Jisoo's POV
Lumipas ang anim na taon, hindi namin namalayan ni Seokmin na tatagal kami ng ganito. Madami na kaming napagdaanan, hindi naging madali ang tinahak namin na daan pero masaya ako dahil pinili niya pa ring manatili sa tabi ko.
Naging busy kami parehas sa trabaho dahil pinasa na samin ng mga magulang namin ang business na meron sila. Nawalan ako ng oras sakanya pero hindi siya nagsawang intindihin ako. Kahit na minsan hindi na ako kainti-intindi. May mga oras din na hindi ko na siya natatawagan, na-iistress na ako sa mga trabaho.
Pero kahit na ganun ako sakanya, wala siyang ginawa kundi intindihin at mahalin ako. Napakaswerte ko lang dahil may isang Lee Seokmin na dumating sa buhay ko. Siguro, ang gago ko nalang kapag pinakawalan ko pa ang tulad niya.
Hindi siya perpekto, he has own flaws, nakakagawa siya ng mali, pero lalo ko lang siyang minamahal sa bawat araw na dumadaan. Hindi nabawasan. Nagpapasalamat ako sa Diyos, hindi niya hinayaan si Seokmin na sukuan ang isang tulad ko.
Kaya naman ngayon, nandito ako at hinihintay na makalapit ang taong mahal ko. Ang taong alam kong makakasama ko hanggang sa tumanda, hanggang sa lisanin namin ang mundong ito. Itong araw na 'to ang isa sa mga masasayang araw ko, dahil sa wakas. . . magiging isa na kami.
Seokmin's POV
Totoo na ba 'to? Dito rin pala ang ending namin ni Jisoo. Hindi ko naman inaakala na sa dami ng pinagdaanan namin, darating at darating kami sa punto na magiging isa na kami. Ang saya ko lang, siya ang unang nagpatibok ng puso ko. Siya din pala hanggang sa huling hininga ko. Kahit ilang beses niya pang sabihin na gago siya, handa akong mahalin siya.
Dahil siya si Hong Jisoo.
Ang mapapangasawa ko.
Ang makakasama ko sa hirap at ginhawa. Sa saya at sa kalungkutan. Siya ang makakasama ko hanggang sa kabilang buhay, at dun namin ipagpapatuloy ang love story namin. Cheesy ba? Mainggit kayo. Joke, masaya lang ako mga beh.
Anim na taon. Anim na taon na madaming problemang dumating, minsan iniisip ko kung sukuan ko na si Jisoo dahil sa sitwasyon namin, pero napaisip naman ako. Kung dati nga hindi ko siya sinukuan, ngayon pa kaya?
At ito na ang bunga ng pagsasakripisyo namin. Natatanaw ko na ang lalaking makakasama ko, ang gwapo niya. Nakangiti siya sakin, kinakabahan ako pero lamang ang saya na nadarama ko. Lord, salamat po sa isang Hong Jisoo.
Dahil ito na, nasa harapan na ako ng lalaking mahal na mahal ko.
Dito pa lang magsisimula ang kwento namin.
-
Naihatid na nila Mr. Lee at Mrs. Lee ang anak nilang si Seokmin, kinamayan nila si Jisoo at ang magulang nito. Umupo naman silang dalawa sa harapan. Parehas na nakangiti, ang mga tao naman sa likod nila ay mga naiiyak.
Si Jeonghan at Seungcheol na kinasal 3 years ago, at binayayaan ng isang anak na babae. Pinangalan nila itong Jinae. Namana ng bata ang mata ni Jeonghan at labi. Mahaba ang pilik mata nito tulad ng tatay niyang si Seungcheol.
Naluluha naman si Wonwoo dahil akala niya mauuwi sa pagpapari ang kaibigang si Jisoo pero hindi, ikakasal din pala ito. Kinasal sila ni Mingyu nung nakaraang tao lang, may isa silang anak na lalaki. Minwoo ang ngalan nito. Halatang matangkad ang bata, kamukhang-kamukha ni Wonwoo pero ang ugali ay kay Mingyu.
Kanina pa pinapatahan ni Vernon si Seungkwan, masyado kasi itong emosyonal. Hindi pa sila kasal dahil busy pa ang dalawa sa career, pero pinangako nila na pag nakaluwag-luwag, susunod na din sila.
Si Jun at Minghao naman ay kinasal 2 years ago, katabi nila ngayon ang dalawa nilang anak na lalaki at babae na si Jiho at Minhui. Si Jiho ang lalaki pero mana sa ama niyang si Jun, tahimik pero may tinatagong kalokohan. Si Minhui naman ay masiyahing bata, namana ng mga bata ang mata ni Jun at ang tangos ng ilong. Ang labi lang ang namana nila kay Minghao.
![](https://img.wattpad.com/cover/143966163-288-k387359.jpg)
YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Nouvelles✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018