok niyang hindi na niya gustong isipin pa kung ano-ano ang mga duming nakakapit. Pagkatapos kuskusin ng sabon ang buong katawan niya ay muli niyang binuksan ang shower. He briskly dried his hair with the smaller towel after wrapping the larger towel around his waist. Mula sa vanity mirror ay minasdan niya ang mukhang halos natakpan na ng makapal na balbas na hinayaan niyang tumubo bilang bahagi ng huling disguise niya.

Sheng Teodosio-Navarre, his ex-wife, would have nagged him about it kung makikita siya nito ngayon. She never liked his beard. But then again, before they got divorced more than two years ago ay kakarampot na lang naman talaga ang mga bagay na nagugustuhan nito sa kanya.

Subalit hindi niya ibinubunton dito ang lahat ng sisi sa pagkakasira ng pagsasama nila. Aminado siya na nasa kanya talaga ang malaking kasalanan. Kaya nga nang mag-demand ito ng divorce ay hindi niya iyon kinontra. Kahit pa tutol na tutol doon ang kalooban at maging ang puso niya.

Sheng deserved to be happy. Siya man ay hindi na nagugustuhan na mula sa pagiging masayahin at masiglang babae ay naging demanding, nagger, at selosa ito. Kaya bago pa sila tuluyang umabot sa puntong kinamumuhian na nila ang isa't isa, minabuti niyang hayaan itong makamit nang walang pagkontra mula sa kanya ang hamon nitong paghihiwalay. Kahit pa batid niyang naghamon lang ito ng divorce upang mayanig siya at subukang ayusin ang pagsasama nila. Kahit pa batid niyang hinihintay lang siya nitong kontrahin ang paghahamon nito upang patunayan ditong may pag-asa pang maayos nila ang pagsasama nila.

But he could not do that. And though he hated hurting her, the divorce went smoothly. Did he regret it? Sometimes. What he regretted even more was asking her to marry him in the fist place.

Humakbang si North patungo sa kama at nahiga sa gitna niyon. He crossed his arms behind his head and stared at the ceiling of his hotel room. He had had enough of dealing with death for the time being. Gusto naman niyang mapaligiran ng buhay sa loob ng mahigit dalawang buwang bakasyong ibinigay sa kanya ng boss niya sa ahensiyang iilan lang sa mga gobyerno ng mga bansa sa buong mundo ang nakakaalam. Batid niyang pagbalik niya sa trabaho bilang undercover agent ng ahensiya, kamatayan, panganib, at kawalang pag-asa na naman ang makakasalamuha niya.

Cloak and Dagger Security Agency may seem like just another ordinary security and investigation agency. But it wasn't. Ang totoo, ang ahensiya na siyang tunay niyang pinagtatrabahuhan sa nakalipas na apat na taon ay ang tagalinis ng mga kalat na hindi malinis o sadyang hindi nililinis ng mga nasa posisyon. At ang pinakamahalagang parte, hindi lang sa isang partikular na bansa sila nag-o-operate. Wala silang allegiance sa iisang bandila. They served the entire world, although they sometimes worked closely with other agencies like the Interpol, the CIA, and The Committee.

Only the heads of state of each country knew of their existence. Sila ang espiya ng mga espiya. Binuo ang ahensiya more than forty years ago ng iba't ibang nagkakaisang lider ng mga bansa para sa layuning sugpuin ang terorismo at krimen sa buong mundo nang hindi na kinakailangang isaalang-alang pa ang international laws and politics. 

His family and even his ex-wife believed that after he resigned from the FBI, pumasok siya bilang private detective at security specialist sa Cloak and Dagger. Hindi batid ng mga ito na aktibo pa siyang agent nang nilapitan at inalok siya ng head ng Cloak and Dagger na si Boston Manning na pumasok sa Cloak. Napili siya ni Boston dahil sa pagiging mahusay niyang FBI undercover agent noon. Ngunit higit pa roon, ang integridad niya at kawalan ng takot mamatay alang-alang sa ikatatagumpay ng misyon ang ayon dito ay mas nakapagkumbinsi ditong karapat-dapat siyang mapabilang sa mga agent ng Cloak.

Ang kanyang ina na si Jaida Santana ay isang Filipina nurse. nakilala nito ang kanyang Filipino-American na ama na si Edmond Navarre sa ospital kung saan ito nagtatrabaho. Dati ring FBI agent ang kanyang ama. Nabaril diumano ito sa gitna ng isang misyon kaya ito dinala sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kanyang ina noon. The rest, as they say, is history.

Sa States siya ipinanganak at pinalaki ngunit regular din silang umuuwi ng buong pamilya nila sa Pilipinas upang magbakasyon at bisitahin ang pamilya ng ama at ina niya roon. Ngunit isang taon na ang nakararaan, dahil sa misyong ibinigay sa kanya ni Boston, kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas at manatili roon nang higit sa karaniwang dalawa o tatlong buwan niyang pagbabakasyon doon.

Tatlong magkakaibang misyon ang kinailangang hawakan ni North habang nasa bansa siya. Una, ang tungkol sa human smuggling syndicate na nagdadala ng mga Filipina para gawing prostitutes sa Malaysia. Ikalawa, ang sindikatong naglalabas ng iba't ibang klase ng exotic at endangered species mula sa bansa at dinadala sa iba't ibang bansa sa Europa. At ang katatapos lang niyang misyon na nagbigay ng panibagong bullet scar sa kaliwang braso niya—ang alamin ang identity ng mga pinuno ng isang sindikatong nagnanakaw ng antique jewelry pieces, paintings, at art pieces mula sa malalaking museum at ibinebenta ang mga iyon sa mga private collector sa Asya. Kinailangan niyang kumalap ng ebidensyang magpapabagsak sa mga ito sa kulungan—bagay na matagumpay na niyang nagawa.

Ayon sa pinuno niyang si Boston Manning, puwede na siyang umalis ng Pilipinas at bumalik sa States upang simulan ang panibago niyang misyon. But he was not sure if he still wanted to continue in this same line of work. Labindalawang taon na ang ginugol niya sa pagsisilbi sa mundo. Labindalawang taon na siyang nagsisinungaling at nagpapanggap. Siyam noong undercover agent pa siya para sa FBI at tatlo para sa Cloak. Perhaps it was time he changed his job description before the lies and deaths from his past caught up with him.

And perhaps it was time to take back the woman he lost because of the choices he made in the past.

Nasa ganoong linya ang pagmumuni-muni niya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Kunot-noong sinagot niya iyon.

"Hello?"

"She's in the hospital, North. Naaksidente ang sinasakyan niyang kotse kanina at...fifty-fifty ang chances niya, North."

Hindi niya alam kung ano-anong mga mura ang lumabas mula sa bibig niya. Subalit ang alam niya, buong pagkatao niya ang tumututol maniwala sa sinabi ng nasa kabilang linya.

(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon