Chapter 23: August

7 0 0
                                    

Brent's Point of View

Para akong tanga dito sa canteen magkakasama kaming walo pero wala kaming pansinan ni Jasmin. Mas tumatagal mas nahuhulog ako sa kanya. Oo nahuhulog ako sa kanya matagal ko na siyang gusto nung nangbubully palang kami gusto ko na siya kahit nga siguro nung unang tagpo namin sa PS gusto ko na siya di ko lang maamin amin dahil di ako makapaniwalang nalalamangan ako ng babae. Pero nung naging close ko si Jasmin naging maayos yung pagsasama namin, ang sarap niya tingnan habang tumatawa matagal tagal ko na ding hindi nakikita yung tawa niya. Gustong gusto ko siya kausapin pero di ko alam kung paano pag iniiwasan niya ako parang may kirot sa puso ko ngayon ko lang naramdaman 'to. Nung niyakap niya ako parang may kuryente akong naramdaman.

"Babe!!" nanumbalik ako sa katawang lupa ko nung marinig ko ang matinis na boses ni Trina. Nakakabanas na siya ah sunod ng sunod parang buntot.

"Ano ba!!?!? Pwede ba tigilan mo ako." di ko mapigilang mainis sa kanya. Dahil sa kanya iniiwasan ako ng taong gusto ko.

"Ay babe." tumabi siya saakin kaya umosog si Renzo na nasa tabi ko.

"Ayy nako pati ba naman sa Cafeteria may linta akala ko sa palayan lang yun nakikita." napalingon ako sa nagsalita, laking gulat ko na parang sasabog yung puso ko.

"Hahhaha ate, Queen linta kaya yan ahhahah" ngayon ko lang nakitang ganito kasaya yung kapatid ko. Pero mas nashock ako sa sinabi ni Jasmin. Yung mukha naman ni Trina di maipinta sa sobrang galit

"Lipat nalang tayo ate kasi nakakadiri tingnan yung linta" nandidiring sambit ng kapatid ko sabay irap. Masyadong halata na ayaw na ayaw niya kay Trina.

"Halikana." nilagay ni Jasmin sa tray na nasa gilid niya ang pagkain at inomin niya tsaka tumayo.

"Sama na kami di rin kasi ako makakakain ng may clown akong nakikita." tiningnan ko ang mukha ni Trina, tama si Vanessa mukha siyang clown sa kapal ng make up niya.

"What!!?!!" alam kung malapit na sasabog si Trina sa galit.

"And me na rin kasi di ako makalunok eh so kadiri kasi kayong tingnan." tumayo na si Shanaiah ng bigla siyang pigilan ni Maxeen. "Brent sasama na ako ah? Best friends ko na kasi ang nagwalkout eh. Sorry magsasabay nalang tayo pag wala na si Queen linta." sabay kindat saakin ni Maxeen.

"How dare all of you to call me Queen Linta. And wala kayong karapatan pagsalitaan ako ng ganyan, and lastly go you're free to go poor little flirty girls." nginisihan lang siya ni Maxeen bago sila Maxeen umalis.

"Friend tayo dre pero alam mo naman." tumayo na si Renzo na sinundan ni Top at ni Alex. Inlove na nga yata 'tong mga 'to kahit ako tinalikuran para sa kanila.

"Pwede ba umalis kana?" natulak ko si Trina kaya napaatras siya. "But babe!" she shouted. "Umalis ka na may pupuntahan pa ako." umalis ako agad.

CoolTropa (Group Message)

Brent: Bakit niyo naman ako iniwan, kung si Jasmin lang yun maiintindihan ko pero kayo nako ang hirap intindihin.

Renzo: Nakakabanas ang boses ng soon to be fiancée mo pare

Vanessa: Ang sabihin mo sobrang arte

Jasmin: Ang landi niya nakakirita, Queen Linta kaniya gaga siya.

Amazonas VS HearthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon