NORTH was sprawled in the middle of his king-sized bed when he heard his phone ring. Naghihikab na kinapa niya ang teleponong ipinatong niya sa bedside table. Tiningnan niya ang screen. It was his favorite cousin Alys calling.
"Hey, kid," bati niya rito nang sagutin ang tawag. Tiningnan niya ang oras sa suot niyang wristwatch. Alas-diyes na pala ng umaga. Ibig sabihin ay mahigit limang oras din siyang nakatulog.
"Nasaan ka, North?" tanong sa kanya ni Alys.
Wala siyang kapatid na babae ngunit mga pinsang babae ay marami. At sa lahat ng mga pinsan niyang babae ay si Alys ang masasabi niyang pinakamalapit hindi lang sa kanya kundi pati sa mga kapatid niya. She was like the youngest sister they never had. And thanked God they never had. Because she was trouble personified.
"And hello to you too, squirt," naghihikab na sabi niya.
Pagkadating niya sa cabin niya mula sa mahigit pitong oras na pagbiyahe mula sa NAIA hanggang Tagay-Tagay, dumeretso agad siya sa kama at natulog. Maliban sa paghuhubad sa suot niyang leather jacket at sapatos ay hindi na siya nagtanggal pa ng ibang suot.
Kung tutuusin, kulang pa nga ang limang oras na itinulog niya. Dahil bago siya sumakay sa eroplano sa airport sa Los Angeles, mahigit seventy-two hours siyang walang tulog at pahinga. Salamat sa katatapos lang na kasong hinawakan niya bilang FBI agent.
Hindi niya tinulugan ang paglutas sa kaso ng serial killer na gumagala sa isang munting bayan sa California. Kinailangan nilang madakip ito bago pa sumapit ang ika-labingwalo ng Disyembre. Iyon ang petsang madalas na naghahasik ito ng lagim.
He was supposed to start his two-month vacation two weeks ago. Ngunit dahil sa serial killer na binansagan ng LA press na Blue Killer dahil sa asul na pinturang ipinapahid nito sa noo ng mga biktima nito, kusa niyang iniurong ang pagbabakasyon sa Pilipinas.
"North, just answer me! Nasaan ka na?"
Napakunot-noo siya sa pagtataka. Sa pagkakaalam niya ay wala sa bansa si Alys. Kasama ito ng asawa nito sa pagbisita sa mga kamag-anak ni Caine sa France. Bakit siya nito tinatanong ngayon kung nasaan siya?
"Nasa log cabin ko. Bakit?"
"Oh, good! Okay, bye! Or as they say here in Paris, adieu!" masiglang paalam nito, at bago pa siya makapagtanong uli ay nawala na ito sa kabilang linya.
Napapailing na inilapag uli niya sa bedside table ang cell phone niya. Sanay na siya sa ka-weird-an ng pinsan niya. Pero tila habang tumatagal ay mas nagiging weird ito. Gusto niyang isiping nagsimula iyon nang pakasalan nito si Caine Winter almost a year ago.
Pero hindi niya magawa iyon. Kung tutuusin, mistula ngang si Caine ang timon ng kadalasan ay out of this world na mga ideya ni Alys. Ang totoo, kahit mahal niya ang pinsan niya, hanggang ngayon hindi niya pa rin mawari kung ano ang nakita rito ng Anglo-American private detective slash heir to the Winters fortune na si Caine.
Kung hindi lang niya alam na bababaan lang uli siya ni Alys ng telepono kapag tinawagan niya ito, uusisain niya ito sa dahilan ng pagtatanong nito kung nasaan siya nang mga oras na iyon. Ngunit dahil sanay na siya sa ugali nitong hindi magpapaliwanag hangga't hindi pa nito gustong magpaliwanag, hinayaan na lang niya ito. It was easier that way when one was dealing with Alys.
Tumayo si North at humakbang patungo sa bathroom. He winced when he saw his scruffy face in the vanity mirror. Makapal na ang balbas niya at mas mahaba nang tatlong pulgada sa normal na haba niyon ang buhok niya. Kaya pala kung tingnan siya ng karamihan sa mga nakakasalubong niya ay parang nagdududa sa mabuting intensiyon niya. He still looked like one of the criminals he had been living with during those three months he was undercover bago ang pagdakip niya sa Blue Killer. His Aunt Tweetie would freak out kapag nakita siyang ganoon ang hitsura.
Bunso at kaisa-isang kapatid na babae ng kanyang ama si Aunt Tweetie. When his mother died twenty-two years ago, ito ang tumayong pangalawang ina nilang tatlong magkakapatid. Kahit dalaga pa ito nang mga panahong iyon, walang angal nitong inako ang responsibilidad sa kanila na iniwan ng kanilang ina at maging ng kanilang ama, na sa sumunod na tatlong taon pagkawala ng kanilang ina ay ibinuro sa trabaho ang pagdalamhati nito.
It was a good thing that on his mother's third death anniversary, his father finally accepted his loss and became the same responsible, if not quite loving, father they used to know. Dahil kung hindi, malamang na hindi na nakapag-asawa si Aunt Tweetie dahil sa pag-aaruga sa kanilang tatlo nina Daegan at Wade.
Kahit nang magkaroon na rin ng sariling pamilya si Aunt Tweetie, hindi nag-iba ang pagtrato nito sa kanilang magkakapatid. Bagaman bumalik ito sa Pilipinas dahil naroon sa bansa ang negosyo ng asawa nito, regular pa rin silang kinukumusta at binibisita nito noon sa States. Kaya malaki ang utang-na-loob niya rito.
Kaya kahit nauna na siyang kinumbidahan ng Uncle Alessandro niya para pumasyal sa bahay nito sa Montagu, mas uunahin niyang bisitahin ang kanyang tiyahin. Then he would visit his second brother Daegan's house next at Meadows Village, which was quite close to Aunt Tweetie's house.
Pero bago pa siya magtungo sa bahay ni Aunt Tweetie sa kabilang dulo ng Talampas kung saan nakatira ito at ang pamilya nito, kailangan muna niyang pagupitan ang buhok at ahitin ang balbas niya. He hated the scratchy feeling, too. Tiyak na bukas na ang Kalbong-kalbo Barber Shop sa bayan. Doon sila nagpapagupit noon tuwing summer vacation at nasa Tagay-Tagay sila ng mga kapatid. Sa naturang barber shop din nagpapagupit ang mga tiyuhin at pinsan niya noon. Ang totoo, doon lang nagpapagupit lahat ng mga lalaking Navarre kapag naroon sa Tagay-Tagay.
It was also sort of a rite of passage for every young Navarre male—ang magpagupit ng buhok kay Manong Barong. Kaibigan ng lolo nilang si Lolo Seb si Manong Barong. Sarhento sa ilalim ng command ni Lolo Seb si Manong Barong bago maputulan ng kaliwang binti ang lalaki nang maipit ang troop ng mga ito sa isang engkuwentro. Ayon kay Lolo Seb, iniligtas ni Manong Barong ang buhay nito. Kaya nang ma-discharge diumano sa serbisyo si Manong Barong, binigyan ito ni Lolo Seb ng lupain sa Tagay-Tagay at perang panimula ng negosyo.
Buhay pa kaya si Manong Barong? Ang huling balita kasi niya ay naospital ito dahil sa sakit nito sa bato at sa atay na bumigay na sanhi ng pagkahilig nito sa alak.
He stepped out of his clothes, then walked into the shower. Sa halip na isara ang glass door ng shower enclosure, hinayaan lang niya iyong nakabukas. He never could stand cramped, enclosed places. Kaya kung hindi rin lang kailangan, iniiwasan niyang mapunta sa mga masisikip at saradong lugar.
After washing off the traces of the past few days' dirt and grime, he shaved off his beard.
Pagkabihis ay lumabas na siya ng cabin at sumakay sa itim na motorsiklo niya. Iyon lang ang sasakyan niyang naroon dahil iyon ang ginamit niya pagtungo roon kanina. His jeep was parked at his parents' house.
Bago niya paandarin ang motorsiklo ay ikinabit muna niya sa mga tainga ang earphones ng MP3 player na nakasuksok sa bulsa ng itim niyang leather jacket. He put on his helmet, and with Steven Tyler of Aerosmith singing he didn't want to close his eyes, he roared away from his cabin.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERS
RomansaAkala ni Sheng ay natagpuan na niya ang isang perfect boyfriend kay North Navarre. He made her smile, laugh, fall in love every minute she was with him and believe in happy ever afters. Mula nang makilala niya ito, pakiwari niya ay mas naging...
