Jasmin's Point of View
Hindi kami nagsasakyan papuntang school ngayon kasi trip namin maglakad, yes malayo layo yung school pero trip namin eh para din yun pag may kalaban kami para di kami agad hingalin pag tumatakbo.
"Takbo!!" kagaya nalang ngayon nagsitakbohan kami kasi may hinahabol kami.
"Tigil!!" kinuha ko yung combat knife na nasa bag ko at dali daling hinagis sa kanya.
Di ko naman talaga siya tinarget para tamaan ng knife ko tinakot ko lang siya para tumigil at tama nga ako tumigil siya kaya nahuli din namin siya.
Naka black balaclava siya kaya di ko makilala yung mukha niya pero I'm pretty sure na babae siya.
"Sino ka ba?" matigas na tanong ni Vanessa. Di niya sinagot si Vanessa kaya hinugot ko yung combat knife ko na nakabaon sa kahoy.
"Sino ka?" matigas pero mahinahong tanong ko hinila ko siya papunta sa gilid para di kami makita ng mga tao.
Tinutukan ko siya ng kutsilyo pero di talaga siya natakot, parang katulad din namin siya. Mafia
"Alam mo? Hindi mahaba yung pasensya ko, isang tanong isang sagot." may diin sa lahat ng salitang sinabi ko. Mas nilapit ko yung knife ko sa kanya pero di parin siya natakot kaya sinugatan ko yung braso niya. "Ahhh!" daing niya nung nasugatan ko siya.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya ulit, dali dali niya tinanggal yung balaclava......
"Abnormal ka ba?" sigaw ko sa kanya at mahina siyang hinagis pero sumalpak parin siya sa pader.
"Sorry ate!" sarap sapakin ng batang ito eh.
"Ano ba ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya. Baka kasi pagalitan pa ako ni mommy eh.
"Ahhh ano kasi ate..." napakagat lagi siya bago magsalita ulit, "Nasundan ka na nila kuya Bryle." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay di na sila manggugulo dahil di na naman talaga nila kami sinusundan.
"ANO!!?!" sabay na sigaw ng tatlo..
"Hindi ba't hindi na nila tayo sinusundan?" takhang tanong ko, hindi na naman talaga nila kami sinusundan.
"Ate yan ang akala niyo, kaya nga kami pumasok sa Hopeless High." mas lalo pang gumulo ang utak ko sa sinabi niya.
"Sa Hopeless High kayo mag-aaral?" tinaasan ko siya ng kilay, sana madala ka sa kilay.
"Ate si mommy'ta ang nagpadala sakin dito." inalis niya ang kamay ko at akmang aalis na ng hilahin ko siya pabalik.
"Mag-iingat ka" habilin ko sa kanya bago siya pinayagang tuloyan.
Medyo nakakalayo na si Julianna bago magsalita si Maxeen, "Sinong kasama niya?" huh? tumingin lang kami kay Maxeen na may malalim na iniisip.
"Kaya nga KAMI nag-aral sa Hopeless High" inulit ko ng mahina ang sinabi kanina ni Julianna. Kami? Sinong kasama niya?
"Kung sila ang tumake over ng role natin as Deadly Queen, I'm sure yun yung mga kasama niya dito." idea ni Shanaiah.
"Pwede rin, ang tanong sino ang mga kasama niya?" tugon ni Maxeen sa suggestion ni Shanaiah.
"Sana mali ako pero ito yung pakiramdam ko. Sila Julianna, Venisse, Maddison, at Scarlette." nakakunot ang noo nila at nakataas ang kilay.
"Remember the days na tayo pa ang namamahala sa Deadly Queens?. Ramdam na ramdam natin na nasa paligid lang sila and pag maylabanan tayo tumutolong sila because they want to be part of us." tumaas ang gilid ng upper lip nilang tatlo, nakakunot noo, at nakataas ang kilay. Alam kung hindi nila gusto ang sinasabi ko pero it's just my opinion.

BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Teen FictionSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.