Chapter 18: Partner

7 0 0
                                    

Maxeen's Point of View

9:00 am palang nakarating na ako sa school. Nagsabay sabay kami nila Shanaiah at Vanessa papuntang school ako para makipag meet sa sinasabi ni Dean na makakapartner ko sa Quiz bee si Vanessa sa dance contest na sinalihan niya si Shan naman sa Singing contest sa school siya sumali.

Yes, may money na kami pero di dahil nabigyan na kami o napahiram na kami magpapakasaya na kami kailangan parin namin magtrabaho. Kung si Jasmin hindi muna nagtatrabaho naiintindihan namin siya alam namin na delikado din siya pero alam ko naman na magtatrabaho din yun kahit na pigilan pa namin siya dahil delikado nga siya.

"Miss Ramos!" napatingin ako sa tumatawag sa akin. Si Dean.

"Good morning po Mrs Reyes" bati ko sa kanya.

Lola 'to ni Renzo and I know it. Magkamukha kasi sila and nakita ko na din sila na nag-uusap ni Renzo and sa Dean's office na nagyayakapan so obviously relatives sila and dahil sa surname niya nalaman ko na maglola sila.

"Hi Good morning lola!" rinig kung bati ng isang pamilyar na boses kay Dean. Tiningnan ko si Dean may nginingitian siya sa likoran ko kaya dali-dali ako lumingon.

"IKAW?!!?" sabay na sigaw namin pero nanahimik din kami nung tumikhim si Dean.

"Is there any problem?" nagkatinginan kaming dalawa ni Alexander bago tumingin kay Dean at lumingo.

"Good, kasi kayong dalawa ang magpapartner." nakangiting sabi ni Dean. Okay! tanggap ko na mapaglaro talaga si tadhana.

"And always remember 100k ang cash prize na mapapanalonan niyo kapag nanalo kayo." 100k? paano kung manalo kami? siguro maliit lang makukuha naming percent. Ganon naman sa ibang school eh I'm sure walang pinagkaiba ang HH.

"And one thing, pagnanalo kayo sainyo yung prize saamin yung trophy. Karangalan lang ng school ang importante saamin wala kaming pakialam sa pera." napangiti ako sa narinig ko. So it means maghahati kami ni Xander sa premyo? Malaking tulong na yun.

"Okay po lola-dean." napangiti ako sa tawag ni Xander kay Dean hahahha.

"So aalis na ako, goodbye." kumaway-kaway na umaalis si dean kaya kumaway na din ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin namin.

"So you're going to be my partner." taas kilay na sabi niya saakin para ba'ng ayaw niya ako kapartner, well the feeling is mutual.

"Obvious ba?" pagmamataray ko sa kanya, kainis kasi eh sa tono ng pananalita niya parang ayaw niya saakin tsk ayaw ko rin naman sa kanya ah.

"Tss, sa bahay namin sa bahay niyo?" nagtaka ako sa tanong niya kaya tinaas ko yung kilay ko at nag cross arm.

"Tss, ang ibig kong sabihin saan tayo mag stastudy?" ahh okay, linawin mo kasi walang surname eh kaya di malinaw.

"Di ako mayaman katulad mo kaya ayaw ko ng masyadong gastos" napataas yung kilay niya at napauwang yung labi niya sa sinabi ko. "Kaya sa bahay namin tayo mag-aaral para di sayang sa pamasahe may sasakyan ka naman tsaka mayaman ka ikaw na pumunta sa bahay."

"Yun lang naman pala eh dami pang sinasabi." tumayo siya agad at nagsimula ng maglakad.

Pero napansin kung tumalikod siya para maharap ako, "Hey!, I need your number." tumaas agad ang kilay ko sa sinabi niya. "How can I tell you na nasa labas na ako ng bahay niyo?" ahh ganon ba? akala ko ano na eh.

"Akin na." inilahad ko yung kamay ko at binigay naman niya saakin yung phone niya at tinipa agad yung number ko.

"Thanks" sabay kindat at umalis na. May pakindat pa salamat siya gwapo siya. Ay tapik ulo! anong gwapo? nasisiraan na yata ako ng ulo.

Amazonas VS HearthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon