FE404 1: Almost a Successful Escape

3K 95 7
                                    

"Kahit na malayo sa'yong mga halik
At ako'y masabik
Sa'yo parin
Ang laman ang damdamin at pag iisip
Sa'king pananabik
Sa'yo parin. . ."

"MEN HANAPIN NYO SYA! DALHIN NYO SYA SAKIN! SIGURADUHIN NYONG BUHAY KUNDI KAYO ILILIBING KO! NAIINTINDIHAN NYO?" Utos ng isang matanda at matabang lalaki na may hawak pang gintong tungkod at may nakasipit na pipa sa bibig.

"Leche talaga tong matandang uugod ugod na to! Hanggang dito ba naman sa gig ko nahanap pa rin ako?! May kalakihan talaga ata mata nito eh!" Bulong ni Glaiza sa sarili. Pero tila inborn ang pagkamatigas ng mukha nito ng pinagpatuloy pa rin nya ang kanta nya.

"Sa'yo parin
Sa'yo parin
Sa'yo parin. . ."

"Whooooo! I love you Master! Ang galing mo talaga! Diba guys? Whooooo" Sigaw ng suki nyang tagahanga at butihing sidekick na si Aki.

Bumaba na si Glaiza ng stage at nagmadaling inakbayan si Aki.

"Kid, anjan sila! Pero wag mo lingunin ha! Baka makilala tayo eh" Bulong nya kay Aki habang mabilis na lumabas ng bar. Pero huli na sya ng lingunin ni Aki ang mga pinagtataguan.

"Asan?"

"AYUN! AYUN SILA! HABULIN SILA! WAG NYONG HAHAYAANG MAKATAKAS!" Sigaw ng kanang kamay ng matanda at matabang lalaki. Napasapo nalang ng noo si Glaiza.

"Takbo!" Sabi ni Glaiza bago kumaripas ng takbo. Sumunod naman agad si Aki.

"Kahit kelan talaga ang engot mo! Sabi ng wag lingunin eh! Ba't mo nilingon?!"

"Master naman kasi, eh di sana unang sentence pa lang sinabi mo na na bawal lingunin! Alam mo naman ako reactive!" Sabi ni Aki na kakamot kamot pa ng ulo habang nakasunod na tumatakbo kay Glaiza.

"Ahh so kasalanan ko pa pala talaga na engot ka ha?! Sorry ha nahiya naman ako sayo! Kasalanan ko pala!" Nagkamot nalang din ng ulo si Glaiza.

*bang bang bang bang

"Putek! Hoy mga panget muntik nyo na kaming tamaan ah!" Si Aki.

"Adik ka ba?! Malamang tayo pinatatamaan nyan! Baliw ka ba?! San mo ba kasi nilagay ang utak mo?!" Si Glaiza.

"Eh Master naiwan ko po sa bar eh hehe. May chix kasi dun." Naparoll eyes nalang si Glaiza sa kagagahan ng sidekick.

*phew phew phew phew

"Uy infairness Master ha naglevel up yung baril nila. May pampatahan na!" Malapad na ngumiti si Aki kay Glaiza. Kumunot naman ang noo ng huli.

"Anong pampatahan??? Silencer tawag dun engot!"

"Parehas lang yun Master! Oh diba maingay yung baril? Oh eh di pampatahan!" Napailing nalang si Glaiza.

"Oh? Master ano yun? Andun nanggagaling sa building na yun oh!" Turo ni Aki habang tumatakbo pa rin silang dalawa.

"Malamang helicopter ano pa nga ba! Tara! Bilisan mo jan kung mahal mo pa buhay mo!" Dali daling pumasok ng building ang dalawa at pumanik sa rooftop. Naghubad si Glaiza ng jacket at nilagay sa may hagdan. Nagtaka naman si Aki.

"Master, ba't mo iniwan? Ang mahal ng bili ko sa jacket mo ha tas iniwan mo lang? Nakakatampo ka ha!" Daldal ng daldal si Aki habang nasa elevator sila pa rooftop.

"Malamang para umakyat sila ng hagdan instead na sumakay ng elevator! Mga engot din yun eh alam ko! At tsaka di naman nila alam na sa rooftop tayo pupunta eh! At isa pa hoy kung makapagtampo ka jan kala mo pera mo pinambili nun eh. Pera ko kaya yun! Ikaw lang inutusan kong bumili! Hmmmp sapakin kita jan eh!"

"Hehe Master naman di na mabiro!"

At tama nga si Glaiza na engot ang mga humahabol sa kanila kasi sa hagdan sila dumaan. Pagdating ng dalawa sa rooftop, walang tao pero umaandar ang makina ng helicopter.

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now