FE404 10: Chake's Dirty Game

653 34 6
                                    

"Sihin ong as nom gib un wak nom ak! (Siguraduhin mong sya makakainom ng alak na to kundi ikaw papainumin ko!)"

"Masdon Apo Amhin. (Masusunod Apo Amhin)"

Kasalukuyang nagkakasiyahan at nag-iinuman sina Rhian, Glaiza, Aki, at Shanny kasama ang ilan nilang malalapit na kaibigan.

"Uy Ashmin, gib banay? (Uy Asmin, alak ba yan?)" Tanong ni Shanny na nakainom na.

"Pahingi kaming alak, Ashmin. Ashmin? Ashmin diba?" Sabi ni Aki na halatang lasing na. Si Glaiza namay nakatungo na. Si Rhian at Sungkil naman ay medyo may ulirat pa.

"Tama na yan Aki! Magpahinga na tayo. Tara na!" Sabi ni Rhian habang inilalayo ang baso kay Aki.

"Indi Misshh Rhi! Indi pa ko lasheng! Kaya ko pa oh! Yan si Mashter ang lasheng. Tingnan mo di na gumagalaw. Patay na ata hahaha" Tatayo sana si Aki pero napaupo agad ito. Tinawanan naman sya ni Shanny.

"Hahaha lasheng ka na Tsong! Di mo na kaya!"

"Wow nagyabang ka pa talagang bata ka! At ikaw magpahinga ka na rin! Kebata bata mo pa lasenggera ka na!" Sermon ni Rhian sa bata.

"Rhi, una na rin ako. Medyo nahihilo na ko eh. Kita nalang tayo bukas." Nagpaalam na rin si Sungkil bago umuwi sa bahay nila.

"Teka lang mamaya na po tayo umuwi. Ganito nalang tig iishang basho taposh pahinga na. Shige na Ate Rhi!" Pagpupumilit ni Shanny.

"Oo nga Misshh Rhi! Shige na tig iishang basho. Wag na natin ishali si Mashter lasheng na yan eh."

Wala ng nagawa si Rhian kundi pumayag sa gusto ng dalawa.

"Tamang tama masharap tong alak ni Ashmin. Ito ang pinakamasharap na alak sa tribong ito. Ashmin, ngipa mik lot sab. (Asmin, pahingi kami tatlong baso.)" Sabi ni Shanny. Umalis naman saglit si Asmin at sa pagbalik nya may dala na itong 3 baso ng alak. Inilapag nya isa isa sa harap nina Rhian, Aki, at Shanny pagkatapos ay umalis na ito.

"O shige dapat ubosh ha! Shige bibilang ako ng tatlo. Isha! Dalawa! Tatlo!" Dali daling ininom nina Aki at Shanny ang alak. Iinom na rin sana si Rhian ng biglang dumuwal si Glaiza na nakahiga sa balikat nya kaya inilapag nya ang baso at inasikaso si Glaiza.

"Ano ba yan Missh Rhi! Ako na nga lang iinom nito! Una na kayo ni Mashter. Hinay hinay lang ha. Lasheng yan. Hahaha" Pagkasabing pagkasabi ni Aki ay ininom nya ang alak na nasa baso ni Rhian. Si Rhian naman ay inakay na si Glaiza papasok sa bahay ni Shanny kung saan sila tumutuloy.

"Tara na nga Shan! Inaantok na rin ako eh." Sabi ni Aki na sumunod na rin kila Rhian at Glaiza. Sumunod naman agad si Shanny.

Kinabukasan. . .

Naunang nagising si Rhian.

"Teka ba't nakayakap na tong engot na to sakin? Ang layo layo ko naman kagabi ah." Sabi ni Rhian sa sarili habang dahan dahang tinatanggal ang kamay ni Glaiza sa beywang nya. Nakatalikod sya dito habang nakaharap naman si Glaiza sa kanya. Dahan dahang humarap si Rhian para mas madaling tanggalin ang nakayakap na si Glaiza pero nung malapit na nya itong matanggal, biglang gumalaw ang huli at sumiksik lalo sa leeg nya habang mahigpit na nakayakap sa balikat nya. Wala tuloy magawa si Rhian kundi pagmasdan ang natutulog na si Glaiza.

