FE404 14: Treasure Hunting

552 30 6
                                    

FLASHBACK

Naisipan ni Rhian na maglakad lakad muna sa may tabing ilog para lumanghap ng sariwang hangin. Panay pa rin ang pahid nya sa masasaganang luhang dumadaloy sa pisngi nya. Naupo sya sa isang malaking bato apat na metro lamang ang layo mula sa ilog. Di nya namalayan ang paglapit ng dalawang babae. Ang isa'y may hawak na kahoy na sinlaki ng hita at ang isa nama'y nakasunod lang sa likod. Nang makalapit ang dalawa sa walang kamalay malay na si Rhian ay akmang hahampasin na nila ito ng biglang. . .

*pew pew pew

Isang tama sa ulo at dalawa sa likod ang tinamo ng isang babae na agad binawian ng buhay. Napalingon si Rhian sa pinanggalingan ng ingay. Nakita nyang nakahandusay na ang isang babae at ang isa nama'y naabutan pa nyang kinukuha ang kahoy sa nakahandusay na babae.

"Amhin. . ." Tanging nasabi ni Rhian.

"Kasalanan mo to Rhian!!! Kasalanan mo kung bakit namatay si Asmin!!! Kasalanan mo kaya dapat ka ng mawala sa mundong ito!!!" Akmang hahampasin na ni Amhin si Rhian ng biglang may pumigil.

"Ep ep ep. Magtigil ka kundi ulo mo naman ang sasabog." Ani ng isang mataba at matandang lalaki na may gintong pipa sa bibig. Kasama nito ang ilan sa mga animong tauhan nito.

"At sino ka namang matanda ka?!" Galit na sabi ni Amhin.

"Dahan dahan ka sa pananalita mo gurang. Sya si Don Regundo at sya lang naman ang magbubukas ng kaya---" Naputol ang sasabihin sana ng kanang kamay ng don. Nakatutok pa rin ang mga baril ng mga tauhan ng don kila Amhin at Rhian. Nakataas naman ang kamay ng huli habang si Amhin ay matapang pa ring hawak hawak ang isang kahoy.

"Don Regundo? Wala akong kilalang Don Regundo! Sino ka ba ha?!" Galit na sigaw ni Amhin pero hindi sya pinansin ng don.

"Oh sya sige na dalhin ang dalawang yan sa barko. Tsaka nalang tayo babalik dito pag nakahanda na ang plano." Sabi ng don at tumalikod na ito. Ginapos na ng mga tauhan ng don sina Rhian at Amhin.

END OF FLASHBACK

"Mamaya lulusob na tayo. Hanapin nyo sina Glaiza at Shaina. Sila ang susi para mahanap natin ang kayamanan. Malinaw ba? At tsaka dalhin ang dalawang yan mamaya. Sila ang magiging pain." Utos ng don sa mga tauhan nya.

"Teka teka ano to Don Regundo??? Ba't pati ako ipapain? Akala ko ba nagkasundo tayong tutulungan kita sa paghahanap mo sa kayamanan tapos kapalit nun maghahati tayo pag nakita na natin ang kayamanang yun. Ano to ha niloloko nyo ko???!!!" Nagsisimula ng magwala ni Amhin.

"Amhin my dear di ako tanga. Alam kong ikaw ang anak ni Apo Angkil. Pero hindi ikaw ang pinili nyang mamuno ng tribo kasi ---" Marahang eksplenasyon sana ng don pero pinutol sya ni Amhin.

"Mali! Mali ang naririnig nyong paratang tungkol sakin. Hindi ako masama! Gusto lang ni Ama na maging makatarungan sa lahat. Pero ako talaga ang napipintong tagapagmana ng tribo kaya kailangan mo ko para mas madali mong mapasok ang tribo at mahanap ang kayamanan." Pangungumbinsi ni Amhin sa don.

"Hindi hija. Ang ibig kong sabihin hindi talaga ikaw ang magiging tagapagmana ng tribo kasi di ka tunay na anak ni Angkil. Napulot ka lang nya sa baybayin nung may tumaob na barko sa di kalayuang isla. Sanggol ka pa nun at nakasakay ka sa isang bangka at dumaong yun sa baybayin. Nakita ka ni Angkil at inalagaan ka nya. Itinuring na sariling nyang anak. Di lang kita nakilala kasi maliit ka pa nung nilisan ko ang tribo." Paliwanag ng don. Hindi nakasagot si Amhin. Tulala sya at di makapaniwala.

"Pero bakit nyo kelangan si Shanaia at Glaiza? Anong ibig nyong sabihin na sila ang susi?" Sabat ni Rhian.

"Alam mo hija ang dami mong tanong. Ayoko sanang sagutin pero sige bibigyan nalang kita ng idea bakit. Hawak ni Glaiza ang susi na makakapagbukas ng kayamanan at ang anak lang ni Shakum ang may kakayahang basahin ang mapang ito patungo sa kinaroroonan ng kayamanan." Ipinakita ni Don Regundo ang isang nakarolyong tela.

"Pero bakit? Paano nangyari? Sino ba talaga kayo? Anong koneksyon nyo sa tribo? Alam ba nina Glaiza at Shanaia to? At anong kayamanang sinasabi nyo? Kayamanan nino? Eh kung kayo nalang kaya maghanap? Kunin nyo kay Glaiza ang sinasabi nyong susi at ipatranslate nyo yung mapa kay Shanaia. Ba't kailangang madamay ang buong tribo?" Mahabang litanya ni Rhian.

"Alam mo hija ang dami mo talagang tanong eh noh? Gusto mo patahimikin kita? Magaling akong magpatahimik ng mga magagandang babaeng tulad mo." Hinahagod ng tingin ng don si Rhian na parang hinuhubaran. Natakot naman ang dalaga sa inaasal ng don. Buti nalang naputol ang pagnanasa ng matanda kay Rhian nung sinabihan na sya ng right hand nya na ready na daw ang lahat.

"Sayang. Gusto pa naman kitang tikman." Sumulyap pa ng isang beses ang don sa nakataling si Rhian bago lumabas ng kwarto.

"Pakawalan ang mga yan. Dadalhin natin sila papuntang dalampasigan. Bantayan nyong mabuti ang mga yan! Wag nyong hahayaang makatakas! Sila ang pain kapalit nila Glaiza at nung anak ni Shakum." Utos ng right hand ni Don Regundo.

_________________________________________________

Author's Note:

Zup mga tsong! Musta na? Sensya na slow update tong story na to. Medyo busy lang talaga. Halfway na tayo sa story. Medyo marami rami ng mangyayari sa mga next chapters. Thank you for reading this story. See you next chapter! 😊

Stay awesome! Peace! 😊👊✌

- Tsong J

Hi pala sayo hyun-ri! ❤😊

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now