O12

648 33 16
                                    

"Jeonghan, uuna na kami sa dun. Alam mo na naman kung saan diba?" Nasa labas na ng classroom sila Seokmin at handa ng umalis.

"Oo, alam ko na kaya lumayas na kayo ni Jisoo. Sakit niyo sa mata." Sumenyas pa siya ng 'shoo' sa dalawa.

"Aalis naman talaga kami. Una na kami don mamsh."

"Ingat." Sabi ni Jisoo at umalis na sila ni Seokmin.

"Ingat din kayo."

Umalis na sila Seokmin at naiwan naman si Jeonghan doon sa classroom. Nag-aayos pa kasi ito ng gamit. Mag-aalas-kwatro na nung nakaalis na siya sa school. Naglalakad na ito palabas ng school gate.

"Ano naman kayang gagawin dun?" Nagtatakang tanong niya habang naglalakad. Binabagalan niya lang ang lakad niya dahil hindi naman kalayuan iyong pupuntahan niya.

Habang naglalakad ay may iisang tao ang pumapasok sa isip niya.

Si Seungcheol.

Alam na naman niya sa sarili niya na mahal na niya 'yung tao. Kahit na ilang beses niyang pinipigilan ito, lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya para dun sa isa. Kaya lang naman niya pinipigilan ay dahil baka isa lang din si Seungcheol sa mga taong mag-take advantage sakanya.

"Umaasa akong hindi ka ganun, Cheol."

Ngumiti siya. Just in time, nandun na siya sa Peak Park. Nagtaka naman siya kung bakit wala sila Seokmin. "Nasan 'yung bayot na 'yon? Wag mong sabihin na tinokis ako non? Hanep."

Napabuga naman siya sa hangin, "Hanep talaga." Maktol niya. Umupo naman siya dun sa may bench na ang view ay ang mga bahay-bahay sa baba. Hinayaan naman niya ang hangin na dumampi sa mga pisngi niya.

"H-hannie?"

Nabato siya sa kinauupuan niya. Ang boses na 'yon. . . isang tao lang ang natawag sakanya 'nun. Bumibilis ang tibok ng puso niya pero mas bumilis ito nung nakita niya ang taong tumawag sakanya.

"C-cheol?"

Parehas silang natigilan. Tanging paghampas lang ng hangin ang maririnig. Nag-lakas loob na si Seungcheol na lapitan si Jeonghan.

"B-bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ni Jeonghan.

"Yun din ang gusto kong itanong. Kung bakit ka din nandito. Sinabihan ako ni Jisoo na pumunta dito dahil may pag-uusapan daw kaming magkakaibigan," Paliwanag naman ni Seungcheol.

"Ayun din sabi sakin ni Seokmin kanina. . ." Naliwanagan naman si Jeonghan sa sinabi ni Seungcheol. Bahagya siyang napaisip, "Argh. Na-set-up tayo, Cheol."

"Mga gago talaga," Natatawang sabi ni Seungcheol kay Jeonghan. Tumahimik na naman silang dalawa. Mukhang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Nanlalamig ang buong katawan ni Seungcheol at hindi naman mapakali si Jeonghan.

"Hannie/Cheol." Sabay na sabi nila at nagkaiwasan ng tingin.

"Hannie. . ." Panimula ni Seungcheol. Napapitlag naman si Jeonghan, "Hindi ko na sasayangin ang oras na 'to. Kung dati, lagi nalang akong pinanghihinaan ng loob, puro bahala na o teka lang muna, ngayon. . . hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong ito."

"Sa totoo lang, may hindi pa ako nababanggit sayo. Dati, nagmahal na din ako pero anong nakuha ko pabalik? Ginamit lang pala ako, pinerahan, tapos basta akong iniwan dahil may nahanap na siyang mas nakakaangat sakin."

Natawa naman si Seungcheol tuwing naalala niya 'yon, "Palagi naman ganun, ginagamit lang ako at ako naman 'tong si tanga, hindi makaramdam. Ilang beses na akong pinagsabihan ni Jisoo pero hindi ako nakanig. Nagpatuloy pa ako lalo,"

"Pero. . ." Tumingin si Seungcheol kay Jeonghan, "Nung nakilala kita, may tumibok na naman. Iba ka, Hannie. Totoo ka sa sarili mo at isa 'yun sa nagustuhan ko sayo. Oo, inaamin kong natakot din akong mahulog pero bakit ganun? Sa tuwing tinatanggi ko na mahal na kita e labag na labag sa sistema ko?"