"Ang pogi nya. Maganda ang mata at ang tangos ng ilong. Mahahaba ang pilikmata at maninipis ang mga labi. Tigil Rhian! Ano ba yang iniisip mo?! Wag mong sabihing nahuhulog ka na sa kanya? Magtigil ka! Hindi pwede! Itigil mo yang kahibangan mo okay?! Hinahangaan mo lang kagandahan nya kaya ganun." Sabi ni Rhian sa sarili at mabilis na umiling iling.

Ipagpapatuloy pa sana ni Rhian ang pagtitig sa natutulog na si Glaiza ng biglang. . .

*POOOOOOOT

Gulat na gulat na nagising ang lahat.

"HMMM!! AMBAHO!" Biglang bangon ni Shanny at nagtatatakbong lumabas ng bahay.

"GRABE ANO BA YAN KID! AMBAHO!" Nagtakip ng damit si Glaiza habang nakayakap pa rin kay Rhian. Pagharap nya, nagkatitigan ang dalawa.

5 sec. . .4 sec. . .3 sec. . .2 sec. . .1 sec

Si Rhian naman ngayon ang unang nagbawi ng tingin. At para hindi mahalata ang pagkailang nya. . .

"AMBAHO!" Mabilis pa sa alas kwatro na bumangon si Rhian at sumunod kay Shanny sa labas. Sinundan lang sya ng tingin ni Glaiza.

"Ate, ba't nakahawak ka sa dibdib mo? Wala naman sa dibdib ang ilong ah! Ang nasa dibdib, PUSO hindi ilong! Teka. . .wag mong sabihing. . ." Pang-uusisa ni Shanny.

"Ah eh wala! Hiningal lang ako. T-Tumakbo kasi ako palabas sa sobrang baho ng. . .ng ano. . .ng spirito ni Aki! Yun spirito ni Aki!" Palusot ni Rhian pero naniningkit lang syang tiningnan ni Shanny.

"Okay sabi mo eh. Kunyari nalang naniwala ako hahaha"

"Aba'y leche kang bata ka ah! Wag mo kong asarin ha ang aga aga!"

"Ayan ganyan galit galitan! Kunyari walang nararamdaman! Hahaha"

"Tigilan mo ko Shanny kundi walang pagpapagandang mangyayari sayo."

"O sya sya titigil na! Ito naman di na mabiro! Ang pikon mo Ate! Totoo siguro yung hinala ko! Na ano. . .na may gust---"

"SHANAIA!" Natakot naman ang bata kaya tinikom nalang ang bibig nya.

Lumabas na si Glaiza na akay akay si Aki.

"Tsong, anong nangyari sayo?" Si Shanny.

"Masakit tiyan ko kid. May nakain siguro akong sira kagabi." Si Aki na namimilipit sa sakit habang inaalalayan paupo nina Glaiza at Rhian. Nagduda naman ang batang si Shanny.

"Pwede ka bang kumuha ng konting sample ng dumi mo Tsong Aki? Pakilagay nalang dito. Ate Rhi, alam mo ba kung nasaan ang baso ng ininuman natin kagabi?"

"Oo andun sa hugasan. Teka kunin ko."

"Bakit Shan? Anong nangyayari kay Aki?" Natatarantang sabi ni Glaiza habang inaalalayan pa rin ang latang lata at putlang putla na si Aki.

"Wag naman sana! Pero parang nalason si Tsong Aki Ate Glai! Kitang kita sa pagkaputla nya at pangingitim ng labi nya. Masama ito! Kelangan malaman ko kaagad kung anong lason ito at ng mahanapan ko ng lunas."

"Ito na Shan! Ito yung mga baso kagabi. Kumuha na rin ako ng sample ng dumi ni Aki." Si Rhian.

"Ate Rhi, pwede ka bang maging assistant ko?"

"Oo naman tara!"

At inumpisahan na nila Rhian at Shanny at pagsusuri sa baso at sa dumi ni Aki.

Makalipas ng ilang minuto. . .

"Sinasabi ko na nga ba!" May inis sa tono ng boses ni Shanny.

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Hello mga tsong! Kumusta tong chapter na to? Sana nagustuhan nyo. Salamat sa sumusuporta sa story na to. Thanks for reading. 😊

Stay awesome! Peace! ✌👊😊

- Tsong J

Twitter: @tsong_J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now