"Kaya natin 'yan, matagal din tayong paulit-ulit sa practice. Magtiwala ka sa sarili mo," Tinatapik-tapik ni Jisoo ang balikat ni Seokmin dahil kinakabahan ito.
Ngayon na kasi ang performance nila at kanina pa kinakabahan si Seokmin. Nanglalamig ang mga kamay nito at pinagpapawisan ng malamig, para siyang natatae na ewan ngayon.
"Baka magkamali ako tapos 'yung grades mo madadamay, baka hindi nila--" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Seokmin nung bigla siyang niyakap ni Jisoo.
"Magtiwala ka sakin. Wag kang kabahan, alam kong kaya mo. Ikaw pa ba?" Sabi ni Jisoo habang hinahagod ang likod ni Seokmin. Nanlaki ang mga mata niya at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.
Tumango na lang si Seokmin at ibinaon sa balikat ni Jisoo ang ulo niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla nalang siyang hindi kinabahan, na parang ang taas-taas ng confidence niya. Bukod sa mga kaibigan niya, ibinilang na din niya si Jisoo sa mga taong nagpapalakas ng loob niya.
"Salamat Jisoo, for bringing the best out of me." Pak! Engrish 'yon mga bebe!
"Wala 'yun. Tara na sa room?" Tanong ni Jisoo at inilahad ang kamay niya kay Seokmin na siya namang tinanggap nito.
Magkasabay kasi silang pumasok kanina at naisipan nilang pumunta muna sa likod ng school. Wala naman kasing katao-tao doon at masarap pagtambayan.
Naglalakad na ang dalawa patungo sa room, pinagbuksan ni Jisoo ng pinto si Seokmin at pinauna itong pumasok. Nakita siya nila Mingyu kaya naman kinawayan nila si Seokmin at Jisoo.
"Napapadalas 'yang mga pagsundo mo Jisoo sa beshywap ko ha." Sabi ni Jeonghan kay Jisoo.
"Responsibilidad ko 'yan, Jeonghan." Anak ng tinapa. Namula si Seokmin at tumungo na lamang. Si Mingyu ay kinakalma ni Wonwoo dahil grabe ito kung kiligin. Tinakpan naman ni Seungcheol ang bunganga ni Jeonghan.
Grabe kasi kung maka-irit. Hays. Sumobra sa pagiging supportive si Han.
Samantalang si Soonyoung...
"Ha? Responsibilidad mo?! Buntis ka ba Seoks?! Jisoo bakit? Bakit si Seokmin e baog 'yan?!" Mula sa pagkakatulog e bigla nalang itong nagising.
Binatukan naman siya ni Seokmin, "Isa kang malaking..."
"TANGA!" Sabay-sabay na sabi ni Seokmin, Jeonghan, Mingyu, Wonwoo at Seungcheol. Mga blangko pa ang mukha. Amp. Wag niyo tanungin si Jisoo, hindi na nakaimik. Iniimagine na ata--oops.
Napanguso naman si Soonyoung, "Tch. Gagong mga 'to. Akala ko naman." Sabi niya at napa-ubob nalang ulit sa desk. Yan kasi Sunyang, utak mo din minsan. Kakaiba.
Tumahimik naman ang classroom nung dumating na 'yung adviser nila, lahat ay nagsibalikan sa kanilang mga upuan. "Good morning, class. Ready na ba kayo?" Tanong niya sa mga estudyante niya.
"Hindi pa Ma'am! Move niyo nalang po!"
"Panget po boses ko! Ibagsak niyo nalang po ako!"
"Ma'am wala po kaming gagamitin kaya move niyo nalang po!"
Kinalampag naman ng adviser nila ang lamesa, "Okay, that's enough. Naghihintay na ang judges doon. Sumama na sa mga partner niyo."
Nagsilabasan na ang mga estudyante pero nanatiling nakaupo si Seokmin, ngumiti naman si Jisoo at hinwakan ang kamay ni Seokmin. "Wag kang kabahan."
Jisoo gave him a reassuring smile and with that, sumama na si Seokmin kay Jisoo. Magkahawak sila ng kamay hanggang sa makarating sa music room.
Pagkadating nila doon ay medjo madilim dahil ang style ng music room ay mala pang-opera. Naupo naman sila dun sa may gilid, nagtawag na 'yung adviser nila at may nauna ng pair sa harapan.
YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Short Story✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018