Nagtataka ngayon si Seokmin kung nasaan si Jisoo. Hindi niya kasi ito nakita simula nung umaga, nung iniisip niya na late lang 'to at papasok din.
Matapos ang mga nangyari kahapon ay hindi na nagparamdam sakanya si Jisoo. Kaninang umaga, walang pagkain na nasa harapan ng bahay nila, wala ding pagkain na may note sa desk niya. Walang Jisoo. Pero malapit na mag-lunch, wala pa din si Jisoo.
Iniiwasan niyang mag-alala. Ito ang unang beses na walang Jisoo ang nagpakita o nagparamdam sakanya. Hindi mawaglit sa isip niya ang pangalang Jisoo at ang nagmamay-ari nito.
"Nasaan ka na kaya?" Bulong niya sa sarili. Malungkot siya tumingin sa upuan na nasa harapan niya. Naiimagine niya si Jisoo na biglang lilingon at tatanungin kung kumain na ba siya o hindi.
Masyado nga ba siyang naging harsh kay Jisoo kahapon? Harsh na ba 'yung hindi niya hinayaang mag-explain ang binata sakanya? Nadala lang naman siya sa mga emosyon niya pero kahit na, siguro nga masyado siyang naging harsh kay Jisoo.
Pinipigilan niyang umiyak dahil may klase pa, "Miss na miss na kita. . ." Sabi niya habang nakatingin sa upuang wala namang tao.
Ngayong araw na 'to, napagdesisyunan na niyang bigyan ng pagkakataon si Jisoo na magpaliwanag pero wala naman ito. Mukhang hindi umaayon sakanya ang tadhana. Mukhang wala na nga talaga.
----
Magkakasama sila ngayon sa iisang table at kumakain. Tinawag naman ni Seokmin si Jun, "Jun, may tatanong lang ako."
Nagpaalam lang saglit si Jun kay Minghao at sumunod kay Seokmin, medjo lumayo naman sila sa canteen. "Ano 'yung Seoks?"
Huminga naman ng malalim si Seokmin, "May alam ka ba kung nasaan si Jisoo? Hindi naman pumasok e. Nagaalala lang ako." Nakita ni Jun ang lungkot sa mata ni Seokmin.
Nagdalawang isip naman siya kung sasabihin niya ba o hindi. Sabi kasi sakanila ni Jisoo, pwede nilang sabihin sa iba pero hindi kay Seokmin dahil sigurado si Jisoo, magaalala si Seokmin.
Naisip naman niya na kahit ganito ang sitwasyon nila Seokmin, may karapatan pa din na malaman ni Seokmin ang kalagayan ni Jisoo, "Huwag kang maingay na sinabi ko sayo ha? Sabi kasi ni Jisoo, wag ipaalam sayo. Pasensya na." Napakamot sa batok si Jun.
"Naisip ko lang na may karapatan ka pa din na malaman, at sana maging ayos na ulit kayo. Magtatapos na ang taon, ayusin niyo na." Nginitian naman siya ni Jun.
"Seoks, nasa ospital siya ngayon." Seryosong saad ni Jun. Napansin naman niyang nanlaki ang mga mata ni Seokmin.
Jisoo, pasensya na kung sinabi ko kay Seokmin. Kung ito na lang ang paraan para magkaayos kayo, isusugal ko na.
"Ha? Bakit? Bakit siya nasa ospital?"
"Kaninang umaga, naabutan ni Tita na walang malay sa kwarto niya. Sinugod agad ni Tita sa ospital si Jisoo. Fatigue ang dahilan. Sobrang pagod,"
Nakonsensya naman si Seokmin dahil ganun na pala ang nararamdaman ni Jisoo, "Ang sama ko. Hindi ko man lang pinakinggan ang side niya,"
Hinawakan naman ni Jun ang balikat ni Seokmin, "Hindi ka masama. Sadyang nangyayari ang mga 'to sa ayaw at sa gusto mo. Life will always be a battlefield at you'll have to learn how to fight."
Ngumiti naman si Seokmin kay Jun, "Maraming salamat Jun. Pupuntahan ko siya mamaya, magmamadali ako. Miss ko na 'yun e."
"Miss na miss ka na din niya," Tumawa naman si Jun at bumalik na sila sa table. Tiningnan naman ni Vernon si Jun ng makahulugang tingin. Na parang pinaparating nito kung sinabi ba niya kay Seokmin o hindi.
YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Short Story✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018