"Ma, aalis na po ako. Mag-ingat po kayo habang wala si Papa ah? Mag-lock kayo," Paalala ni Jisoo sa nanay niya bago siya lumakad papuntang school. Tinapik naman ni Mrs. Hong ang balikat ng anak niya.
"Para ka talagang tatay mo, masyadong maalalahanin. Oo, sige lumakad ka na at baka ma-late ka pa!" Tinulak ni Mrs. Hong si Jisoo palabas ng bahay na ikinatawa naman ni Jisoo. Napailing nalang siya at kinuha ang bike niya.
Trip niyang mag-bike papuntang school kaya pagbigyan niyo. Kasiyahan na niya 'yun. Sumakay na siya sa bike niya at nagsimulang pumadyak, sa hindi kalayuan ay may nakita siyang naglalakad na kabayo.
Ay, si Seokmin pala! HAHAHAHAHAHA.
Binilisan niya ang pagpedal niya para maabutan si Seokmin. Wag na kayong magtaka, mabilis talaga si Seokmin. HAHAHAHAHAHA.
"Good morning, Seokmin." Bati ni Jisoo kay Seokmin na hindi namalayan na nasa gilid lang niya si Jisoo. Halata namang nagulat itong isang 'to, umagang kay landi. Qiqil niyo q.
"Jisoo nakakagulat ka!" Nakangusong sabi ni Seokmin, pag 'yan hinalik-- ay oops. Kenekeleg ne eke teme ne!
"I'm sorry," Nakatungong sabi ni Jisoo. Nanlambot naman si Seokmin nung nakitang naging ganun si Jisoo kaya naman itinunghay niya ang mukha ni Jisoo at inistretch yung labi at ifinorm ito ng pa-smile.
Seokmin! Maghunos-dili ka! Masyadong kinikilig si Jisoo sa ginagawa mo ngayon jusko! Pati ako hehe. Mga batang 'to, umagang kay landi.
Namula naman ang tenga ni Jisoo sa ginawa ni Seokmin, "Okay lang, joke lang 'yun. Huli ka! HAHAHAHAHA." Sabi ni Seokmin. Napansin naman niyang may bike si Jisoo.
"Nagba-bike ka papuntang school?" Tanong ni Seokmin kay Jisoo na hindi naka-get-over sa ginawa sakanya ni Seokmin. Nabalik naman siya sa reyalidad nung iwiniwagayway ni Seokmin ang kamay niya sa mukha ni Jisoo.
"Ah? Ah, oo. Isasabay na sana kita, kaya... tara na?" Nakangiti si Jisoo kay Seokmin na ngayon ay namumula na naman. Hanggang kailan ba kayo maglalandian? Malelate na kayo jusmiyo!
Umangkas naman si Seokmin, "Humawak ka sakin." Hinawakan ni Seokmin ang dulo ng polo ni Jisoo at nahihiyang tumungo. Narinig niyang tumawa si Jisoo kaya lalo siyang nahiya.
Naramdaman niyang hinawakan ni Jisoo ang kamay niya. Anue ba Jisoos? Kagabi ka pa hawak ng hawak-- sa kamay. Mga frens, sa kamay, inuulit ko. Sa kamay lang ni Seokmin. kALMA.
"Dito dapat, Seoks." Inilagay ni Jisoo ang kamay ni Seokmin sa bewang niya at nagsimula ng pumidal. Kinabahan naman kaagad si Seokmin kaya napahigpit ang hawak niya sa bewang ni Jisoo. Mukha na tuloy siyang nakayakap kay Jisoo.
Sa sobrang pagkapula ng mukha, ay binaon na lamang ito ni Seokmin sa likod ni Jisoo. Naamoy naman ni Seokmin ang pabango ni Jisoo. Nakakaadik. Ano Seokmin? Buhay pa? Eke nemen dyen! cHAR.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Seokmin na si Jisoo ay abot tenga ang ngiti ngayon. Hindi niya alam kung bakit pero masaya siya tuwing kasama niya si Seokmin. Ang katahimikan na meron sila Seokmin at Jisoo ay ang katahimikan na komportable sila sa isa't isa. Nakarating naman sila school. aBUH? hINDI nALATE? Wao majek.
"Salamat Jisoo, sa pagsabay sakin." Pwede sa susunod ulit? Nahiya ka pa na sabihin 'yan Seokmin, tsk.
"Wala 'yun. Madami pang susunod." Sabay kindat ni Jisoo kay Seokmin. tAMA NAAAAAA! Hindi ka na nakakatuwa Jisoo. Pulang pula na si Seoks, jusmiyo. Umagang-umaga ganyan kayo. Lampo.
Hindi na umimik si Seokmin at baka may masabi pa siyang kahihiyan. Mahirap na. Inilock na ni Jisoo ang bike niya at sabay silang pumunta sa classroom.
YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Historia Corta✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018