Boredom strikes! Enjoy reading! Vote and comment! Thank you! xx
____________
Chapter 3 - Mind blowing
“Sorry talaga Drei, kung di lang nagdamot tung si Rocky edi sana lagi mo kaming kasama noon pa, kaya lang wala eh di sinabi na mag 2 years ka na palang nandito nakatira sa Pinas.” Sabi ni Jowelle while shaking his head.
“Oo nga edi sana you didn’t get so lonely.” Justin added.
Natawa nalang ako sa pang aasar nila. Si Rocky pala may kasalanan kaya di nila alam na nandito na ko sa Pinas, sabi nung kambal may girlfriend daw kasi si Rocky na selosa at alam niyang di siya papayagan nito na makasama or Makita ako kaya daw siguro di sinabi ni Rocky sakanila para daw pare-pareho silang di ako Makita.
“Guilty si gago.” Van snickered.
Lalo tuloy akong natawa kasi nakasimangot na si Rocky.
“It’s ok, ano ka ba and I wasn't lonely you know I also have the capability of making friends. Ano ko loner?"
Ngumiti lang naman sila sa sinabi ko "And I guess you guys were busy as well.”
“Yeah, college is well… college. Frustrating and exhausting than ever.”
Tumango naman sakanya sila Jow.
“You’re all graduating right? Except Roland and Bryan?” I asked.
They nodded.
“Hmmm. I see, buti pa kayo.”
“Ikaw? You studied in States right? May mga nacredit ka na siguro na general courses, anong year mo na ba?” tanong sakin ni Bryan while the other guys are are engaged with different topic.
“Well, medyo complicated eee irreg Alamo na. May mga nacredit naman most of the general courses kasi yung iba natake ko na nung highschool palang nacredit naman nila dito thank God, like English 101,Spanish, French, Mandarin, Calculus. Mga course ko ngayon pang third year 3rd year 1st sem na.”
“Great sabay sabay tayong gagraduate nila Roland next year!” Bryan exclaimed.
Napatingin naman ulit ako kay Roland.
Kung ipagkukumpara sila, Roland seems to be the real bad boy while Bryan seems to be the good guy. Nasa aura ni Roland yung angas, he's trouble.
Nung tinignan ko si Roland para nya pa rin akong tinutunaw sa mga tingin nya, ewan ko kung ako lang ba nakakapansin pero he is drinking his beer…sexily.
“Anong major mo?” Tanong ni Roland, obviously alam nyang BSBA student din ako.
“Financial Management. You?”
“Marketing din.”
“Oh nice, BSBA ka din pala.” Sabi ko kunwari di ko alam.
“Yup.” He said popping the ‘p’
“Actually Ryan and I are blockmates.”
He added.
BINABASA MO ANG
Reckless
RomanceThey tell you in high school that real life is hard, but no one ever thinks it's as hard as it is until reality sets in. Andrea Matthews's life was once perfect. She got the beauty, brain, body to die for, cool friends and hot flings. The only pr...