"Don't stress the could have, if it should have, it would have."
*******
"Mom, why do we have to be homeschooled when it should be our first time to go to a school?" Tanong sa'kin ni Xandrei.
Nakaupo kami sa carpeted floor ng kwarto nilang mag kakapatid habang inaayos namin ang mga luggage nila habang si Xandrine nilalaro naman ang manika niyang si Phoebe. Inaayos din nila yaya Pia and Pau yung mga gamit nila dun sa kabilang kwarto.
Nakahanap kasi ko ng vacant na 3 bedroom apartment malapit sa dati kong bahay na nirerenovate na ngayon para maging café. Tama lang ang laki nito para sa'ming mag-iina kasama na ang dalawa naming kasambahay.
Pasukan na and I've enrolled them to one of the International Schools in Baguio who offers home study program. Ayaw ko man sila i-homeschool but I need them with me. Ayoko silang iwan sa Baguio habang inaasikaso ko ang bago kong café dito sa Manila at ayoko naman iasa kay Amiel lahat. Nagpapatulong din siya ngayon sa pagmamanage ng Restaurant niya na kakalipat lang sa BGC. I squatted in front of them, tinititigan ko palang si Xandrei to give a better explanation but Xander butts in.
"Don't ask too many questions Xandrei, mom knows what's best for us." Sabi ni Xander habang nilalagay yung mga tiklop nang damit sa cabinet nila.
Kahit may mga kasambahay kami, naturuan ko pa rin sila ng mga gawaing bahay. Alam ko na baka mag-mana sila sa'kin na pagtungtong ng wastong gulang mas gugustuhin na nilang magsarili.
"I know, but I just wanna be like other normal kid," Xandrei said pouting.
Ngumiti ako at ginulo ng pabiro ang buhok niya bago 'ko sila yakapin ng kapatid niya, lumapit na din naman sa'min si Xandrine at niyakap ako mula sa likod.
"Hey, just give mommy more time ok? You will go to school when the time is right. Sa ngayon kasi anak, Daddy Ninong needs help with his restaurant and I need to be here too para sa pag-aasikaso ng bago nating restaurant. I am not sure kung hanggang kailan ako dito and I need you to be with me while I am here. Do you wanna stay in Baguio with Tita Kylie instead?"
Umiling naman silang tatlo, "Sorry mom, now I understand. I want to be with you here. Homeschool is ok. I don't wanna go back to Baguio without you." Sabi ni Xandrei sabay siksik sa dibdib ko.
"We always want to be with you, mom," Kinawit ni Xandrine ang kamay niya sa leeg ko para mayakap din ako.
Hindi ko nga lang inaasahan ang sumunod na tanong ni Xander. "Is dad going to live now with us here?" Tanong nito sa mas seryosong boses.
"Will he meet us, now that we're here?" Dagdag na tanong din ni Xandrei when he looks up to meet my eyes.
"Yeah mom, I wanna see daddy too." Sabi ni Xandrine na umikot para makaupo sa lap ko nang umayos ako ng upo.
Napaatras naman ang dila ko sa mga tanong at itsura nila.
Pero siguro, ito na rin ang tamang oras. My kids are very smart, I just hope they'd really understand and accept what I am going to say.
"Your..ahm.. " I said clearing my throat. Nakuha ko ngayon ang buong atensyon nila, marahan na umalis sa lap ko si Xandrine at tumabi sa mga kapatid niya na ngayon ay nakaharap sakin at naka indian sit na din.
"Your daddy will not live with us here...." I said slowly and saw how their facial expression change. Parang nadurog ang puso ko sa lungkot ng mga mata nila, "But don't worry you will meet soon." Xander smiled with what I said while Xandrei fist pump in the air and Xandrine squeals in excitement.

BINABASA MO ANG
Reckless
RomanceThey tell you in high school that real life is hard, but no one ever thinks it's as hard as it is until reality sets in. Andrea Matthews's life was once perfect. She got the beauty, brain, body to die for, cool friends and hot flings. The only pr...