Brent's Point of View
Masakit man makita na masaya siya sa piling ng iba ayos na din atleast masaya siya. Masakit man isipin na di ako yung taong nagpapasaya sa kanya ayos na din kasi nga masaya siya. Kahit masakit basta ikakasaya niya ayos na. Andaling sabihin ang hirap gawin. Hindi ako maayos pero kinakaya ko para sa kasiyahan niya. Halata namang masaya siya kausap yung katawanan niya the other day eh.
"Ready?" tanong saakin ni daddy kaya tumango na ako.
Hoh!. Kaya ko 'to tiwala lang. Gusto ko ng takbohan ang buhay kung ito napakahirap naman pala ang akala ng iba dyan ang swerte ko kasi anak ako ng isa sa pinakamayan sa buong Pilipinas pero hindi, hindi talaga.
Flashback...
"Oh anak nandiyan ka na pala." bati saakin ni daddy.
"Nasabi na ba sayo ni Tri------"
"About sa engagement niyo?" sarcasticong tugon ko sa kanya.
"Engagement niyo." pagtatama ni daddy.
"Akala ko engagement niyo kayo lang kasi ang nag usap-usap tungkol dun." sabi ko sa kanya at naglalad na papunta sa itaas. Di pa nga ako nakakatatlong hakbang sa hagdanan ay nagsalita na ulit siya.
"Ayos lang naman sayo na makasal kayo hindi ba?" tanong niya saakin.
"Hindi." walang emosyong tugon ko sa kanya. "Sa ayaw at sa gusto mo ikakasal kayo." may bahid na galit ang pagkakasabi ni daddy nun kahit mahinahon lang.
"Sana di niyo nalang ako tinanong." sagot ko sa kanya at tuloyan ng naglakad.
"Bastos na bata. Bumalik ka dito." galit na galit na si daddy dahil sumisigaw na siya ramdam na ramdam ko galit niya.
"Brent!!" di ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
End of flashback..
"Pare ayos ka lang?" alalang tanong ni Alexander saakin. Nandito sila sa room ko yung mga girls dumating na rin daw sa venue.
"Sa totoo lang hindi." sagot ko sa kanya.
Halos di na ako makahinga sa trato nila saakin para akong preso sa ginagawa nila di ako malayang nakakakapagdisesyon.
BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Teen FictionSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.