Chapter 31: Paramdam ng mga kalaban

4 0 0
                                    

Brent's Point of View

One week na rin simula nung naglaro kami sa bahay ng mga girls and for god sake ngayon lang ulit nagparamdam ang lokong si Charles.

Flashback

Tuesday nun, uwian na dahil hindi naman kami same way ng mga kaibigan ko ako lang mag-isang nagdrive yung sa daanan naman tatlong kotse lang ang nakasabay ko.

Kanina pa ako liko ng liko at kanina pa din sunod ng sunod yung tatlong kotseng kasabay ko. Napatingin ako sa side mirror ko at dun nakita ko....

Si Charles!

Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos nung muntikan niya kaming pataying apat. Ngayon lang ulit siya nagpakita at alam ko na kung bakit dahil sa mga bagong kaibigan ko.

Pinakaayaw ni Charles na nakakalamang kami sa kanya kung anong circle of friends niya dapat ganun din samin kung gangsters kami gangsters din sila kaso Gangsters pa ba kami o Mafia na?

Mafia boss ang mga tatay namin at alam namin yun dahil sumasama kami sa mga mission nila kaya ang pinagtataka ko ano nga ba kami? Mafia ba? Kagaya nila Jasmin? O Gangsters parin kagaya nila Charles?

Nasa side ko na yung sasakyang kanina pa ako hinahabol. Inopen niya yung window niya kaya binuksan ko rin yung window ko. May binato siya bato na nakabalot sa papel at sapol napasok sa kotse ko.

Inunahan ko na sila. Mabilis na mabilis ang pagpapaandar ko kaya pabilis din ng pabilis ang humahabol saakin hanggang sa tinigil ko bigla yung kotse ko pero dire-diretso lang angga gago kaya dali dali akong bumalik sa dinaanan ko kanina.

Amazonas VS HearthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon