Iris Layne
Matapos naming magkaayos ni Helena, bumalik na kami ng Manila dahil pareho kaming may work. Binilin ko naman si Allison kay Geraldine.
Mukha namang may gusto si Geraldine sa bunso kong kapatid. At halatang napabago niya si Allison.
Ang laki din kasi ng pinagbago ng kapatid ko. Marunong na ng gawaing bahay at kahit papaano marunong na din siyang magluto. Masyado kasi siyang spoiled ni Dad kaya may pagkamaldita siya minsan at tinatamad din magtrabaho.
Akala niya kasi ganun na yung buhay niya habang buhay, na aasa na lang siya sa parents namin and sa amin. Kaya nga hindi na namin alam ang gagawin namin sa kanya. Puro kasi siya patravel travel na lang and pashopping shopping na lang.
Pero nakikita ko ngayon na nagbago na siya. Gusto din naman namin na matutong tumayo si Allison sa sarili niyang paa. Yung may paghihirapan naman din siya.
Masaya ako para kay Allison dahil alam kong gustung-gusto niya si Geraldine kahit na minsan maloko ang kapatid ko pero alam kong seryoso siya sa nararamdaman niya kay Geraldine.
Ang inaalala ko lang talaga ay ang daddy namin.
Hays...
Napabuntung-hininga naman ako. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.
Napangiti naman ako nang makita ko si Helena.
"Deep thoughts? Baka mastress ka niyan ha." Concern niyang sabi sa akin, nginitian ko naman siya.
"Naalala ko lang kasi si Daddy eh. Baka mag-alburoto yon kapag nalaman na babae din pala ang gusto ni Allison." Nag-aalalang kwento ko sa kanya.
"Don't worry. Alam kong kayang ipaglaban ni Geraldine ang kapatid niyo ni Demi. At tsaka huwag kang masyadong mag-isip okay? Ipaglalaban kita sa daddy mo." Gumaan naman yung loob ko dahil sa sinabi niya sa akin kaya naman niyakap ko siya.
-
Masaya.
Ayun ang nararamdaman ko dahil ramdam na ramdam kong seryoso sa akin si Helena. Araw-araw niya akong dinadalhan ng bulaklak na may kasamang note na nagpapakilig lalo sa akin.
Hindi pa kami official dahil sabi niya sa akin na liligawan niya ako. Gustung-gusto ko na nga siyang sagutin eh kaso siyempre inaantay ko pa din na siya yung magtanong para maging official na kami.
-
"Ano ba saan niyo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa dalawang estudyante na inaalalayan ako paakyat.
Ala-siyete na ng gabi at naisipan pa akong hilahin ng dalawang babaeng estudyante paakyat sa rooftop. Sabi lang nila na inutusan sila.
Medyo nakaramdam pa ako ng kaba kasi baka mamaya may mangkidnap sa akin tapos i-salvage ako. Omaygad!! Ayoko pang mamamatay! Magpapakasal pa kami ni Helena kooo.
Helena baby, nasaan ka na ba? Help meeeee!
Nang makarating kami sa rooftop ng isang building dito sa school, agad akong iniwan ng dalawang estudyante at nakita kong tumakbo pa sila.
Mga siraulo hindi man lang nagpaalam sa akin. Pero halos magpigil ako ng kilig nang mapansin kong nandun si Helena. Napansin ko din na ang daming bulaklak na nakapaligid sa amin. May table sa gitna ng rooftop na halatang may mga pagkaing nakalagay.
Nakangiting tinignan ako ni Helena habang palapit siya sa akin.
Ang sweet ng luka! Sambit ko sa isip ko.
"Iris, you know what? I'm just kidding you na sinasabi kong pangit ka." Natawa naman siya sa panimula niya kaya napasimangot ako.
"Kasi alam mo, ikaw yung pinaka magandang babae sa paningin ko. Para sa akin ikaw yung pinaka perpektong babae kahit na wala namang perfect." Kinilig naman ako sa kanya.
"You're so lovely. Sweet. Amazing. Etcetera, lahat na sayo na. Pati puso ko." Nakangiting dagdag pa niya. Lalo akong napangiti.
"I love you Iris Layne, I really do. I'm so madly inlove with you. Can you be my girlfriend now?"
Oh shit! Medyo naspeechless ako sa kanya dahil sa sobrang kilig ko. Kaya naman sinagot ko na yung matamis kong 'OO'.
"Yes!" Masayang sagot ko sa kanya kaya naman niyakap niya ako.
"And I love you too, Helena." Sagot ko sa kanya. Kasabay nun ang paghalik niya sa akin.
Sobrang memorable para sa amin ang araw na ito. Siyempre official na kami. Masaya kaming kumaing dalawa. Matapos naming kumain, pinagmasdan namin ang magandang tanawin dito sa rooftop.
Ngayon ko lang nalaman na sweet pala ang isang Helena Maxwell.
Walang kibo si daddy nang makita niya kami ni Helena dito sa salas ng bahay namin. Si mommy naman nakipagkwentuhan kay Helena.
Hindi rin nagtagal si Helena sa bahay, pagkatapos kasi naming magdinner at tumambay sa rooftop agad niya akong hinatid sa bahay. Saktong nasa labas si mommy kaya pinatuloy siya sa loob.
"Iris, anak. Pagpasensiyahan mo na ang daddy niyo. Magiging okay din ang lahat para sa kanya. Huwag kayong magworry ng mga kapatid mo." Nakwento ko na din kasi kay mommy na may nagugustuhang babae si Allison. Masaya naman si mommy para sa amin. Basta daw ba wala kaming tinatapakang ibang tao. Maswerte talaga kami kay mommy dahil napaka understanding niya at kasiyahan niya palagi ang iniisip namin.
Si daddy lang naman talaga ang matigas ang ulo.
"Okay lang yun mommy. Naiintindihan ko. Bigyan na lang natin siya ng time. Baka sakaling matanggap niya kaming tatlo." Nakangiting sabi ko kay mommy.
"Salamat anak at nauunawaan mo ang daddy mo. Alam mo naman yun matigas ulo at masyado lang protective sa inyong magkakapatid."
Protective? Eh halos masakal na nga kami kasi halos lahat ng gusto niya sinusunod namin. Gusto ko sanang sabihin yun pero nanahimik na lang ako.
Nagpaalam na lang ako kay mommy na matutulog na ako at ganun din siya.
Habang nakahiga ako sa kama ko, hindi mawala ang nga ngiti ko sa labi. Dahil sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina, sobra akong kinikilig. Hindi ko akalain na mangyayari ang pinapangarap ko.
Na sa wakas, naging kami din ni Helena at mahal din niya ako. Akala ko talaga wala lang ako sa kanya. Paano kaya kung natuloy ang kasal nila ng impaktang si Rhea? Malamang hihiwalayan siya nun kasi manloloko si Rhea. Pero buti na lang talaga at nagpapasalamat ako na hindi natuloy ang kasal nila. Kung hindi, hindi ko makikilala si Helena.
Bago ako dalawin ng antok, nagdasal muna ako. Nagpasalamat ako sa itaas lalo na at natupad ang matagal ko nang panagarap.
----
Oh ayan guys! Long time, No UD! Hahahahahah. Ayan na po ang UD ko.
Thank you at pasensya na po sa mga naghihintay 🤣🤭
-ElMarth_Blue-
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...