Jasmin's POV
Nagising ako dahil sa taong kumatok sa pinto ko napatayo ako galing sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.
"Wow di man lang nagalaw yung kama mo" bungad ni Vanessa sakin. Paanong magagalaw yan eh sa sahig pala ako nakatulog.
"Namamaga mata mo? Umiyak ka ba?" she suddenly asked kaya napatalikod ako sa kanya.
"Hindi, antagal ko kasing nakatulog kagabi." palusot ko at pumasok na ng cr para mag hilamos.
"Bababa ako mamaya maghihilamos lang ako." sabi ko.
"Okay." sagot niya at agad na isinara ang pinto napatigil ako sa paghihilamos at tiningnan ang mukha sa salamin namamaga nga.
"Wag mong ipakita sa kanila na mahina na." sabi ko sa sarili ko at agad na nag toothbrush.
Messybun; yan ang ginawa ko sa buhok ko. Agad akong bumaba kasi baka ako nalang hinihintay nila.
Nasa hapagkainan na pala sila, nag-uusap.
"Oh Jas andyan kana pala dito ka" sabi ni Renzo sabay turo sa gilid niyang upuan na katabi ni Brent. Nginitian ko lang siya at nagpunta na sa tabi niyang upuan.
"Goodmorning" bati saakin ni Brent.
"Morning" bati ko rin sa kanya at nag smile; fake smile.
Tiningnan ko ang kapatid ko di naman masamang titig pero kita ko sa mata niya ang selos, sakit, alam mo na gagawin mo Jas.
"Ahh Jane? Pwede ba dyan ako? Di kasi ako sanay dito." I lied, kahit dun naman talaga pwesto ko kahit nung kaming apat pa nina Shanaiah.
"Ahh yeah sure, sorry di ko kasi alam upuan mo pala 'to" sabi niya sabay tayo kaya tumayo na din ako.
Napadaan ako sa gilid ni Brent kaya hinawakan niya kamay ko. "Di kasi ako sanay dyan baka mawalan ako ng gana" I said then smile.
Alam kung maraming mata ang nakatingin sa akin pero di ko sila pinapansin. Lalo na yung girls alam nila ang about sa Love triangle namin ng kapatid ko.
"Ahhh Im full, maliligo lang ako tapos punta na tayong mansion" sabi ko ng hindi sila nililingon. Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Pagkarating ko sa room ko nilock ko ito kasi alam kung susundan nila ako. Agad akong pumasok sa cr para mabilis na to. Pagod na ako magpakaplastic.
Habang naliligo, naiisip ko parin amg nangyayari kanina at ang mangyayari pa. Kasi ang gulo sinong MJ ba kasi talaga ang gusto ni Brent? Kahit naliligo ay ramdam ko paring umiiyak ako, na may luhang nasa pisngi ko. Sa cr lang kasi talaga ako comportable na umiyak.
Nang matapos ako maligo ay agad akong pumunta sa walk 'n closet ko sinuot yung high waisted denim jeans na parang blue white na color at black long sleeve na may malaking broken na heart sa harapan nito. Kinuha ang black sneakers ko.
Bumaba ako habang nagsusuklay habang brinebracelet ko naman yung pantali ng buhok ko.
"Ready na kayo?" tanong ko sa kanila nilingon ko si Jane; ang aking kapatid, naka-bathrobe palang siya halatang walang damit at since magkasing laki naman kami bumalik ako sa room ko at kinuha ang isang damit ko na kulay puti same as mine;long sleeve, ang kaibahan lang is isang malaking buong puso sa harapan, mas mahilig siya sa short may short naman ako kaya ibinigay ko na rin kinuha ko ang isang puting sneakers ko at lumabas na ng room ko at nagpunta uli sa hagdan.
"Jane, alam mo naman sigurong may mga lalaki diba?" I asked kaya napatingala siya saakin nasa itaas pa kasi ako si pa ako bumababa mg hagdan.
"Sorry ate nahihiya kasi akong manghiram sayo kaya kay Shan sana ako manghihirap total magkasing laki naman kami eh tsaka alam kung marami siyang damit." pagpapaliwanag niya sabay takbo sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
Amazonas VS Hearthrobs
Fiksi RemajaSa Hopeless High kung saan magkakalaban ang apat babaeng Amazona at apat na lalaking Hearthrob. Sa Hopeless High kung saan magkikilala ang walong mahahalagang tao sa larangan ng labanan.