PAGKATAPOS mailapag ni Sheng si T-Rex sa back porch ay agad niyang kinapa ang susi ng log cabin sa potted plant na tinutukoy ni Alys. Nang makuha niya iyon ay agad niyang isinuksok sa key hole at itinulak pabukas ang pinto. And her heart almost stopped beating as she took in the interior of the log cabin. Malakas siyang napasipol.
Hindi siya ang tipo ng taong mainggitin. Pero nang mga sandaling iyon ay napuno ng inggit kay Alys ang dibdib niya, sapagkat napakaganda ng log cabin nito. Inihihiyaw niyon na welcome na welcome siyang gawing tahanan iyon.
Pinaghalong moderno at makaluma ang disenyo ng log cabin. Most of the furniture was antique. Tulad ng window benches, arm chairs, chest of drawers, shelves, at tables sa living room. Tila nang-aanyaya ng uupo ang love seats, sofas, at settees na pawang puti ang kulay at animo kasinlambot ng ulap. At kung feel mong mag-imagine na nasa snow country ka nga, mayroon ding electric fireplace sa right corner ng living room.
Sa dining room naman ay makikita ang napakaeleganteng mahogany and rosewood dining table na may anim na dining chairs. Mayroong pine dry sink sa isang panig at walnut corner cupboards na nakaharap sa mga bintanang sumasakop sa isang buong pader ng dining room.
Subalit pagdating sa kitchen, doon na pumasok ang modernong taste ni Alys. Mistulang kusina iyon ng isang iron chef sa pagiging kompleto ng mga gamit. Nakahiwalay ang freezer sa refrigerator. Marble ang kitchen counters at stainless steel ang dalawang sink.
"Wow! T-Rex, nakikita mo ba ang nakikita ko? Gustuhin pa kaya nating umuwi pagkatapos ng dalawang buwan o kidnapin na lang natin si Alys at itong cabin ang hingin nating ransom?" humahangang wika niya sa alaga. "Tingnan natin ang second floor!"
Halos lundagin niya ang mga baitang sa kasabikang mabistahan ang ikalawang palapag. Mayroong mezzanine iyon na obviously ay ang entertainment area base sa malaking flat screen TV, sound system na naka-built in sa magkabilang bahagi ng TV, DVD player, stereo, game consoles, racks ng DVDs at music CDs, at electric at acoustic guitar na nakasabit sa kaliwang pader niyon.
"Marunong palang maggitara si Alys?" gulat na sambit niya. On second thought, malamang kay Caine ang mga gitarang iyon. Medyo tone deaf si Alys kaya parang malabong marunong itong tumugtog ng kahit anong klase ng musical instrument. "Let's see... Ano-ano bang DVD at CD ang meron ka rito, Alys?" wika niya na inisa-isang basahin ang mga DVD at CD sa mga rack. Mayroong country, jazz, classical, blues, rock, at OPM. Hindi siya nagulat sa iba-ibang uri ng music na pinakikinggan ng kaibigan. Alam niyang iba-iba talaga ang hilig nito. Pero ikinagulat niya ang DVD collection nito. Halos lahat kasi niyon ay action movies. At ang pinakamarami pa, mga pelikula nina Bruce Willis, Arnold Shwarzenneger, Jean-Claude Van Damme, at Vin Diesel. Sa pagkakaalam niya ay hindi mahilig sa action ang kaibigan. Lalo na kay Shwarzenneger na ayon dito ay mukhang nakalulon daw ng barbel.
But what was even more surprising was seeing that the CDs and the DVDs were arranged alphabetically. Isang bagay iyon na nasisiguro niyang hindi gagawin ni Alys. Bukod sa pagiging accident prone, may isa pa silang ipinagkakapareho. At iyon ang kawalan nila ng pasensiya at oras para maging OC.
So this was probably Caine's work, too.
Nakakunot-noong humakbang si Sheng patungo sa unang silid. And she fell in love with the place, too. Akmang-akma sa kanyang feminine side ang disenyo ng silid. It was very girly with all the pink frilly lace—pink curtains, a double bed with pink floral bed sheets and a pink comforter, the pink area rug at the bathroom door. Maging ang window seat ay pale pink ang cover.
Mayroong cherry wood dressing table sa gilid ng pinto papasok sa bathroom. At nang silipin niya ang bathroom, halos makagat na siya ni T-Rex sa inis sa kanya dahil sa nanggigigil niyang pagyakap dito dala ng katuwaan. Acid-etched concrete tiles surrounded the white heart-shaped whirlpool tub. Limestone ang sahig maging ang tatlong mga dingding ng shower na frameless ang glass door. Limestone din ang ibabaw ng vanity na sa kanang bahagi ay may sink at sa ilalim ay mayroong tatlong drawers. Heart-shaped din ang mga salamin niyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/144458963-288-k115852.jpg)
BINABASA MO ANG
(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERS
Storie d'amoreAkala ni Sheng ay natagpuan na niya ang isang perfect boyfriend kay North Navarre. He made her smile, laugh, fall in love every minute she was with him and believe in happy ever afters. Mula nang makilala niya ito, pakiwari niya ay mas naging...