CHAPTER 10

2.3K 48 2
                                    


IT WAS their second wedding day. Subalit taliwas sa naunang kasal, bukod kina Sheng at North, sa officiating priest at limang witnesses nila na kasalukuyang naghahabulan sa paanan nila, wala na silang iba pang inimbitahan.

Kasabay ng napakagandang paglubog ng araw sa dalampasigan ay ang pagtatagpo ng mga labi nila ni North sa ikalawang 'kiss the bride' nila.

"I love you, Mrs. Sheryl Navarre. From this day forward, nothing else matters but you," sumpa nito sa kanya.

"I love you too, Mr. North Navarre. I'll never let you go this time," tugon niya.

At tila bilang pagsang-ayon, nagsikahulan sina T-Rex, Billie-Jean at ang tatlong tuta ng mga ito.

DREAM GRACE

•••WAKAS•••

(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon