Top's Point of View
Nagising ako sa isang lugar na di ko kwarto, nagising ako na masakit ang ulo ko,nasaan ako?, anong nangyari?
"Waaaaahhh!!!" sigaw ng babaeng nasa bisig ko. Shit n-na-nasaan ako? totoo ba 'to? Nakina shanaiah ako? Bakit? Paano?
"Woyy bakit ka nga nandito? Alisin mo nga kamay mo saakin." sigaw niya at tinulak ako kaya dali dali naman ako tumayo.
"Ahhhhh!!" sigaw niya habang hawak hawak ang ulo niya.
"A-ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo g-gamot." sabi niya kaya dali dali akong lumabas sa kwarto niya at nagpuntang kusina.
Doon nakita ko sina Renzo, Alex, Vanessa at Maxeen, "gamot para sa hang over" sabi ko kaya napalingon sila saakin.
"Here" sabi ni Maxeen sabay bigay saakin nung gamot para sa hang over at ng tubig.
"Thanks" sabi ko at umalis na.
"Di pa ba gising yung dalawa?" rinig kung tanong ni renzo.
"Halata ba?" pangbabara ni Vanessa sa kanya.
Hindi ko na narinig ang ibang pinag usapan nila dahil nagmadali na ako pumunta sa kwarto ni shanaiah.
"Here" sabay bigay ko sa kanya ng gamot para sa hang over niya.
"Thank you" sabay inom niya sa gamot.
"teka nga bakit ka nga ba nandito?" tanong niya na may halong pagtataka sa mukha niya.
"Kasi--aray!" daing ko at umupo sa kama niya.
"A-a-ayos ka lang ba?" tanong niya saakin.
"Masakit lang ulo ko." sabi ko sa kanya, kaya binigay niya ang isang gamot para sa hang over.
"Here!" sabay bigay niya saakin nung tubig niya. Tinanggap ko naman yun at ininom na ang gamot.
"Shanaiah baba na diyan!" rinig kung sigaw ni Vanessa.
"Coming!" balik na sigaw ni shanaiah.
"Baba na tayo, halika na?" sabi niya saakin at tumayo na at nauna na papunta sa pinto. Sumunod naman ako sa kanya at lumabas na.
"Hii shan, hi top" bati saamin ni Maxeen.
"Hello" bati pabalik ni Shanaiah sa kanya bago umupo sa dining table.
"Tulog pa ba si Jasmin?" tanong ni Shanaiah habang kumakain.
"Oo eh, mukhang tulog pa sila." sagot ni Maxeen. Sila? Sino sila? May ibang kasamahan pa ba sila sa bahay?
"sil---?"
"Oh andyan na pala sila eh." sigaw ni renzo kaya napatingin kami sa direksyon na tinitingnan niya, t-tama ba itong nakikita ko? Si brent at jasmin? Sa isang kwarto? Wow dumadamoves na rin pala si Brent.
"B-brent?" nauutal na tanong ni Shanaiah na ikanangiti naman ni Brent. Naglakad na papunta sa dining table sina Brent at naupo na.
"Wait!, nga ang gulo!!. Bakit kayo nandito?" biglang siyang tumayo at sinigawan kami ni Shanaiah at tinuro turo pa kaming apat. Nagkatinginan naman ang mga babae na nag pipigil ng tawa except kay Jasmin na busy kumain habang kaming mga lalaki naman ay napatingin kay shanaiah tapos nag iwas kami ng tingin at nagkatinginang apat.
"Wala bang may planong mag explain saakin?" sabi niya at umupo na ulit sa upuan niya.
Biglang binitawan ni Jasmin yung spoom and fork niya sa lamesa na nakakuha ng atensyon namin, "Ang aga-aga ang ingay mo." sabi niya habang nakatingin kay shanaiah.
BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Teen FictionSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.