Iris Layne
"Ate? Hindi mo man lang ba talaga papapasukin si Ate Helena? Kanina pa siya nasa labas. Hindi mo pa din ba siya kakausapin?" Napairap naman ako sa mga tanong ni Allison.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Helena kung nasaan ako. May kung anong sayang naramdaman ang puso ko pero ayokong mag-assume.
Mamaya masaktan na naman ako sa bandang huli.
"Para saan pa? Hayaan mo siya diyan. Naiinis ako dahil paano niya nalaman na nandito ako? Gusto ko tuloy umalis na lang dito at pumunta sa ibang lugar." Mataray na saad ko.
Sus! Kunware ka pa Iris. Masyado ka lang nagpapabebe pa. Baka nga tuwang-tuwa ka pa kasi sinundan at hinanap ka talaga ni Helena. Sabat ng isip ko.
Napakamot naman sa ulo si Allison. Samantalang si Geraldine naman palipat-lipat ang tingin sa aming magkapatid. Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay nila Geraldine dahil lumuwas ng Maynila ang nanay niya.
Napansin ko na parang medyo naiilang si Geraldine sa kapatid ko dahil hindi siya makatingin ng diretso kapag kausap niya si Allison. Hmmm... Something fishy.
"Iris! Please! Lumabas ka diyan. Mag-usap tayo." Napatigil naman ako sa pag-iisip nang sumigaw na naman si Helena. Napaikot na lang ako ng mata.
"Uhmm... Pa-papasukin ko na siya. Ka-kanina pa siya nasa labas eh. Kawawa naman." Nauutal na sabi ni Geraldine sa akin na parang natatakot pa sa akin lalo na nung sinamaan ko siya ng tingin.
Akmang tatayo na sana siya para puntahan sa labas si Helena nang pigilan ko siya.
"Don't you dare." Sambit ko sa kanya at matalim siyang tinignan. Halatang natakot naman siya sa akin at napakamot na lang sa batok niya. Narinig kong natawa si Allison.
"Ate, Huwag mo namang takutin si Geraldine." Medyo malambing na pagkakasabi ni Allison sa akin. Nakita ko naman na kumindat si Allison kay Geraldine kaya naman namula ang pisngi nito.
"Pero Ate, kausapin mo na siya. Baka may mahalaga siyang sasabihin. Hindi naman siguro siya pupunta dito kung wala siyang dahilan diba? Sige ka baka pagsisihan mo." Sabi pa ni Allison. Kasabay nun nagpaalam na sila ni Geraldine sa akin na papanhik na sila sa taas. Bibiruin ko sana sila eh kaso wala ako sa mood makipagbiruan.
Pasimple ko namang sinilip sa bintana si Helena na hindi na maipinta ang mukha. Para itong batang nagpapadyak dahil halatang nilalamok na siya. Mababakas din ang kanyang pagkainip. Napaangat tuloy ang gilid ng labi ko.
Magdusa ka diyan. Matapos lahat ng mga ginawa mo sa akin. Sambit ko sa isip ko.
Dalawang oras na ata ang nakalipas nang naisipan kong mahiga na sa kwartong tinutuluyan ko ngayon, pero hindi naman ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong dahil kakaisip sa babaeng nasa labas ng bahay nila Geraldine.
Inaatake ata ako ng konsensiya ko.
Meron ka pala nun? Sabat naman ng isip ko.
Malamang meron ako nun. Hindi naman bato ang puso ko eh.
Weh? Kung hindi pala bato ang puso mo bakit ayaw mong papasukin si Helena at ayaw mo siyang bigyan ng chance para makapag-usap kayo?
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Iris Layne
RomanceIris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamamahala sa school na pagmamay-ari nila kaya naman pagtapos niyang makagraduate ng college sa New York...