FE404 11: Prim and Proper Rhi

704 37 5
                                    

"Ang bruhang yun! Dinale pa talaga si Aki ha! Naku pakukuluan ko talaga yung matabang bruhildang yun para lumambot lambot naman ang balat! Nakakagigil!" Galit na galit si Rhian nung malaman nyang si Amhin ang may pakana ng lahat.

"Oh tama na yan baka mahighblood ka pa. Pagbabayaran nya ginawa nya kay Aki. Sigurado yun, okay? Kalma na Rhi. Ito tubig oh." Kalmadong sabi ni Glaiza kay Rhian habang himas himas nito ang likod ng huli.

"Eh kasi naman walang kasalanan si Aki. Bakit sya?"

"Di ko alam Rhi. Di ko alam."

"Naku naman ang sweet sweet. Kakainis kayo inaatake na kami dito ng langgam oh! Andami dami! At tsaka okay naman na ko. Buti nalang anjan si Genius Shanny. Salamat Tsong!" Nag fist bump pa ang dalawa.

"Wala yun Tsong Aki. Pero alam nyo tingin ko si Ate Rhi talaga target ng lechon na yun eh! Kasi kahit lasing ako nun may hinala ako na yung lason ay nasa alak ni Ate Rhi na ininom ni Tsong Aki kaya sya yung nalason. Feeling ko kasi ganun yung nangyari eh. Asan na kaya yung Asmin na yun?"

"Ano naman motibo ni Ursula este ni Amhin para lasunin si Rhi?" Si Glaiza. Nagkatinginan naman sina Aki at Shanny.

"Ang slow mo talaga Master noh? Ano pa eh di gusto nya mawala si Miss Rhi kasi may hinala ata syang si Miss Rhi ang gusto mo!"

"Tama! Yun din tingin ko." Si Shanny. Nailang at pinamulahan naman ng mukha sina Glaiza at Rhian. Biglang natahimik ang grupo.

"Naku deny deny pa kasi! Aminin nyo na kasi! Alam naman namin eh! Tinginan nyo pa lang nakakapaso na. Di nyo ba nararamdaman ang malakas na koneksyon nyong dalawa? Oh c'mon Master and Miss Rhi. Don't you feel the tension? The thirst? The hunger for each other? Hmm? Don't you feel it?" Si Aki na iikot ikot sa dalawa at hinihimas himas ang braso ng mga ito habang pabulong na sinasabi ang mga salita. Hindi naman nakatiis si Rhian sa sobrang ilang kaya sya na mismo ang tumayo at naglakad palayo.

"Oh san yun pupunta?" Si Aki.

"Nakuryente ata Tsong Aki. Hahaha" Si Shanny.

"Kayo kasi eh! Wag nyo kasi ipilit. Tingnan nyo nailang tuloy. Teka lang sundan ko." Tumayo na rin si Glaiza. Nagkibit balikat lang din sina Aki at Shanny.

"Rhi! Rhi! Hintay!" Patuloy pa rin sa paglalakad si Rhian ng bigla syang hilahin ni Glaiza sa braso tsaka niyakap. Di makagalaw si Rhian sa ginawa ni Glaiza.

"Rhi, I'm sorry. I'm sorry kung ganun yung dalawang yun. Pagpasensyahan mo na. Wag ka na magalit please. Ako na ang bahala sa kanila. Promise di ka na nila guguluhin pa. Di na nila tayo aasarin pa. Pangako yan." Kahit masakit man kay Glaiza ay pinilit nyang sabihin ang mga salitang yun kasi alam nyang hinding hindi sya magugustuhan ni Rhian kaya kelangan nyang lumayo para matigil na ang pang aasar ng dalawa sa kanila.

Kinabukasan. . .

"Miss Rhi! Miss Rhi! Nakita nyo po ba si Master? Wala na kasi pag gising ko eh!" Si Aki na hingal na hingal kakahanap kay Glaiza. Kumunot naman agad ang noo ni Rhian.

"Hindi eh. Kakagising ko lang din eh. Si Shanny din wala na pag gising ko. Baka magkasama lang yung dalawa?"

"Hindi Miss Rhi eh kasi nasa labas lang naman si Tsong Shanny. Teka. . .si Master ba yun?"

"Ha? Asan?"

