Shanaiah's Point of View
Masaya ako para sa kaibigan namin ngayon palang kasi ulit siya ganito ka blooming simula nung surprise ni Brent close na sila nagiging girly na nga siya eh di na siya like before na boyish na boyish.
"Ang ganda siguro sa pakiramdam ng ganon, ano?" sabi ni Maxeen na parang nagpapantasya.
"Ayiiiieeeh." tili ni Vanessa.
Magrereklamo na sana ako sa ingay niya pero naunahan na niya ako kasi tinikom na niya yung bibig niya.
"Oo na ang tagal na nun move on na dapat ako. Bitter mo." reklamo ni Vanessa. "Halos simula pag Tuesday mo pa sinasabi yan eh Friday na." reklamo naman ni Maxeen. Bitter na ba ako? Hahahahah.
"Bitter mo. Pakainin kita diyan ng ampalaya eh." iling-iling na sabi ni Vanessa.
*ring *ring *ring
Nagkatinginan kaming apat dahil sa ring ng phone and ofcourse sino lang ba may lablyp dito? Si Jasmin lang naman.
Ewan kung sinagot niya yung tawag basta may pinindot siya sa phone niya at hindi iyon kinausap. "Bakit mo pinatay?" takang tanong ni Maxeen pero nginitian lang siya ni Jasmin.
"Tss. Order na lang tayo nagugutom ako." sabi ko sa kanila.
"Ano ba gusto niyo?" tanong ni Jasmin kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Treat mo?" excited na sabay na sabi naming tatlo.
"Ako Pizza yung Ultimate overload." sabi ni Maxeen. "Ako chicken nuggets tapos fried chicken." dagdag ni Vanessa. "Ako? Ahmm french fries then burger yung sa burger king then drinks." dadag ko naman. Kita ko sa mata ni Jasmin ang pagkagulat pero unti unti nawala din naman.
"Tsaka icecream na din." dagdag pa ni Maxeen.
"Häagen-Dazs" sabay na sabi naming tatlo. "Dapat tig-iisang galloon tayo ah." tumango si Jasmin at ngumiti. "Kung kakayanin ng genie ko." she smiled.
Tawanan lang kami ng tawanan ewan kung pinagloloko lang ba kami ni Jasmin kasi hindi naman siya tunawag para umorder tss.
"Kami ba pinagloloko mo?" inis na tanong ko sa kanya pero di siya nakasagot dahil may nagdoorbell.
"Pasok." sigaw ni Jasmin. "Order natin." she said.
Napalingon kami sa pinto at-----at---ahhh.
"K-kayo?" utal na sabi ko. Ngumiti sila at tumingin saamin.
Andami nilang dala lahat ng sinabi namin dala nila napaka urgh!! Kakahiya di naman sinabi ni Jasmin. Pero paano niya nama-----
"Paano niyo nalaman na ito mga gusto namin? Di naman namin kayo tinawagan." tanong ko na ikinangiti nila. "Kasi ang iingay niyo. Tinawagan ko si Jasmin tapos sinagot niya pero di siya nagsalita and that time nandun yung boys so niloudspeak ko and dun narinig namin mga wishes niyo so as Jasmin said kung kaya ng genie niya kaya naman." natatawang sabi ni Brent.
Gaga kaya pala walang ka emosyon emosyon ang babaeng 'to kanina walang kaproblema-problema di niya pala pera.
"Thank you." Jasmin said.
Kinuha na namin yung mga dala ng boys at iniwan sila sa salas kasama si Jasmin. Dinala namin yung food sa kusina para maghanda.
"Two buckets of chicken nuggets" naiiling na sabi ni Vanessa while smiling widely.
"eight Häagen-Dazs. Mayaman ah." sabi ni Maxeen.
"Three boxes of Pizza." sabi ko naman.
"Three 1.5 litre of coke." sabi ko ulit.
BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Teen FictionSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.