Chapter 10

6.2K 215 18
                                    

Helena



Napatigil ako sa pagche-check ko ng mga test papers nang biglang may kumatok. Linggo ngayon kaya walang pasok pero parang araw-araw akong nagtatrabaho dahil sa mga tambak na gawain.


Lihim akong napangiti dahil alam ko kung sino yung kumakatok.


"Come in." Sapat na yun para marinig niya.


Napaangat ang gilid ng labi ko ng makita ko kung sino yung nang-iistorbo sa akin. Siya lang ang may lakas ng loob na istorbohin ako.


Kahit na simpleng plain white na t-shirt lang ang suot niya at jeans, hindi iyon nakakabawas ng ganda niya. Mas lalo din siyang nagiging hot sa paningin ko. Napakaganda niya pala talaga. Ngayon ko lang na-appreciate ang beauty niya. Paano? Puro si Rhea na lang kasi ang nakikita mo. Sabat naman ng isip ko.



"Hi Ms. Maxwell. Dinalhan kita ng brownies. Binake ko yan." Sambit ni Iris sabay lapag ng isang maliit na box sa lamesa ko.



"Ang hilig mo talagang istorbohin ako noh? Pero salamat sa brownies. Masarap ba yan? Baka mamaya nilagyan mo ng gayuma yan ha." Natatawang biro ko pa sa kanya. Hinampas niya naman ako sa balikat.



"Ang kapal mo talaga eh. Gayuma? Seriously, hindi ko kailangang gumamit nun. Sa ganda kong toh? At hotness? Sinong hindi maiinlove. Baka nga inlove ka na sa akin eh." Nakangising saad pa niya. Napailing na lang ako sa kanya.


"Whatever. You may go na. Busy ako oh." Pinilit kong magseryoso. Lihim na tinignan ko naman siya. Nakapout siya at halatang malungkot. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko lang at kunware akong busy sa pagche-check.


"Kakarating ko lang tapos pinapaalis mo na ako agad. Palagi mo na lang akong tinataboy." Malungkot na sambit niya.


"Panget ba ako sa paningin mo? Kaya ayaw na ayaw mo sa akin." Dugtong pa niya. Napakagat naman ko sa labi ko dahil halata sa kanya na malungkot siya. May kung anong kumirot din sa puso ko.


"Nagbibiro lang naman ako eh. You can stay here kahit ilang oras pa ang gusto mo." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya pero mukhang nagtampo talaga siya dahil hindi niya ako pinapansin.


"HMP." Tanging sambit niya sabay crossed arms. Gusto ko sanang matawa sa kanya pero baka lalo siyang magtampo.


"Iris... Sorry na. Okay?" Alam kong napangiti siya nung tawagin ko siya sa pangalan niya. Madalas kasi ay Ms. Payne ang tawag ko sa kanya.


"Huwag ka nang magtampu-tampuhan diyan. Dinadaan mo na naman ako sa acting mo eh." Alam kong magagaling umarte ang mga Payne Sisters lalo na si Demi. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yung kwento sa akin ni Zaireen.


"Ikaw kasi ehhh... Pinapaalis mo ako agad." Sabi pa niya sabay hampas sa balikat ko. Natatawang inawat ko naman siya.


"Sorry na okay? Tara sa may kitchen. Pagluluto kita ng sopas. Tamang-tama sa panahon ngayon." Tag-ulan na kasi kaya malamig ang panahon ngayon. Gusto ko lang siyang ipagluto, pambawi na din para naman hindi na siya magtampo sa akin.


Akmang lalabas na sana ako nang hawakan niya ako sa may braso ko. Para akong napaso dahil sa mainit na palad niya. Parang ang sarap sa feeling kapag hawak o hinahawakan niya ako.


Takang tinignan ko naman siya at hinihintay na magsalita dahil mukhang may sasabihin siya.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko." Malungkot na sabi pa niya.


Payne Sisters Series: Iris LayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon