Chapter 13

5.9K 193 7
                                    

Helena




Halos paulit-ulit akong nagmumura ng pabulong nang makarating ako sa kwarto ko.



Shit! Shit! What the fuck!


Bakit ko ba kasi nagawa yun? Bakit hindi ko napigilan yung sarili ko?


Sa totoo lang, ang tagal ng relasyon namin ni Rhea pero wala pang nangyayari sa amin. Masyadong conservative kasi si Rhea, okay lang naman yun para sa akin. Hanggang kiss lang kami. Hindi na umaabot sa kung ano.



Pero hindi ko alam bakit pagdating kay Iris, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para bang inaakit niya ako palagi kapag nagkikita kami. Para akong na-engkanto sa isang dyosa.



Aaminin kong nagugustuhan ko na si Iris pero pinipigilan ko lang dahil natatakot na ako ulit. Natatakot na magmahal ulit baka kasi iwan lang din ako sa huli.


Paano ka magmamahal ulit kung nakakulong ka sa iyong nakaraan.

Kinulong mo ang sarili mo sa isang taong iniwan ka lang. Sa isang taong niloko ka lang pala.

Kaya paano ka mag-uumpisa ulit? Kung hanggang ngayon ay siya lang ang kinukulong mo sa puso mo?

Kailangan mo na siyang pakawalan para matapos na lahat ng paghihirap mo. Para mawala na yung sakit na dulot niya sa puso mo.


Napabuntong-hininga naman ako sa malalim kong iniisip.


Naligo na lang ako dahil lagkit na lakgkit na ako. Hindi na muna ako papasok dahil magulo ang aking isipan.


Habang nagbibihis ako, biglang nagring yung cellphone ko.


Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko sagutin yung tawag.


--



Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit o maiinis sa nalaman ko.



Bakit niya naman sinabi yon? Hindi kaya dahil naawa lang siya sa akin para hindi ako magmukhang kawawa na para kay Rhea.


Kakatapos lang namin mag-usap ni Rhea. Gusto niya lang daw akong i-congrats dahil malapit na akong ikasal kay Iris.


May sa pagkaluka-luka pala ang babaeng yun kaya pala magkasundung-magkasundo sila ng kapatid ko.


Lalo atang sumakit ang ulo ko dahil sinabi ko kay Rhea na ikakasal na nga kami ni Iris. Hindi ko alam basta ko na lang sinabi yun. Hindi ko na alam kung anong pumasok sa kukote ko.



Naisipan kong puntahan sana si Iris sa bahay nila.


Nasa may gate na ako nila nang mapatigil ako.



Kumulo bigla yung dugo ko nang makita ko na naman yung lalaking sumundo sa kanya nung nagpunta siya sa bahay namin.


Nagseselos ka lang Helena. Sabat ng isip ko. Napailing na lang ako.

Payne Sisters Series: Iris LayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon