OO7

822 33 80
                                    

"Bukas ka na aamin bakla! Jusko, excited na ako! Ilang araw din tayong nag-ipon ng lakas ng loob. Aba, umayos ka pakyu!" Nagtatalon si Jeonghan habang sinasabi niya 'yon kay Seokmin.

Nasa bahay sila ngayon nila Seungkwan, natripan nila burautin 'yung bahay nila Seungkwan, ang dami kasing pagkain doon.

"Nako, nako. Alalahanin mo 'yung mga tinuro namin sayo!" Sabi ni Mingyu habang naglalagay ng face mask sa mukha niya. Makinis ka na kahit walang ganyan, pwe.

"Kinakabahan nga ako e," Nakangusong sabi ni Seokmin. Pinitik naman ni Minghao 'yung noo niya. "Tangina Minghao!" Sabi niya habang hawak-hawak ang noo niya.

"Wag kang kabahan, baka mamaya bigla kang tumakbo pagkatapos mo umamin. Mabilis ka pa naman." Sinamaan lang ni Seokmin ng tingin si Minghao pero nagkibit-balikat lang ito. Thuglyf.

"Pag nasimulan mo na, tuloy-tuloy na." Sabi ni Mingyu habang nagsisipilyo. Paano nakaya ni Mingyu na makatagal sa cr kasama sila Jihoon at Soonyoung na kanina nagpapahiran ng foam cleanser sa mukha?

I salute Kim Mingyu.

"Yo betches!" Bati ng bagong dating na si Seungkwan. Galing kusina, kumuha ng makakain nila. Inilapag naman niya ito sa table na maliit at nagsidumugan naman sila Seokmin.

"Bukas na pala 'no?" Sabi bigla ni Seungkwan kaya naman pumilipit na naman ang tyan ni Seokmin.

"Baboy na 'to, pinapaalala pa!" Sabi ni Seokmin kaya tinaasan siya ng kilay ni Seungkwan.

"Totoo naman ah? Lalandi ka na bukas, ay araw-araw pala kayong naglaladian!" Nakahawak pa siya sa dibdib niya nung sinabi niya kay Seokmin 'yon. Shookt kung shookt e.

Sakto namang lumabas sila Jihoon at Soonyoung, pinupunasan ni Soonyoung ang mukha ni Jihoon ng towel. Napalingon naman silang lahat sa dalawa, may kinikilig, may nagpatuloy sa kinakain at tinanggap nalang ang katotoohanan na single siya, may nangungurot, may nandidiri at may taga-picture.

Baby na baby si Uji kay Kwon hays. :")

"Ang sakit sa mata, putangina."

"Hayaan mo na sila, pinipicturan ko pa e."

"Kumain nalang kayo."

"Balakayojan."

Hindi mo malaman kung sumusuporta ba o mga dakilang mga ampalaya 'tong tropahan na 'to e. Pero naisip lang ni Seokmin, dumaan din sa ganun sila Jihoon at Soonyoung. Sa mga aminan, naalala niya pa nung mga panahong tinataboy pa ni Jihoon si Soonyoung pero halata na naman na may gusto.

Indenial pa.

Si Jihoon, hindi siya showy sa nararamdaman niya para kay Soonyoung at kabaliktaran niya naman si Soonyoung. Soonyoung is an open book. Pero si Jihoon, hindi. Through all that, mahal nila ang isa't isa. Opposites do attract.

"Sana all." Sabi ni Seokmin at napabuntong-hininga.

"Sana all mo 'to. Soon, ganan din kayo." Sabi ni Jihoon at kinindatan si Seokmin.

"Uji, kiss mo ko." Sabi ni Soonyoung kay Jihoon.

Hinayaan naman ni Jihoon si Soonyoung ng towel, "Joke lang pala Uji ko." Takot nalang ni Soonyoung sa bebe niya e. HAHAHAHA.

"Soonyoung, lapit ka may bubulong ako." Agad naman sumunod si Soonyoung at inilapit ang tenga niya kay Jihoon.

Naramdaman nalang ni Soonyoung ang malambot na labi ni Jihoon na dumampi sa pisngi niya. Hindi siya nakakibo pero parang wala lang kay Jihoon at nagpatuloy pa sa pagkain. "J-Ji?"

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Jihoon.

"Kinikilig aq!!!" Sabi ni Soonyoung at niyakap si Jihoon.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now