Iris Layne
Kulang pa ang batok at sapak na binigay ko kay Charlie dahil sa paninira niya ng moment namin ni Helena.
Nakangiwing tumingin naman siya sa akin at parang nangungusap ang kanyang mga mata na tumigil na ako at suko na siya.
"Ikaw naman kasi! Bakit bigla bigla mo na lang akong hihilahin? Kung kailan nandun na eh. Sinira mo yung moment namin! Nakakainis ka talaga!" Inis na sambit ko sa kanya.
"I'm sorry. Gusto ko lang talagang umuwi na tayo." Bigla naman siyang nalungkot.
"Oh bakit malungkot ka?" Takang tanong niya sa akin nang makaupo na kami sa may sofa.
"Nakita ko kasi si Anna." Tukoy niya sa ex niya.
"Kasama niya yung best friend ko, si Carlo. Matagal na niyang gusto si Carlo. Ginamit lang ako ni Anna." Malungkot niyang kwento. Bigla tuloy akong nakonsensiya sa pisikal na pananakit ko sa kanya kanina.
"I'm sorry cous..." Tanging nasabi ko na lang sa kanya. Tipid na ngumiti naman siya sa akin.
"Oo nga pala. Kanina nung nasa bar tayo ang tatalim ng binibigay na tingin sa akin ni Helena." Tatawa-tawang panimula niya.
"Really? Bakit naman?" Nagkibit-balikat naman siya at tsaka sumagot.
"Maybe she's jealous. She thought siguro na boyfriend mo ako." Biglang nakaramdam ng saya ang puso ko sa sinabi ni Charlie.
Pero. . .
Pero mahirap mag-assume. Baka masaktan lang ako. Kaya huwag kayong aasa dahil baka sa huli'y masaktan lang kayo.
Madami pa namang mga paasa ngayon. Yung iba nga, alam nila na may gusto sa kanila yung tao eh pinapaasa pa din nila. Mga abnormal lang.
Tsaka bakit naman magseselos si Helena?
Alam kong patay na patay pa din siya sa malandi niyang ex fiancé. Yung ex fiancé niyang hindi marunong makuntento at naghanap pa talaga ng lalaki. So bakit siya magseselos? Halata namang mahal niya pa din yung Rhea na yun.
"Oh ano? Natulala ka na diyan. Mauuna na ako. Pasabi na lang kay Demi and AJ na kinakamusta ko sila." Tumango naman ako sa kanya at nagpaalam.
Pero bago pa siya makalabas ng bahay, agad niya akong binalingan.
"Wait. I have a plan." Nakangising sabi pa niya sa akin. Takang tinignan ko naman siya na parang nagtatanong.
"It's about Helena." Sabi pa niya sabay rolled eyes.
Natatawa naman ko sa inakto niya. Para kasi siyang bading tho hindi naman siya bading. Ang pogi kaya ni Charlie. Ang dami ngang nagkakandarapa sa kanya eh. Kahit mga bakla. Well, nasa lahi na namin yung mga magaganda at mga gwapo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nagawa pa siyang saktan ng ex girlfriend niya.
Eh ikaw nga ang ganda ganda mo at ang sexy sexy pa, hindi ka man lang magawang pansinin ni Helena. Sabat ng isip ko. Napataas naman ang isang kilay ko.
Mapapansin mo din ako Helena. Magugustuhan mo din ako.
Matapos niyang makuha ang pinaka iingatan ko! HMP!
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...