"Ayun oh! Yung may kasamang babae. In fairness ha magaling talagang pumili si Master! Hahaha"

"Psssh sayang effort mo kakahanap Aki! May kalandian lang palang iba." Si Rhian na nakabusangot na. Parang anumang oras mag-iisa na ang langit at lupa.

"Miss Rhi, hinay hinay po baka tamaan ng kidlat si Master sa talas ng tingin nyo po! Hahaha" Sabi ni Aki at naglakad na palayo.

"Ano kayang pangalan ng hinayupak na yan? At bakit close na close sila ng kumag na Glaiza? Arrrrgggghhhh nakakainis! Ansarap pakuluan ng buhay! Ang landi talaga ng kumag na Glaiza na yun! May patawa tawa pa talaga at pahampas hampas sa braso! Bumigay sana yang duyan na inuupuan nyo!!! Mga hinayupak!!! Teka teka Rhi, ba't ka galit na galit jan? Kayo ba ni Glaiza? Jowa mo ba sya? Diba hindi naman? Sabi mo pa nga hinding hindi ka magkakagusto sa kanya diba? At tsaka nilandi mo rin naman yung Sungkil ah! Nagreklamo ba sya? Diba hindi naman? Gaga ka pala eh! Buti nga tinutupad na ni Glaiza ang pangako nya na di na kayo aasarin nina Aki at Shanny eh! Arte arte mo teh!" Sabi ng dalawang utak ni Rhian. Inis na inis sya sa di nya malaman na dahilan pero alam din nyang wala syang karapatang magalit.

Nung mapadaan sila sa kung saan nag uusap sina Glaiza at ang babae, inasar nina Aki at Shanny ang mga ito.

"Naks naman Master! Bilib na talaga ako sayo! Ang lupet mo! Bagay kayo in fairness. Diba Tsong Shan?"

"Oo nga Ate Glai. Pogi ka, maganda naman si Ate Yumi. Perfect match ika nga." Si Shanny. Patuloy na nakikipagkulitan sina Aki at Shanny kina Glaiza at Yumi habang si Rhian naman tahimik lang sa gilid akala mo kalmado.

"LECHE TALAGA KAYO AKI AT SHANNY! HUMANDA TALAGA KAYO SAKING KUMAG KAYO!!! AT IKAW?! YUMI PALANG PANGALAN MONG UNGGOY KA HA! DI KAYO BAGAY NI GLAI KASI MUKHA KANG UNGGOY NA BINALATAN SA PUTI MO!! LABI MO PARANG KINAGAT NG PUTAKTE AT ANG BUHOK MO PWEDE NG GAWING TOOTHPICK SA TIGAS! YANG ILONG MO PINAGLIHI SA ILONG NG MANGKUKULAM!!! IN SHORT CHAKA KANG ENGOT KA!!! ARRRRGGGGHHHH!!!" Parang sasabog na si Rhian habang nagrireklamo sa loob loob nya. Pero kelangan kuno nyang kumalma kasi sya ang Arum (Diyos) ng tribong ito. So dapat prim and proper. . .kuno.

"Hmm mga kaibigan mauna na muna kami ha. Meron lamang kaming pupuntahan ni Glai, diba Glai?" Si Yumi na kapit na kapit sa braso ni Glaiza. Kitang kita naman yun ni Rhian. At kahit sinong makakita sa mukha ngayon ni Rhian, matutunaw sa takot.

"Ah eh. . .hmm. . ." Si Glaiza na nakakaramdam na rin ng takot sa mga titig ni Rhian. Pati sina Aki at Shanny tahimik na rin at parang anumang oras kakaripas na ng takbo.

"Sige na Glai. Lumayas este umalis na kayo. Masamang pinaghihintay ang babae, diba?" Malumanay at ngiting sabi ni Rhian pero sobrang talim pa rin ng mga tingin nito at sobrang creepy ng ngiti. Di na nakatiis sina Aki at Shanny at kumaripas na ng takbo. Parang tinakasan ata ng kaluluwa.

To be continued. . .
_________________________________________________

Author's Note:

Hello mga tsong! Last update for tonight. I hope you enjoyed all the updates today. Thanks for supporting and for reading. Don't forget to vote if you liked it. Try natin 30 votes for this chapter and 30 votes for each of the previous chapters. Exercise lang. See you next chapter! 😊

Stay awesome! Peace! ✌👊😊

Twitter: @tsong_J

- Tsong J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now