Jasmin's Point of View
"Van alam mo ba."
"Malamang hindi." bwesit na babaeng 'to ang aga aga nambabara. Makaalis na nga bwesit ka.
Ayy hi ako nga pala si Mystica Jasmin Monreal ang pinaka mabait sa tropa ahhaha chus ang tinaguriang Most Amazona sa barkada, while yung nambara sakin kanina ay si Vanessa Lim ang tinaguriang Most Mapambara sa barkada, lahat kami baradong barado sa kanya kaya lahat rin kami bwesit na bwesit sa kanya, pero kahit ganun yun mahal ko yun.
"Woyy!! ano??" yan sige magsisigaw ka, kinakausap ka ng maayos ayaw mo sumagot ng maayos.
"Wala."
"Ayy bala ka nga dyan" ewan ko sa buhay mo Vanessa manigas ka dyan.
"Wala, ansabi ko lang alam mo ba? nakakabwesit ka?" tinawanan lang niya ako kaya umalis na ako
Dahil sa sobrang kabadtripan pumunta nalang ako sa kwarto ni Maxeen.
"Oh? ginagawa mo dito?" sabi niya habang tutok paren sa librong binbasa niya. Bastos na bata, may kausap tapos sa libro parin yung tingin.
"Sino kausap mo? ako o yung libro?" napailing iling lang siya at tutok na tutok paren sa librong binabasa niya.
As usual bookworm eh, siya nga pala si Maxeen Ramos ang dakilang matalino at masungit sa aming apat. Matalino din naman ako, kaso mas matalino talaga siya tsaka yes masungit siya pero mabait din naman kaya love ko 'to eh.
Sinara na niya yung libro niya at hinarap ako, "So bakit ka nga naparito?" tanong niya saakin, eh bakit bawal? bawal?. Humiga muna ako sa kama niya bago sumagot.
"Wala bored ako eh, tsaka ayokong kausap si Van babarahin at babarahin lang ako nun" umiling iling lang siya habang nakatutok na naman sa librong binabasa niya.
"Hi girls!" napalingon ako sa nagsasalita, ayos ah, nanunukat na naman 'to ng damit hays.
"Ginagawa mo dito?"
"Bakit may sign bang no Shanaiah allowed?" sarkastikong tugon niya. So ano toh tarayan at barahan time?, sus ewan ko sayo. Di ko paren siya sinasagot binigyan ko lang siya ng smirked and irap.
Siya nga pala si Shanaiah Loraine ang dakilang fashionista at mataray plus maarte sa barkada, ang taray kaya talaga niya pero buti nalang talaga eh, buti nalang at nangibabaw paren sa kanya ang kabaitan niya kaya love ko rin siya, Ayiieh!, baliw.
"Chus lang, ito naman ang highblood." sabi niya na parang nanunuyo. Ayon umayos ka, wala ako sa mood kaya umayos ka talaga sakin.
"Sagot naman dyan Jas, ano ba naman yan nagtatampo agad" sabi pa niya tapos nagpout. Talaga lang, una si Van tapos si Max tapos ikaw? waaahhh punong puno na ako.
"Anong isasagot kung walang namang tanong?" singit ni Vanessa. Kahit kailan napaka sarkastiko nitong babaeng 'to eh
"Shh" napalingon kaming tatlo kay Maxeen, oo nga pala nagbabasa siya tapos ang ingay namin, ay sila lang pala yung maingay.
"lumabas na nga lang kayo sa room ko kainis ang iingay niyo." tumayo siya tapos tinulak kaming tatlo palabas ng kwarto niya, wow ang very good ahh.
Nagpunta ako salas sa sobrang boring, parang may patay sa sobrang tahimik ng bahay, sheeeems!! patay agad hahahaha, diba? parang sobrang OA naman ata hahaha.
Hey!, by the way nag tataka ba kayo kung bakit nasa iisang bahay kami? Tumakas kami sa bahay kasi malaki ang problema hehehe and hinahabol din kami kaya magpapalamig muna kami sa mata ng kalaban aysh.
"Jas, mamimigay ako ng damit." sigaw ni Shanaiah sa kwarto niya, nasa kwarto niya siya, ha tapos abot hanggang salas ang boses. I'm not fvcking interested, ang sesexy kaya ng mga damit mong babae ka.

BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Teen FictionSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.