"Mahal kita, dahil ikaw si Hannie. Ikaw si Yoon Jeonghan. Hindi mo kailangan magbago dahil minahal kitang ganyan ka, nahulog ako sayo ng ganyan ka, at patuloy kitang mamahalin bilang Yoon Jeonghan. . . ayos lang kung hindi mo ako masuklian. Hindi ko pwedeng ipilit ang isang bagay na alam kong mahihirapan kang ibigay, diba?"

Kumakabog man ang puso ni Jeonghan ngayon ay nag-lakas loob na siyang magsalita, "Parehas lang pala tayo, Cheol. Ginamit lang din ako. Nagmahal ako ng totoo, pero ginamit lang pala nila ako. Kaya natakot akong magmahal ulit. Natakot akong magtiwala ulit."

"Natakot akong buksan muli ang puso ko, cheesy man pakinggan pero totoo 'yon. Sinarado ko na 'to pero human's nature is to love and to be loved. Bigla ka nalang dumating. Ang mga hinarang ko dito," Tinuro niya ang kaliwang dibdib niya.

"Bigla nalang natibag. Sa araw-araw na magkasama tayo, unti-unti mo lang natitibag 'tong mga harang na 'to. Parang ako lang ikaw, natakot ako. Natakot na ipagkatiwala ulit 'to sa ibang tao. Na baka sirain na naman at iwan ako,"

Naluluha na si Jeonghan kaya naman bigla nalang siyang niyakap ni Seungcheol. Hinahaplos niya ang buhok ni Jeonghan at pinapatahan niya ito, "Tahan na, Hannie."

"K-kasi Cheol, mahal na din kita e. . ." Ang sabi ni Jeonghan habang nakabaon sa dibdib ni Seungcheol ang mukha niya.

Hindi ito inaasahan ni Seungcheol. Para kasi sakanya, mahirap basahin si Hannie. All this time, akala niya wala itong nararamdaman sakanya pabalik. Magaling lang ba talagang mag-tago ng nararamdaman si Jeonghan o sadyang napaka-dense niya lang?

"Hannie, look at me." Inangat naman ni Jeonghan ang mukha niya kay Seungcheol. Nakita naman niya ang namumugtong mga mata ni Jeonghan.

"Hinding-hindi kita sasayangin," Seryosong sabi ni Seungcheol saka hinalikan ang noo ni Jeonghan.

"P-pwede ba akong manligaw sayo? Alam kong parehas tayo ng nararamdaman pero gusto kitang paghirapan, at ang oo mo."

Naramdaman naman niyang tumango si Jeonghan kaya naman napangiti siya ng palihim. Maya-maya ay tumunghay na si Jeonghan. "Thank you, for coming into my life Seungcheol."

Hinawakan naman ni Seungcheol ang kamay ni Jeonghan, "Thank you, for coming into my life too Hannie."

Hinilig ni Jeonghan ang ulo niya sa balikat ni Seungcheol. Parehas nakangiti ang dalawa at sabay na tiningnan ang paglubog ng araw.

Samantalang sa hindi kalayuan, nandun ang mga kaibigan nila at mga nagpipigil ng kilig. Mga umaabot sa tenga ang ngiti dahil sa wakas, nagkaaminan na din ang dalawa.

"Success ang plano mga mamsh!" Sabi ni Seokmin habang pinapanood ang dalawa.

"Pusta ako, bukas, mas malandi na 'yang dalawang 'yan!" Sabi ni Mingyu habang nakain ng popcorn.

"Nuba, panira ng ambiance 'yang popcorn mo!" Iritang sabi ni Minghao.

"Inaano ka ng popcorn ko?!" Sabat ni Mingyu. Dito pa nagtalo. Haixt.

"Tumigil na nga kayo, marinig pa tayo nila Jeonghan." Sabi ni Seungkwan.

And with that, tumahimik sila at napagpasyahan ng umuwi. Hinayaan na nila ang dalawa doon.

Afterall, success naman ang plano nila.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now