CHAPTER 8

1.5K 44 0
                                    


"YOU KNOW what, North? You've never given me flowers just for the sake of giving me flowers. Not once in our entire relationship. Tuwing makakatanggap ako sa iyo ng bulaklak, nangangahulugan lang iyon na may kasalanan o atraso kang nagawa," ani Sheng sa napakakaswal na tono.

Natigilan si North sa aktong pagbubutones ng pantalon niya at napalingon sa kanyang asawa. Hawak-hawak nito ang tatlong piraso ng pulang-pulang rosas na inilagay niya sa ibabaw ng dresser nito kasama ng note na muli ay humihingi ng tawad.

Obviously she was still mad at him for missing their wedding anniversary two days ago. No matter how hard he tried to make it up to her and no matter how many times he tried to ask for forgiveness, galit pa rin ito.

Akala niya, kung hindi niya papansinin o papatulan ang mga pagpaparinig nito ng pagiging manhid at walang kuwenta niyang asawa kompara sa asawa ng ibang kakilala at kaibigan nito ay kusa na lang itong titigil. But the more he ignored her, the more she became waspish and confrontational.

At nagsisimula na rin siyang mairita. Oo, may kasalanan siya. Malaki. Major sin sa isang relasyon ang makaligtaan ng isa ang anniversary nila. Pero sinubukan naman niyang bumawi rito kinabukasan. Nagpa-reserve siya sa isang Italian restaurant at umupa pa nga ng mga musikerong haharana rito sa buong itatagal ng dapat sana ay dinner date nila. Ngunit ito mismo ang tumangging pumunta pa sa restaurant pagkatapos niyang ipaalam iyon dito.

Isang pagak na ngiti ang ibinigay nito sa kanya matapos niyang ipaalam dito ang plano niyang iyon. "What? Gusto mo pang gawing limang beses ang paghihintay ko sa iyo sa isang restaurant para lang makatanggap uli ng tawag mula sa iyo o sa isang tauhan mo na nagsasabing 'Pasensya na, Mrs. Navarre, mayroon kasing mas importanteng mga taong inaasikaso ang bayani ninyong asawa. Hindi naman nasa bingit ng kamatayan ang buhay mo habang naghihintay ka diyan sa asawa mong hindi naman susulpot. Kaya natitiyak kong maiintindihan mo uli ito'," puno ng sarkasmong wika nito bago siya tinalikuran at malakas na pinagsarhan ng pinto.

Gusto niyang sabihin dito na huwag itong maging unfair. Ngunit batid niyang siya ang hindi kumikilos nang patas. Hindi lang kasi ang wedding anniversary nila ang hindi niya sinipot kundi maging ang birthday surprise na inihanda sana nito para sa kanya. At kung hindi pa ipinaalala sa kanya ni Mack ang tungkol sa regalong ipinareserba niya sa jewelry shop malapit sa opisina nila ay malamang na pati iyon hindi niya naibigay kay Sheng noong araw ng kaarawan nito.

Bumuntong-hininga siya. "Please, Sheng. Let's not argue. Masyado pang maaga para magtalo tayo. Papasok na ako at—"

"At walang mas importante kundi ang trabaho mo, hindi ba? It seems like everyone else matters to you but not me, North. Kailan mo naman bibigyan ng pansin ang mga hinaing ko? Kapag may break time ka sa pagsagip sa buong mundo?" Medyo pumiyok na ang boses nito sa huling salita.

Mariin siyang napapikit. "My work is important, Sheng. Hindi ako naglalaro tuwing lumalabas ako ng bahay na ito. Ibinubuwis ko ang buhay ko sa bawat minutong nasa trabaho ako. I'm saving lives, Sheng," wika niya sa pinakamahinahon niyang tono.

Ngunit sa halip na mapaglubag ang loob nito, tila lalo lang itong nagalit. Naningkit ang mga mata nito at kumuyom ang mga kamay. "While I sit here just waiting for you to come home so I can bitch at you for not having enough time for us, iyon ba ang ibig mong sabihin?" paangil na wika nito.

"What?" iiling-iling na sambit niya. Hindi niya malaman kung saan nito napulot iyon. "Wala akong sinabing ganoon. Sheng, will you just please stop it? Hindi na nakakatuwa ang mood mo nitong mga nakalipas na linggo. You're turning into a nagging wife."

Mariing kinagat nito ang ibabang labi, saka mabilis na tumalikod at lumabas ng silid nila.

"Sheng!" tawag niya rito. Akmang susundan niya ito pero nang makita niya ang oras sa wristwatch niya ay napamura siya. Kung hindi siya magmamadali, mahuhuli siya sa usapan nila ni Boston Manning, ang boss ni Caine sa pinapasukan nitong security and detective agency. Kagabi ay nakabuo na siya ng desisyon. Tatanggapin na niya ang alok ng lalaking nagpapatakbo ng Cloak and Dagger Security Agency.

(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon