Iris Layne
Ang S A K I T ! Yun ang nararamdaman ko matapos mangyari ang pag-uusap namin ni Helena sa bakanteng class room.
Tama nga naman siya. Wala akong karapatan na pagsabihan siya ng kung anu-ano dahil in the first place wala lang naman ako sa kanya eh.
Balewala lang ako para sa kanya.
Ako lang naman itong nag-aassume sa mga magandang pinapakita niya sa akin.
Binibigyan ko lang ng malisya.
Ang tanga ko din eh.
Ano nga ba ang pantapat ko sa ex fiancé niya?
Meron. Mas maganda ka at hot ka dun. Sabat ng isip ko. Napailing na lang ako. I admit na maganda yung si Rhea pero mas maganda ako dun noh.
Kaso alam kong wala akong pag-asa kay Helena.
Alam kong si Rhea lang ang laman ng puso niya. Si Rhea na sinaktan lang siya pero mahal na mahal pa din ito ni Helena.
Napaka tanga din ni Helena eh. Sinaktan na nga siya ng sobra at pinagmukhang tanga pero naghahabol pa din siya dun.
Ganun ka din naman diba Iris? Ang tanga mo din. Naghahabol ka kay Helena. Umaasa na baka gusto ka din niya. Parang naglalaro lang kami ng habulan.
Ako yung taya. Hinahabol ko yung taong gusto ko na iba naman yung hinahabol.
Ang saya noh?
Bakit pa tinawag na love kung ang dami namang nagiging tanga. Nagmumukhang tanga. Pinagmumukhang tanga.
Napaka komplikado ng lahat.
Kaya ayokong mainlove eh. Sa totoo lang bihira akong mainlove. Iisa nga lang naging ex ko eh.
Kung tutuusin ang swerte nga ni Helena eh dahil naiinlove na ata ako sa kanya. Tsaka sa pagkakaalam ko straight ako pero nung makita ko si Helena, bumaluktot na ako. Sa kanya lang ako ganito. Hindi naman ako nagkakagusto sa ibang babae. Sa kanya lang.
Nung unang pagkikita namin, napakalungkot niya. Ayun ang nagbabasa ko sa kanyang mga mata.
Hanggang sa may nangyari sa inyong dalawa. . . Sabat ng mahalay kong isip. Bigla ko namang binura iyon sa isip ko dahil pakiramdam ko nag-iinit ang pisnge ko.
How dare she? Siya yung first ko.
Nakuha ni HELENA MAXWELL!!! Nakuha niya yung pinaka iingatan ko!!!
"AAAHHHH!!!!" Inis na hinagis ko yung vase na maliit sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na kasi alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon.
Sobrang inis. Galit. Ang gulo.
Dagdagan mo na din ng selos at inggit.
Inggit. Naiinggit ako kay Rhea dahil mahal na mahal siya ni Helena.
Selos. Nagseselos ako kahit wala akong karapatan. Ako naman yung palagi niyang kasama at nakikita pero hindi niya ako mapansin-pansin. Iba pa ang hinahanap niya.
"Oh my gosh! Iris Layne, What the hell was wrong with you?" Medyo O.A na react ni Ate Demi sa akin.
Hindi ko namalayan na nandito na pala si Ate Demi. Buti pa siya ang swerte niya kay Ate Zaireen.
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...