CHAPTER 6

1.2K 33 1
                                    


GUSTUHIN mang kastiguhin ni Sheng si Alys nang magkita sila nitong muli nang araw ng pagbabalik nito dalawa't kalahating buwan mula nang huli nilang pagkikita, hindi niya magawa.

Una, dahil batid niyang medyo depressed pa ito sa pagkakalaglag ng sanggol sa sinapupunan nito isang buwan na ang nakararaan. Bagaman pinipilit nitong maging masigla, ramdam pa rin niya ang bigat ng kalooban nito. Mabuti na lamang at base sa nakikita niya ay todo suporta si Caine dito. Tila mapabahin nga lang si Alys ay natataranta na si Caine at handa nang isugod ang asawa sa ospital.

Ikalawa, aminado siyang kung hindi din dahil kay Alys, baka hindi naging ganoon kabilis ang pagkakakilala nila ni North. Isang linggo na siyang nakabalik sa bahay niya sa Maynila. At isang linggo na ring nakabalik sa States si North.

Araw-araw ay nagtatawagan sila. Siya ay sa umaga tumatawag dito pagkagising niya. Ito naman ay sa gabi tumatawag sa kanya pagkagising naman nito since baligtad ang umaga at gabi nila.

Gayunpaman, miss na miss na niya agad ito. Iba pa rin kasi talaga kompara noong halos araw-araw silang magkasama sa Tagay-Tagay kaysa ngayong sa telepono na lamang sila nagkakausap. Makita man nila ang isa't isa sa web cam kapag nagtsa-chat sila, hindi pa rin sapat.

"You are glowing, Sheng. I told you, pasasalamatan mo ako mula ulo hanggang paa!" tudyo ni Alys sa kanya nang magkita sila nito sa isang coffee shop malapit sa bahay nito sa Alabang.

"Tama ka, Alys. And I really can't thank you enough," nakangiting wika niya rito.

"You're very welcome. Pero okay lang ba sa iyo ang ganitong long-distance relationship? Sa tingin mo makakatagal kang hindi siya nakikita ten months out of every year o baka nga higit pa? Hindi ka ba magdududa sa katapatan niya? Paano mo malalaman kung faithful nga siya sa iyo o nagtataksil na pala sa kabi-kabilang girlfriends niya sa States?" nang-iintrigang tanong nito, saka mabining sumisipsip sa straw ng in-order nitong strawberry milkshake.

Nakakunot-noong tinitigan niya ito. Bakit pakiramdam niya ay may laman ang mga tanong nitong iyon?

"Ikaw ba'y kakampi ko o ano? Ikaw itong nag-matchmake sa amin, 'tapos ngayon ikaw rin ang kukuwestiyon sa relasyon namin," ingos niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "I'm just saying. Alam mo namang parehas tayo ng sitwasyon. Kaya alam ko kung gaano kahirap ang mga ganitong klase ng relasyon. Unless of course, gumaya kayo sa amin ni Caine at magpasya nang magpakasal," kaswal na kaswal ang tonong sabi nito, na parang nagmungkahi lang ito ng kulay ng damit na mas magandang bilhin niya.

"Alys, two months pa lang kami. Ni hindi pa nga siya personal na na-meet nina Papa at Tita Aying."

"Bakit nga ba hindi natuloy ang pagkikita nila? Akala ko ba bago siya umalis ay bibisita siya sa bahay ng papa mo?"

"Dapat nga sana pero biglang tumawag ang superior niya at pinababalik siya nang mas maaga. Something about an old case he handled two years ago. Naintindihan naman nina Papa. Alam mo naman iyon, basta trabaho kahit nasa ospital pa ay babangon para lang matupad ang tungkulin niya. Kaya aprub sa kanya ang pagiging tutok ni North sa trabaho," wika niya.

Kung ang ama ni Sheng ay hindi nadismaya sa nangyari, siya ay dismayadong-dismayado. Mas umikli kasi ang oras nila ni North na magkasama. At isipin pa lang na sa darating na Pasko pa uli ito magkakaroon ng pagkakataon na makabalik sa bansa para sa fourteen days' vacation nito ay para na siyang maluluha sa lungkot at labis na pananabik dito.

Mahigit eight months away pa iyon. Pagkatapos ay napakaikli pa. Limang araw lang. Ni hindi ito aabot ng New Year's Eve.

Alys snorted and shook her head in disapproval. "Men! Hindi nila alam kung alin ang mas mahalaga. Anyway, ano nga iyong sinasabi ko kanina? Ah, yes, about the distance thing. That can be solved by marriage, you know," anito.

Natawa siya rito, bahagyang napailing. Bagaman sa isip niya ay parang nakikinita na nga niya ang mga pigura nila ni North habang nagpapalitan ng singsing at pangako sa harap ng altar.

"I don't know, Alys."

"Oh? Then why do I see a giant engagement ring in your eyes?" panunudyo nito.

"Sira! Para namang ganoon lang kadali ang pagpapakasal. Baka kapag pinaringgan ko si North tungkol doon, biglang magtatakbo iyon papuntang Timbuktu at hindi na magpakita sa akin."

Sa halip na sumagot ay isang ngiting kakikitaan na may itinatago ito sa kanya ang sumilay sa mga labi nito. Saka nito iniba ang usapan.

(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon