Helena
Dati sa pagtatali lang ako ng sintas ng sapatos nahihirapan, pero madali lang pala ito kapag natutunan mo na. Sa pagsusulat ko ng pangalan ko, nahihirapan din ako pero lahat ng bagay matututunan mo kaya nagiging madali ito para sa atin. Sana ganun lang din kadaling magmove-on.
Minsan ang sarap bumalik sa pagkabata. Yung masusugatan at masasaktan ka lang kapag nadapa ka o pinalo ka ng nanay mo dahil sa tigas ng ulo mo.
Ngayon, puso ko naman ang nasasaktan. Mas masakit pala ito kaysa sa mga sugat na natamo ko kapag nadadapa ako noon. Lahat naman daw tayo nasasaktan eh.
May narinig akong kanta nung isang araw... Sana'y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo. Sana nga pag-ibig na lang ang isipin.
Sinubukan kong kalimutan siya pero hindi ko magawa. Galit ako sa kanya pero mas nangibabaw pa din ang pagmamahal ko sa kanya.
Siya lang ang mahal ko. Si Rhea. Siguro kung natuloy yung kasal namin malamang magkakaroon na kami ng anak. Ang saya siguro namin. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko wala ng problema. Ang tagal-tagal na namin pero kung kailan malapit na kaming ikasal, parang bigla na lang niya akong iniwan sa ere.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko.
"Ang lalim nun ha? May pinanghuhugutan?" Napataas naman ang isang kilay ko. Sinimangutan ko si Iris.
"Makinig ka na lang sa seminar. Ang daldal mo. Ayoko ng madaldal. Naiirita ako." Masungit kong sambit sa kanya. Napaikot naman siya ng mata.
"Hello? Kanina pa kaya tapos yung seminar. Kanina ko pa sinasabi sayo pero parang sobrang lalim ng iniisip mo." Tinignan ko naman yung paligid. Yung iba nag-alisan na.
"Ikaw ata itong hindi nakinig sa seminar eh. Diyan ka na nga. Nagugutom na ako." Tumayo naman siya bigla.
Nag-umpisa na siyang maglakad pero hindi pa siya nakakalayo sa akin ng makarinig ako ng parang may napunit.
"Shit!" Mahinang saad niya habang hawak yung gilid ng palda niya. Sumabit pala sa nakaangat na pako sa may upuan.
Lihim akong natawa dahil halatang natataranta na siya siguro dahil ayaw niyang mapahiya.
Aalis na sana ako pero tinawag niya ako.
"What?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Nagpipigil ako na huwag matawa pero napangiti ako kaya naman halatang nainis siya.
"Tulungan mo naman ako. Look oh, yung skirt ko." Naiiyak niyang sabi sa akin.
Dahil sa mabait ako, tinulungan ko siya. Baka mamaya sabihin na naman niya na wala akong manners o hindi ako gentlewoman.
Hinubad ko naman yung blazer na suot ko at hinagis ko yun sa kanya.
"Thank you ha?" Sarkastikong sabi niya. Kasabay nun ang pagtakip niya sa skirt niya.
Lihim akong napatingin sa legs niyang nakaka-agaw pansin. Nakaka-agaw pansin talaga Helena? Can't help it! Ang haba ng mga legs niya.
"Kung gusto mo makita, sabihin mo lang sa akin. Hindi yung pasimple ka pang tumitingin sa legs ko baby." Nakangising sabi niya sa akin sabay kindat. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
Nagulat ako ng halikan niya ako malapit sa aking labi. Para akong na-estatwa sa ginawa niya at halos hindi na ako makagalaw. Ramdam ko din na nag-iinet ang mukha ko.
Ilang minuto ata akong nakatanga lang habang nakatayo. Wala na pala ang malanding si Iris.
Oo! Malandi siya. Ang harot ng babaeng yun. Akala ko ba straight siya? Pero wagas akong landiin. Sigurado ka bang nilalandi ka niya Helena? Assuming mo masyado eh. Paano kung trip ka lang niya? Sabat ng isip ko. Napailing na pumunta na lang muna ako sa cr. Pagkaharap ko sa salamin ng cr, pulang-pula yung mukha ko.
Ano bang nangyayari sa akin. Hinalikan lang naman ako ni Iris pero bakit ganito ang epekto niya sa akin? Na-engkanto ata ako.
Pero ang ganda niya noh? Ang sexy pa! Lakas ng sex appeal niya. Tukso ng aking isipan. Ano ba naman itong naiisip ko. Aaminin ko, maganda ang pangangatawan ni Iris. Halatang nagwowork-out talaga siya.
Maganda din talaga siya. Kaso... Kaso ano? Sabat na naman ng isip ko. Kaso hindi ako attracted sa kanya. Talaga ba? Sus! Neknek mo Helena! Minsan nga natutulala ka na lang sa kanya diba? Pakikipagtalo ng isip ko. Ah basta! Ayoko sa kanya! Si Rhea lang ang gusto ko. Ayan ka na naman Helena, diba ayaw na sayo ni Rhea? Huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. Nagmumukha kang kawawa at tanga eh.
Napailing na lang ako at lumabas na ng cr. Sinundan ko na lang ang malanding si Iris.
Panay naman ang daldal ni Iris sa akin habang kumakain kami ng lunch sa isang restaurant. Puro simangot lang ako sa kanya pero ang babae, hindi man lang marunong makaramdam na ayokong makipag-usap sa kanya. May lahi atang makulit ang babaeng toh.
Kung titignan mo si Iris, parang ang taray niya. Parang ang maldita kasi ng dating niya kaya akala mo snob siyang tao pero napaka friendly niya pala at napaka daldal kaya magkasundong-magksundo sila ng kapatid kong si Samara.
"Kamusta naman love life mo?" Napabitaw naman ako sa hawak kong tinidor at masamang tinignan siya. Ngumuso naman siya.
"Huwag ka ngang ngumuso diyan. Nagmumukha kang tilapia." Pang-iinis ko sa kanya.
Binato niya naman sa akin yung chicharon na kinakain niya.
"How dare you! Ikaw lang nagsabi niyan sa akin. Samantalang halos lahat sila, magaganda ang mga sinasabi sa akin tapos ikaw? Sasabihin mong mukha akong tilapia ha!!!" Inis n sambit niya. Namumula na din ang mukha niya sa inis.
"Then, they're blind I think. O kaya malabo mata nila. Ang pangit mo kaya hahaha." Pang-aasar ko sa kanya. Tatawa-tawa din ako. Nagulat na lang ako ng subuan niya ako ng chicharon.
"Take that! Ayan! Ang laki kasi ang bunganga mo. Perfect! Kasya ang chicharon hahahahaha. Ang laki din kasi ng panga mo kaya siguro nagkasya agad." Nakangising asar pa niya sa akin.
Inis na nagsalita naman ako pero hindi niya maintindihan kasi ang laki ng chicharon na sinubo niya sa akin kaya naman nginuya ko muna ito. Ang sarap infairness. Malutong-lutong. Crunchy.
Napansin kong tumayo siya at nakangising tumingin sa akin.
"F.Y.I, hindi ako pangit noh! I'm gorgeous!" Mapang-akit na sabi pa niya sa akin. Bigla na naman niya akong hinalikan malapit sa labi ko at iniwan ako basta-basta.
Nasa may exit na siya ng tumingin siya sa akin na may pagkalaki-laking ngiti. Nanlaki naman yung mga mata ko ng makita kong may winagayway siya.
Yung wallet ko. Walanghiya. May sa magnanakaw ata ang babaeng yun.
"IRIS!!!" Sigaw ko sa kanya ng matapos kong kainin yung chicharon. Nagtinginan yung ibang kumakain pero wala akong pake sa kanila.
Pero ang impakta, parang hindi natakot sa akin. Tawa-tawa pa siyang lumabas ng restaurant.
Shit! Paano ko mababayaran yung mga kinain namin. Ang dami pa namang inorder ng babaeng yun. Lagot sa akin yung Iris na yun pag nakita ko siya!
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
DLVNGNJaeCara ayan na!!! Hahahaha ang kulit mo kasi eh 😂
Don't forget to vote guys :)
Adios!
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...