OO5

883 32 27
                                    

Handa na ang lahat para pumasok pero silang anim ay nakatayo lang dun sa may gilid, mga nagdadalawang isip kung sinong gigising kay Jihoon na mahimbing na natutulog. Maaga pa naman pero hindi sila sanay ng late ng umaalis.

"Hoy Kwon, ikaw na ang gumising sa bebe mo!" Pabulong na sabi ni Minghao kay Soonyoung. Nanlaki naman ang mga mata ni Soonyoung, ay may inilaki pa pala itong 10:10 na 'to.

"A-aba! Ba't ako? Nakakatakot gisingin si uji!" Sabi niya kay Minghao, nasa dibdib pa 'yung kamay niya.

"Ako na nga lang!" Lakas loob na sabi ni Seungkwan. Kahit sa loob-loob, pinagiisipan niya kung tama ba o mali ang ginawa niya. Kung nakaya niya dati, kaya niya din ngayon.

Huminga siya ng malalim, "YO LADIES~! THIS IS YOUR STEWRY! WAKE UP, WAKE UP, WAKE WAKE--"

Biglang bumango si Jihoon at nanatiling nakatungo, lahat sila ay kinakabahan. Nanlamig sila nung nakita ang mukha ni Jihoon, "Tangina, aga-aga." Nakahinga sila ng maluwag nung tumayo na si Jihoon para maghanda.

"Kinabahan ako dun, punyeta." Sabi ni Seungkwan at bumuntong-hininga.

"Yan lang din ginagawa mo sakanya dati, nasanay na ata." Sabi ni Mingyu at nagkibit-balikat.

Nauna na sila baba at dun nalang hinintay si Jihoon, alam nilang ayaw ni Jihoon na mag-isa siyang kakain. Maya-maya ay may narinig na silang yabag, umupo na si Jihoon sa tabi ni Soonyoung at nagsimula na silang kumain.

Matapos kumain ay nilagay na nila sa lababo ang mga plato, nasa sala naman 'yung iba at hinihintay si Seokmin. "Sige ma, alis na ako." Paalam niya sa kaniyang ina.

"Sige, mag-iingat ka." Sabi ni Mrs. Lee.

"Tita, salamat po!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ni Seokmin. Kumaway nalang si Mrs. Lee sakanila at ipinagpatuloy na ang kanyang ginagawa.

Pagkabukas ni Seokmin ng pinto ay nakita niya si Jisoo na mukhang mag-dodoorbell palang. Natigilan si Seokmin at nagulat si Jisoo, maya-maya ay napakamot sa batok si Jisoo at ngumiti.

"Tangina, 'yung puso ko." Sabi ni Seokmin sa isip niya. Dahil eto na naman, eto na naman ang kabog ng dibdib niya na si Jisoo lang ang nakakagawa. Ganito pala, kapag gusto mo na 'yung tao.

"Good morning, Seokmin. Sabay sana ako sainyo. Ayos lang ba?" Nahihiyang tanong ni Jisoo.

"O-oo. Ayos lang." Nauutal na sagot ni Seokmin.

Mula sa likod ni Seokmin ay nakatanaw sila Soonyoung, nung nakita nila na si Jisoo ang nasa labas, isang ngisi ang kumurba sa mga labi nila. Tinulak ni Minghao si Seokmin kaya naman napalabas ito. Dahil medjo napalakas ang tulak ni Minghao ay nawalan ng balanse si Seokmin.

Napakapit siya sa leeg ni Jisoo, at sa kabutihang palad ay nasalo ni Jisoo si Seokmin. Hawak ngayon ni Jisoo ang bewang ni Seokmin. Parehas na nanlaki ang mga mata ng dalawa. Parehas na namumula ang mga mukha.

"Pangalawang beses ko ng nakita ng malapitan ang mukha ni Seokmin pero... walang nagbago, sobrang bilis na naman ng tibok." Ang nasa isipan ni Jisoo nung mga oras na 'yon.

Magkatitigan lang ang dalawa nung nagsalita si Seungkwan, "Ano? Maglalandian nalang ba kayo diyan?" Mataray na sabi ni Seungkwan sa dalawa pero sa loob-loob ay pinasasalamatan niya si Minghao dahil tinulak niya si Seokmin.

Napahiwalay naman 'yung dalawa sa isa't isa at tumingin sa magkabilang direksiyon. Natawa naman sila Jeonghan at nauna nang lumakad kila Seokmin at Jisoo.

"Sorry," Nakatungong sabi ni Jisoo kay Seokmin, napalingon naman si Seokmin sakanya at ngumiti.

"Ayos lang, aksidente naman e." Paliwanag ni Seokmin pero sa totoo lang, gusto niyang pasalamatan 'yung nagtulak sakanya dahil napalapit na naman siya kay Jisoo. Kalandian ni Seokmin. Bow.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now