Iris Layne
Masaya at kuntento. Ayan ang masasabi ko sa lumipas na dalawang taon na mahigit.
Kahit na may mga pagsubok na dumarating sa aming mag-asawa, Yes! Asawa :) Mag-asawa na kami ni Helena at magkakaroon na din kami ng anak dahil malapit na akong manganak. Kahit na may mga pagsubok sa amin, hindi namin sinusukuan dahil alam namin na makakayanan din namin hanggang sa huli ang mga pagsubok o problemang dumarating sa buhay namin. Basta ba mahal na mahal namin ang isa't-isa kaya hindi kami basta-basta sumusuko.
Kuntento na ako, dahil wala na akong hihilingin pa basta makasama ko lang ang mga taong mahal ko at mahahalaga sa buhay ko.
Masaya ako dahil sa wakas tanggap na kami ni daddy. Masaya din ako para kay Ate Demi, dahil nagkaayos na din sila ni daddy. At siyempre masaya din ako dahil naging matured na din ang bunso naming kapatid na si Allison. Hindi na siya yung dati na puro pagwawaldas na lang ng pera ang alam. Ngayon, natuto na siyang tumayo sa sarili niyang paa at hindi umaasa sa magulang namin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha? Huwag kang masyadong mag-isip baka makasama sa baby natin." Nag-aalalang Helena ang nabungaran ko sa harap ko kaya naman napatigil ako sa mga iniisip kong masasaya. Nakangiting tinignan ko siya.
"Don't worry, hindi naman gaanong malalim ang iniisip ko. Masaya lang kasi ako." Napangiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko.
---
"Oh my gosh ng oh my gosh si mommy, Tita. Naririnig ko siya minsan madalas sa gabi tap---" Hindi na natapos ni Rina yung kinukwento niya sa kapatid kong si Allison at kay Ate Demi dahil agad kong tinakpan ang bibig niya. Samantalang ako, nag-iinit na ang pisngi ko. Tawa naman ng tawa ang dalawa kong magkapatid sa anak kong si Rina.
"Oh my gosh!!! HAHAHAHA." Tawa pa din ng tawa si Allison habang hawak niya yung tiyan niya. Si Ate Demi naman napapailing na natatawa na lang din at pinagkukurot ang limang taong gulang kong anak.
"Ikaw naman kasi Ate Iris, huwag kang masyadong maingay kapag---" Kung kanina tinakpan ko ang bibig ni Rina, ngayon si Allison naman. Buti na lang tumakbo palayo si Rina at nakipaglaro sa mga pinsan niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin, tawang-tawa naman ang kapatid ko.
---
Nagulat ako nang marinig kong umiiyak ang anak ko na si Rina. Kaya naman nataranta akong nilapitan siya .
"Oh baby, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Kasi mommy, naiiyak ako sa pinanood ko eh. Hindi kasi sila nagkatuluyan ng taong mahal niya." Sisinghot-singhot pa siya habang nagkukwento sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya, dahil napaka bata pa niya pero ang isip niya masyadong matured na.
"Ganun talaga baby, Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, kayo talaga. Gagawa ng paraan ang tadhana kung kayo ang itinadhana." Nakangiting paliwanag ko sa anak kong walong taong gulang na.
"Parang love story namin ng mommy mo baby." Biglang sabat naman ng asawa kong si Helena.
"Talaga mama? Kwento mo nga sa akin yung love story niyo ni mommy Iris." Kinikilig pang sabi ng anak namin ni Helena.
"Alam mo ba dapat ikakasal na ako sa iba kaso hindi ako sinipot ng papakasalan ko. Tapos ayun sobrang nalungkot ako at siyempre ang sakit sakit para sa heart ko yun, ikaw ba naman hindi siputin ng taong mahal mo sa araw ng kasal mo. Pero thankful pa din ako anak, dahil nakilala ko si Mommy Iris mo. Kami pala talaga ang itinadhana para sa isa't-isa. Kaya nga minsan talaga darating sa point na may naghihiwalay, nasasaktan. Yun pala way lang yun para matuto tayo at mapunta sa taong deserve talaga natin." Nakangiting kwento no Helena sa anak namin na todo naman nakikinig ngayon.
Napangiti naman ako sa mga iba pang kwento ni Helena habang inaalala ang mga nakaraan.
Sobrang pasasalamat ko talaga dahil nakilala ko siya. Akala ko talaga mawawalan na ako ng pag-asa sa kanya. Kasi alam kong may mahal siyang iba pero buti na lang talaga at nakita niya kung gaano siya kahalaga sa akin at kung gaano ko siya kamahal.
"Sana mahanap ko din po yung true love ko mga mommy." Kinikilig na sambit ng anak namin. Napapailing na lang ako sa kanya.
"Baby, ang bata bata mo pa. Huwag mo munang isipin yan okay?" Pangaral naman sa kanya ni Helena. Napakabuting ina ni Helena, napaka responsable niya at siyempre mabuting asawa din kaya ang napaka swerte ko sa kanya.
"Tama ang Mama Helena mo baby. Huwag mo munang iisipin yan. Darating din yan sa tamang panahon. For now, mag-aral ka munang mabuti. Okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya kaya ginulo ko ang buhok niya, ang cute cute kasi ng anak namin. Humagikgik naman siya habang pinaggigilan ni Helena ang pisngi ni Rina.
"I love you Mama Helena at Mommy Iris." Natouch naman ako sa anak namin dahil napaka sweet niya.
"I love you more baby." Sabay naming sabi ni Helena kaya natawa kaming mag-iina.
"I love you Iris." Napangiti naman ako bigla sa sinabi ni Helena.
Buong pagmamahal ko siyang tinignan at sinabing I love you too Helena.
Kasabay nun ang paghalik ko sa labi niya.
"Hoy mga ate!! Mamaya niyo na ituloy yan at nasa harap niyo lang ang anak niyo." Sigaw naman ng kapatid kong si Allison. Kaya naman natatawang niyakap ko na lang si Helena. Yung anak ko naman kilig na kilig pang nakatingin sa amin ng mama niya.
Masaya naming pinagmasdan ni Helena si Rina, habang nakikipaglaro siya sa Tita Allison niya. Napag-usapan naman namin ni Helena na sundan si Rina, gusto ko din naman na magkaroon ng kapatid si Rina.
Magkahawak kamay kaming naglakad na nakangiti ni Helena at sinundan si Rina.
---
The END.
Whoooo!!! Wala talaga akong maisip hahahaha pero ayan tinapos ko na lang.
THANK YOU SO MUCH SA MGA NAGBABASA NG STORIES KO!!! At kapag mayroon akong idea, gagawa ulit ako ng panibagong story :) Yun lang! THANK YOU ULIT !!!
P.S. Pasensya na sa mga typos :)
-ElMarth_Blue-
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...