FE404 6: Help Me or Help Me Not

717 39 6
                                    

"Sorry na Miss Rhi, wala naman talaga akong kasalanan eh! Ito si Master oh! Sya may pakana na iwanan ka daw namin. Ganti daw yun sa pagtulak mo samin sa helicopter." Tarantang taranta si Aki at nilalaglag na ang Master nya. Nakabitin silang dalawa ng patiwarik sa isang puno habang may kawa ng kumukulong tubig sa baba.

"Aba'y engot ka ah! Balimbing ka talaga! Pag nakawala ako dito babatukan talaga kita!"

"Sorry na Master. Takot po ko sa inyo pero mas nakakatakot po si Miss Rhian magalit eh! Parang bubuga ng apoy." Kakamot kamot si Aki ng ulo.

"Langya kayong mga engot kayo! Pinain nyo pa talaga ako sa mga to! Buti nalang maganda ako and not to mention gumana din gimik kong tirik tirik mata. Kasi kung hindi tegebelles na beauty ko dahil sa inyo! And oh, I would like you to meet my right hand and soon to be my gorgeous sissy, Shanny. Sya lang naman ang mag uutos sa mga katutubo kung kelan kayo pakukuluan. But of course kung kelan ko din gustong pakuluan kayo."

"Kayo pala yung mga engot na sinasabi ni Ate Rhi na nang-iwan daw sa kanya. Hmmm. . .ikaw (turo kay Glaiza) pogi ka para kang rockstar. At ikaw naman hmmm (turo kay Aki) pwede ka ng pakuluan ng buhay."

"Hoy! Hoy! Teka! Teka lang naman! Miss Rhi, pigilan mo naman yang batang yan oh! Sorry na! Teka lang wag nyo muna ibababa ang init nyan eh! Miss Rhi naman oh parang wala naman tayong pinagsamahan. Ito si Master nalang pakuluan mo! Sya naman nagpain sayo eh! Sumunod lang ako sa kanya." Tarantang taranta na si Aki nung dahan dahan na syang ibinababa sa kumukulong tubig.

Bumulong naman si Rhian kay Shanny at tumango lang ang bata. May sinenyas ito sa mga katutubo at maya maya pa'y kinalasan nila ng tali si Aki at ibinaba sa kahoy.

"Salamat Miss Rhi. Salamat bata. Aki nga pala" Pagpapakilala ni Aki at inabot ang kamay. Tiningnan lang sya ng masama ng bata.

"At ikaw Glaicha? Wala ka man lang sasabihin?"

"Hindi Glaicha ang pangalan ko! It's Glaiza!"

"Whatever Glaicha! Kung wala kang sasabihin, pakuluan na yan!" Sabi ni Rhian at sumenyas din si Shanny sa mga katutubo. Dahan dahan na nilang binababa si Glaiza sa kumukulong tubig.

"Teka! Teka! Teka lang Miss Rhi! Patawarin mo na si Master. Di naman nya sadya eh. Gagawin namin lahat ng iuutos mo, wag mo lang sya pakuluan. Kahit alilain mo kami okay lang. Please Miss Rhi." Lumuhod na si Aki sa harapan ni Rhian.

Mayamaya pa'y nagkagulo ang tribo. Lahat ng mga katutubo nagsisitakbuhan. Nataranta naman sina Rhian at Shanaia kaya dali dali nilang pinuntahan ang nagkakagulo. Di pa nga sila umaabot sa lugar pero kitang kita na nila ang nakatusok na pana sa dibdib ng isang katutubong nakabulagta sa di kalayuan kaya patakbo silang bumalik.

"Ate, sinasalakay tayo ng mga taga ibang tribo! Anong gagawin natin?" Iyak na sabi ni Shanaia.

"I don't know Shanny. I really don't know." Naiiyak na rin si Rhian.

"Rhi, pakawalan mo ko! Kaya ko kayong tulungan." Sigaw ni Glaiza. Walang choice si Rhian kundi pakawalan si Glaiza.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Rhian, Shanaia, at Aki. Pinagtulungan nilang kalasan at ibaba sa puno si Glaiza.

"Kid, ilag!" Sabi ni Glaiza kay Aki nung muntik na itong tamaan ng pana sa mukha. Pero malas sa lahat ng malas tinamaan ang tali ni Glaiza kaya nahulog ito sa kahoy. Buti nalang naitulak ni Rhian ang kumukulong tubig bago pa bumagsak si Glaiza. Si Aki naman ayun hinimatay.

*insert sound of falling object

"Ouch! Ahhh nabalian ata ko! Teka. . .wait lang. . .ba't ang init? Grabe parang ang init ng likod ko!" Daing ni Glaiza habang hawak hawak ang paa nya.

"Hmmm. .  Ate Glaicha, parang. . .hmmmm. . . nasusunog ka po." Dahan dahang sabi ni Shanaia. Natulala naman si Rhian sa tabi nung makitang nasusunog ang likod ng damit ni Glaiza. Nagising naman si Aki sa pagkakahimatay.

"Hahahaha si Master nagliliyab! Hahaha ang cool Master nagliliyab ka! Pano mo nagagawa yan? Turo mo naman sakin minsan!"

"Ha?! Oh my gosh! Oh my gosh! Nasusunog ako!" Tarantang taranta si Glaiza habang pagulong gulong sa lupa.

"Oh my gosh nasusunog ka nga Master!" Tinulungan ni Aki si Glaiza at pinagulong gulong sa lupa kaso napalakas ata pagtulak nya at dumiretso sa burol si Glaiza.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH LANGYA KA KID MANDA KA SAKIN AHHHHHHHHHHH" Nagpagulong gulong si Glaiza pababa ng burol.

"Hala lagot! MASTER, SORRY!" Hinabol ni Aki ang pagulong gulong na si Glaiza.

"Ate Rhi si Ate Glaicha gumugulong pababa ng burol. Hinahabol na ngayon nung Aki." Nawala naman agad ang pagkatulaley ni Rhian sa sinabi ni Shanny.

"HAAA???!" Patakbong sinundan ng dalawa sina Glaiza at Aki.

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Hello again mga tsong! 3rd update for tonight. Hope you enjoyed it. Malapit na tayong mag insert ng medyo kadramahan ha. Heads up lang. Thanks for reading. Don't forget to vote. 😊

Stay awesome! Peace! ✌👊

- Tsong J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now