PINIGIL ni Sheng ang mapangiti nang makita mula sa sulok ng mga mata niya ang paninigas ni North sa tensiyon nang makita sila nito ni Gilligan na nagtatawanan sa living room ng cabin. Nagseselos na naman ba ito? Kung hindi lang ito nakakatawang tingnan tuwing nagseselos ay malamang na nairita na siya sa pagiging possesive nito. But since siya man ay ganoon din tuwing makikitang malapit ito sa ibang babae, hindi na lang niya ginagawang issue ang pagseselos nito.
Matagal na niyang kakilala si Gilligan, kaya naman nang dumating ito kanina ay agad niya itong pinatuloy sa kabila ng agam-agam ni Polaris.
"Gil." Matipid na tinanguan ni North ang FBI agent na kaibigan at dating kasamahan nito noong aktibong agent pa ito.
"North." Gumanti rin ng tango si Gilligan dito.
"Good evening, Sheng," bati ni Cassie sa kanya na kasunod ni North na bumaba ng sasakyan.
Kung hindi lang siya masyadong magiging obvious ay inirapan niya at hindi pinansin ang babae. Pero ramdam niya ang init ng pagtitig ni North sa mukha niya kaya pinilit niyang ngitian at gantihan ang pagbati ng babae.
"Good evening. Oh, let me introduce you to my friend, Gil. Gil, meet Cassie, North's friend," aniya.
Magiliw na nakipagkamay si Gilligan kay Cassie. "'Pleasure to meet you," anito sa babaeng matamis na napangiti nang hagkan ni Gilligan ang likod ng palad.
Subalit ang mga mata ni Gilligan ay nananatiling nakapagkit kay North, habang si North ay walang kurap ding nakatitig kay Gilligan. Bagay na batid niyang malamang ay nangangahulugan na nag-uusap ang mga ito sa paraang mga lalaki lang ang nakakaintindi.
Hindi siya sigurado kung kasali din ba sa mga nakakaalam ng lihim na trabaho ni North ngayon sa Cloak and Dagger si Gilligan. Ang hula niya ay oo dahil sa pagkakaalam niya, isa rin sa malalapit na kaibigan ni North si Gilligan. In fact katulong ito nina Mack at North noon na pabagsakin ang human and gun smuggling syndicate na assignment ni Mack noong magtagpo uli ito at ang noon ay nobya pa lang nito na si Anna. Isa rin si Gilligan sa mga groomsmen sa kasal nila noon ni North.
And he would probably be one of their groomsmen again sa nakatakdang pagpapakasal uli nila sa January.
"Nasaan si Race, babe?" tanong ni North sa kanya. Last week ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Boston Manning na nagsasabing mag-ingat ito. Babalang ibinigay ng tinatawag na The Boss ni North, pati na sa iba pang Cloak agents na nagkalat sa buong mundo. Nagkaroon diumano ng leak sa impormasyon mula sa loob ng ahensiya. At nangangamba itong maging sanhi iyon ng panganib para sa mga agent nito.
Mayroon diumanong unathorized entry sa computer system ng agency at listahan ng mga personal na data tungkol sa mga agent ang nailabas. At dahil kabilang sa data tungkol kay North ang pagiging ex-wife niya nito, nangamba itong magkatotoo ang banta sa buhay niya kung tama ang hinala ni Boston na kalaban ang nakakuha ng data na iyon.
Napakadali nga namang dukutin ng mga kalaban ng ahensiya ang mga pamilya ng bawat agent na kasapi ng Cloak and Dagger upang gawing hostage. Kaya bukod sa mga kamag-anak na inalerto na ni North sa posibleng panganib sa kanya at sa mga ito, tinawagan din nito ang isang kasamahan sa Cloak and Dagger na si Race bilang dagdag na bantay niya. Maging si Cassie na dapat ay kasabay nang umalis ng nobyo nito noong isang araw ay piniling manatili muna sa Pilipinas bilang backup nina North at Race.
Noong unang sabihin ni North sa kanya ang tungkol sa information leak ay nangamba siyang baka dahil iyon sa pagsasabi ni North sa kanya ng tungkol sa sekreto ng Cloak and Dagger. Handa na sana siyang mag-panic sa pag-aalalang ipatira ni Boston sa ibang agents si North. Pero tatawa-tawang tiniyak naman sa kanya ni North na hindi iyon dahil sa kanila.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERS
RomanceAkala ni Sheng ay natagpuan na niya ang isang perfect boyfriend kay North Navarre. He made her smile, laugh, fall in love every minute she was with him and believe in happy ever afters. Mula nang makilala niya ito, pakiwari niya ay mas naging...
