Helena
Hanggang ngayon inis na inis pa din ako kay Iris. Nakakainis dahil panay ang pang-aakit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganun. Hindi ko alam kung trip niya lang ba ako.
Masyado kasi siyang mapaglaro, sa tingin ko. Sino ba naman ako para seryosohin? Kaya nga ata ako iniwan na lang basta-basta dahil baka hindi ako yung tipong siniseryoso. Natawa naman ako ng mapakla. Nagmahal lang naman ako. Hindi naman ako nagkulang sa lahat. Lahat naman ginawa ko pero bakit iniwan pa din ako?
Napahinto naman ako sa pag-iisip ko ng may makita akong nakaupo sa may waiting shed.
Hindi ko akalain na makikita ko si Rhea dito sa university kung saan kami nag-aral. Dito na din ako nagtrabaho. Mukhang may inaantay siya. Hindi kaya ako? Sa pagkakaalam ko, ako lang naman ang kilala niya na isang professor dito eh.
Lalapitan ko na sana siya pero napahinto ako. May dumating na pamilyar na lalaki. Nanlaki yung mga mata ko ng halikan siya neto sa labi, mabilis lang naman. Bakas naman sa mukha ni Rhea na masaya siya.
Kaya ba niya ako iniwan na lang basta-basta dahil ba may iba na siya? At sa lalaki niya pa talaga ako pinagpalit? Pero diba sabi niya may mga gusto lang siyang gawin sa buhay niya kaya hindi niya tinuloy yung kasal namin? Pero sa nakikita ko ngayon, halos puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niyang paliwanag sa akin noon. Nakaramdam naman ako ng galit at sakit mula sa aking puso.
Napatiim bagang naman ako ng mapansin niya ako. Agad na nag-iba ang ekspresyon niya. Para siyang natakot bigla. Yung mga mata niya parang nangungusap sa akin na huwag akong gumawa ng eskandalo. Tinignan ko naman siya ng masama, tinignan ko naman mula ulo hanggang paa yung lalaking pinagpalit niya sa akin. Pagtapos nun, tinignan ko ulit si Rhea. Blangko ang ekspresyon na binigay ko sa kanya. Tumalikod na ako dahil baka hindi ko na naman kayanin ang sakit sa aking puso.
Nagulat ako ng may humila sa akin at dinala ako sa may bakanteng classroom.
Blangko pa din ang ekspresyon at walang ganang nakatingin kay Rhea.
"Magpapaliwanag ako." Panimula niya. Natawa naman ako ng may halong pait.
"Magpapaliwanag? Para saan pa ha???" Galit na tanong ko sa kanya.
"Kaya mo pala ako iniwan sa ere dahil may iba ka na pala." Dagdag ko pa.
"Ipagpapalit mo pala ako sa lalaki. Bakit Rhea? Mas masarap ba sila ha???" Galit ulit na tanong ko sa kanya.
Wala akong pakielam kung hindi ko na siya nabigyan ng pagkakataon para makapagsalita.
"Hindi sa ganun Helena." Hinawakan niya naman ako sa braso ko pero tinabig ko yung kamay niya.
"Hindi ganun ha??? Ikakasal na tayo pero ano? Anong ginawa mo ha??? Nagmukha akong tanga. Pinagmukha mo akong tanga! Sana noon mo pa sinabi na may iba ka na palang nilalandi! Ang kati-kati mo naman! Ano haaaa??? Masarap ba si---" Hindi ko na natapos yung mga sinasabi ko dahil bigla akong sinampal ng malakas ni Rhea.
"Hindi ako ganung klaseng babae! Alam mo yan." Naiiyak na sabi ni Rhea. Bigla akong nagsisi sa mga sinabi ko sa kanya.
Nasaktan ko siya. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Nahihibang ka na ba Helena? Nararapat lang sa kanya yan dahil sa mga ginawa niya sayo.
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...