FE404 3: Run for Your Lives

1K 54 16
                                    

"Marunong naman kayong tumakbo diba?" Si Glaiza na isang hampas nalang sa pwet ay parang kabayong kakaripas na ng takbo.

"Bakit? Ano bang gagawin natin?" Si Rhian na takot na takot pero tila di alam ang gagawin.

"Oo nga Master. Ano bang gagawin?" Si Aki na kakamot kamot pa ng ulo.

"Mga engot talaga kayong dalawa! Ano pa nga ba eh di. . .TAKBOOO!" Kumaripas na ng takbo si Glaiza.

"Okay ka na naman diba? Sige mauna na ko! Sunod ka nalang kung gusto mo pang mabuhay! Hahaha" Si Rhian na nagawa pang magbiro kay Aki.

"Uy Miss Rhian hintayin nyo ko! Uyyyy"

*AHU AHU AHU AHU

"Shibidi gaw hangya kasta!!!!" (Wag hayaang makatakas!!!!) Sabi ng leader ng mga katutubo.

"Uy! Hintay! Hoy ikaw!" Tawag ni Rhian kay Glaiza.

"Ano ngang pangalan nito?" Tanong ni Rhian kay Aki.

"Glaiza po Miss Rhian."

"Ha? Ano yun?"

"Glaiza po."

"Ahhh Glaicha"

"Hoy Glaicha! Hintayin mo nga kami! Huminto ka nga muna!" Biglang huminto si Glaiza kaya nagkabundulan silang tatlo.

"LECHE! BA'T KA HUMINTO??!!"

"Eh adik ka pala eh! Sabi mo huminto!"

"Di ko naman sinabing huminto ka bigla! Ikaw adik! Anyway, anong gagawin natin? Di naman pwedeng habambuhay tayong tatakbo nalang. Sanay sila sa lugar na to at di magtatagal mahuhuli at mahuhuli nila tayo! Ayoko naman letsuhin nila tayo pag nahuli tayo noh. Kawawa naman ang world magluluksa pag nawala ako."

"Hmmm alam ko na! May naisip akong magandang idea!"

"ANO???" Takang sabi ni Rhian.

"Paiwan ka ientertain mo sila. Tapos kami ni Kiddo Aki tatakas. Balikan ka nalang namin pag di namin nakalimutan, okay? Tara Kid!" At iniwan nga ng dalawa si Rhian na ilang segundo pang natulala.

"Uy uy! Wag nyo kong iwan! Lintik kayo ah! Ginawa nyo pa kong pain! Pag kayo talaga nahuli ko ililibing ko talaga kayo ng buhay!!! GLAICHAAAAA!!!! ARRRRGGGGHHH!!!" Inis na inis si Rhian pero di man lang sya nilingon ng dalawa na medyo malayo layo na ang natatakbo.

"Shibidi gaw losi aya!!! Diun aya yobab!!! (Wag kang kikilos!!! Kundi kakatayin ka namin!!!)" Sabi ng leader ng grupo. Nakita nina Glaiza at Aki sa malayo na pinalibutan na ng mga katutubo si Rhian.

"Master, kawawa naman si Miss Rhian. Tara tulungan natin!" Naawa naman si Glaiza kay Rhian pero nangibabaw pa rin ang pride nya.

"Wag na! Tayo pa mapapahamak eh! Nakatakas na tayo oh! Gusto mo pang bumalik dun? Alam mo bayad lang nya yan sa pagtulak satin sa helicopter kanina noh! At sa pang iinis nya sakin. Tara na!" Umalis na sila Glaiza at Aki.

Samantala, di pa din kumikilos si Rhian hanggang sa may naisip syang maganda idea.

"Arumdumdum keberlush eklaboom! Arumdumdum keberlush eklaboom!" Sabi ni Rhian na nagtaas pa ng dalawang kamay at parang nagdadasal habang nakapikit ang dalawa nyang mata. Pero parang di umipek sa mga katutubo ang style nya kaya inulit nya pagkakasabi pero this time with matching himatay na.

"Aya nga Arum ta! Ating nga Arum ta! Arum ta! Arum ta! Ahu! Ahu! (Sya ang Diyos natin! Dumating na ang Diyos natin! Diyos namin! Diyos namin! Purihin! Purihin!)" Sigaw ng leader ng katutubo. Nagsiluhod naman ang lahat. Inalalayan si Rhian ng mga katutubo pasakay sa isang gawa sa kawayan na upuan at binuhat papunta sa lugar nila.

Hindi man masyadong maintindihan ni Rhian ang mga nangyayari pero nakaramdam sya na ginawa syang diyos ng mga ito.

"Humanda kayo ngayon saking mga engot kayo!" Bulong na sabi ni Rhian sa sarili habang pilya na nakangiti.

_________________________________________________

Author's Note:

Hello hello mga tsong! Kumusta kayo? And how was this chapter? Naaliw ba kayo o nalungkot o nainis o naexcite? Drop them all below. Thanks for reading mga tsong. Ano kayang mangyayari sa tatlo ngayong ginawang diyos ng mga katutubo ang iniwang si Rhian? Thank you for supporting this story. Salamat sa mga parating nag-aabang sa update ng story na to. It means a lot mga tsong. See you next chapter! Ayos kayo! 😊👍👊

Stay awesome! Peace! ✌

- J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now