O1O

692 29 79
                                    

"P-pa?"

Oo, ang papa ni Seokmin ang dumating galing business trip. Seryoso ang mukha nito na para bang ni minsan sa buhay niya hindi ito ngumingiti.

"Ako nga. Pasok, kayong dalawa. Mukhang may pag-uusapan tayo,"

Nagpigil ng hininga 'yung dalawa nung dumaan si Mr. Lee sa harapan nila. Kinakabahan si Seokmin, pero mas kinakabahan si Jisoo.

Hinawakan niya ang kamay ni Seokmin na kanina pa nanlalamig, "Kinakabahan ako." Narinig niyang sabi ni Seokmin.

"Wag kang kabahan, nandito ako." As much as possible, sinubukan ni Jisoo na pagaanin ang loob ni Seokmin pero miski siya, hindi magawa sa sarili niya.

Pumasok na sila sa loob at naabutan nila si Mr. Lee na nakaupo sa sofa, katabi niya ngayon ang asawa.

Umupo na sila at sinusubukang ikalma ang sarili, "Seokmin." Tawag ng papa niya sakanya.

"Bakit po?" Bakas ang takot sa mukha ni Seokmin nung tiningnan niya ang mukha ng tatay niya.

"Wala ka bang balak ipakilala sakin ang kasama mo?" Para namang natauhan si Seokmin at tumingin kay Jisoo bago sa papa niya.

"Pa, si Jisoo po." Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niyang manliligaw na niya ang katabi niya ngayon. Magsasalita na sana siya kaso naunahan siya ni Jisoo.

Jisuso no more.

"Sir, Hong Jisoo po. Manliligaw po ako ng anak niyo." Buong tapang na sabi ni Jisoo pero deep inside nagwawala na kasi ba't ba siya biglang sumabat.

Napatingin naman sakanya si Seokmin pero nginitian niya lang ito. Umubo naman ang papa ni Seokmin at nilingon nila ito.

"Lee Seokmin..." Pag talaga binubuo ng tatay niya pangalan niya kinakabahan siya ng todo.

"Bakit hindi mo sinabi kay Papa? Huhu. Nakakapagtampo tuloy. Kaya pala sabi ng mama may magandang balita, may nanliligaw na pala sa anak ko!"

Nabato sa kinauupuan nila si Jisoo at Seokmin. Hindi ito inaasahan ni Seokmin pero parang na-culture shock si Jisoo sa nasaksihan niya.

"Hon, tahan na." Natatawang sabi ni Mrs. Lee sa asawa niya.

Who would have thought na ganun pala ang isang Lee Jaeseok? Akala ni Jisoo ay isa itong mahirap kumbinsihin, isang maton.

Pero... sa itsura ngayon ni Mr. Lee, alam mo na kung saan nagmana si Seokmin. "Hon, 'yung dating Seokmin na buhat-buhat ko pa noon, meron ng manliligaw ngayon!"

Hindi mo ba alam kung malungkot o masaya 'to e.

"Pa, tama na. Hehe." Pang-aalo ni Seokmin sa tatay niya. Tumingin ito sakanya at ngumuso.

Alam niyo na kung saan nagmana? :")

Tumigil ito at sumeryoso ang mukha, "Jisoo, can I talk to you in private?"

Kung kanina kinakabahan lang siya, mas kinakabahan na siya ngayon. "Of course, Sir."

Umuna na si Mr. Lee sa garden, nilingon naman ni Jisoo si Seokmin. Tiningnan ito ni Seokmin at ngumiti.

Dumiretso na si Jisoo sa garden at nakita si Mr. Lee na nakaupo, huminga siya ng malalim at umupo sa harapan ni Mr. Lee.

"Jisoo. . ." Seryosong sabi ni Mr. Lee, "Nakikita ko naman na mabait kang bata at maayos ang pagpapalaki sayo ng mga magulang mo. Pero gusto ko lang na malaman mo na hindi namin inalagaan ang kaisa-isang anak namin para saktan mo lang."

Tahimik naman na nakikinig si Jisoo, "Kaya kung hindi ka seryoso, pwede ka ng tumigil."

"Sir--" Pinutol ni Mr. Lee ang sasabihin niya.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now