Helena
Pagkagising ko wala na si Iris sa tabi ko. Nadismaya ako bigla dahil gusto ko siyang makausap kaso wala na siya sa tabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi may kung anong parang gayuma siya kaya sa pangalawang pagkakataon, may nangyari na naman sa amin.
Ang bawat paghalik niya, parang alak na nakakalasing. Parang ayaw ko nang itigil ang paghalik sa kanya. Para akong mababaliw. Binaliw ako ng isang Iris Layne.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na gusto ko siya pero paano? Lalo na at okay na kami ni Rhea. Pero bakit hindi na ako makaramdam ng saya nang maging okay na kami ni Rhea?
Samantalang noon halos palagi kong pinagdadasal na bumalik si Rhea sa akin at maging maayos ang lahat pero bakit ngayong natupad ang dinadasal ko bakit parang mas gusto kong huwag na lang pala?
Akala ko babalik sa dati pero heto ako, gulung-gulo ang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Si Rhea ang madalas kong makasama pero bakit si Iris ang hinahanap ng aking isipan at ng aking puso. Dapat diba masaya na ako? Kaso palaging okupado ng isip ko si Iris.
Inlove na nga ata talaga ako kay Iris. Si Iris na madalas akong tuksuhin at pagtripan pero alam kong inaakit niya ako talaga. Natatawa ako kapag naaalala ko ang mga pang-aakit na ginagawa niya sa akin, tinamaan talaga ako sa kanya.
Siya yung tipo nang babae na hindi ko natitipuhan dahil masyadong maganda. Sexy. Halatang sosyal pero kahit ganun siya may mabuting kalooban siya. Parang ang hirap niyang makuha pero siya pa yung naghahabol talaga sa akin. Hindi siya yung tipong babae na simple lang, iba ang dating niya eh. Malakas yung dating niya. Kahit ata pagsuotin mo ng nga simpleng damit lang, nagmumukha pa din siyang parang Goddess sa taglay ng kanyang kagandahan.
-
"Honey? Okay ka lang ba? Kanina ka pa walang kibo." Nag-aalalang mukha ni Rhea ang nakita ko. Bigla niyang pinulupot yung braso niya sa leeg ko.
Para akong biglang nailang, hindi naman ako ganito dati sa tuwing naglalambing siya sa akin.
"Uhmm... Okay lang ako " Tipid na ngumiti ako sa kanya at inalis ang pagkakapulupot ng braso niya sa leeg ko pero mas hinigpitan niya yun kaya hindi ko na inalis.
"Are you sure? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw parang balisa ka and everytime na nagkukwento ako parang ang lalim ng iniisip mo palagi. What's bothering you?" Who's bothering kamo. Gusto ko sana sabihin kaso natatakot ako.
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Iris. Tinanungan ko din yung kapatid niyang si Demi pero ayaw naman sabihin sa akin kung nasaan. Kahit yung kapatid kong si Samara na close ni Iris, hindi din daw niya alam kung nasaan. Kahit yung pinsan nilang si Johansen, ayaw sabihin at ayaw akong kausapin.
"Okay lang ako. Medyo madami lang ginagawa kaya na-stress ako." Pagsisinungaling ko sa kanya kahit gustung-gusto ko ng maiyak dahil para akong masisiraan na ng ulo kakaisip kung nasaan na si Helena at bakit bigla na lang siyang naglaho na parang bula.
"Yung kasal natin hon, itutuloy na natin ha?" Malambing na saad pa ni Rhea sa akin. May kung anong bumara sa lalamunan ko kaya parang hindi ako makapagsalita.
Bakas sa mukha niya ang saya. Natatakot akong masaktan siya. Pero sinaktan ka na niya dati. Sabat ng isip ko.
Sa tingin mo hindi din nasasaktan o masasaktan si Iris? Ang tanga mo kasi Helena eh. Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan lang? Nandiyan na pero pinakawalan mo pa si Iris. Si Rhea na iniwan ka noon sa ere? Deserve niya ba talaga ang second chance? Pakikipagtalo ng isip ko.
Pakiramdam ko para na akong baliw dahil sa kakaisip. Ilang araw na din akong hindi makatulog ng maayos dahil madalas nasa panaginip ko si Iris. Napapanaginipan ko din yung mga nangyari sa aming dalawa.
Anong ginawa mo sa akin Iris Layne? Sambit ko sa isip ko.
Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Rhea. Para akong nanigas at nanlamig. Bakit wala akong maramdaman ng kahit ano?
Samantalang noon ramdam ko ang pagmamahalan namin sa isa't-isa sa tuwing hahagkan niya ako at hahagkan ko siya. Bakit ngayon parang wala lang?
Nang mapansin niyang hindi ako tumutugon sa halik niya, bigla niyang kinagat yung labi ko kaya naman naitulak ko na siya palayo sa akin.
Galit na tumingin siya sa akin.
"What's wrong with you ba?" Bakas ang inis sa pananalita niya.
Go! Sabihin mo na hindi mo na siya mahal Helena. Wag kang matakot. Sambit ng isip ko. Huminga naman ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya.
"I'm sorry Rhea pero sa tingin ko hindi na tayo magwowork pa. I'm sorry. Akala ko mahal pa din kita pero hindi na pala." Seryosong sabi ko sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at puso ko nang masabi ko yun sa kanya. Bakas ang galit sa mukha niya.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing sa kanya.
"Ang dami kong sinakripisyo para sayo tapos ayan lang sasabihin mo? Ikaw pa din ang pinili ko sa huli tapos ganito lang? Bakit may iba ka na ba ha??? Yung malanding si Iris ba???" Galit na saad niya pa. Nagpantig naman yung tenga ko sa sinabi niya kay Iris.
"Hindi mo kilala si Iris kaya wag mo siyang sasabihan na malandi! First of all, hindi lang ikaw yung nagsakripisyo sa atin. Sa tingin mo ba hindi ako nagdusa noong iniwan mo ako sa ere? Sa tingin mo ba napaka dali lang nun para sa akin ha? Oo! Mahal kita pero hindi na ngayon. Noon yun! Hindi na ngayon. Dahil si Iris na ang mahal ko." Halatang nasaktan siya sa sinabi ko pero iyon ang totoo kaya sinabi ko na ang dapat sabihin.
Isang sampal pa ang natanggap ko mula sa kanya. Kasabay nun ang pag-alis niya.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pakiramdam ko ang gaan ng kalooban ko kahit nasampal ako ni Rhea. Feel ko malaya na ako. Sa wakas!
Ang kailangan ko lang ang mahanap si Iris at sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong ipagtapat sa kanya na gusto ko siya at mahal ko siya.
Handa akong ipaglaban siya sa daddy niya. Gagawin ko ang lahat para lang kay Iris. Si Iris na binaliw ako.
Kailangan ko na talaga siyang mahanap bago pa mahuli ang lahat.
Hahanapin kita Iris kahit nasaan ka pa. Bulong ko sa sarili ko.
--------
-ElMarth_Blue-
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...