FE404 7: Just a Bad Day

730 36 13
                                    

"Araaaay! Woooooo! Langya ka talagang Kiddo ka! Ouch ouch!" Umaaray si Glaiza sa sakit ng likod nya nung tumama yun sa isang puno.

"MASTER! Huhu sorry po. Sorry po talaga. Di ko po sinasadya. OUCH! Master naman eh!" Tinulungan ni Aki na makatayo si Glaiza pero malakas muna syang binatukan nito.

"GLAICHA! ASAN NA KAYO? GLAICHA! AKI!" Tawag ni Rhian sa dalawa habang hawak hawak sa kamay si Shanaia.

"MISS RHI, ANDITO KAMI!" Sigaw na sagot ni Aki. Nilapitan naman sila ng dalawa.

"Oh my gosh Glaicha! Are you okay?" Tiningnan ni Rhian ni Glaiza sa mata na may pag-aalala habang nakahawak sa dalawang pisngi nito. Bigla namang namula si Glaiza sa ginawa ni Rhian.

"Uyyyyy si Ate Glaicha nagbablush! Yiiiiieeee type nyo po si Ate Rhi ko noh? Di bale Ate pogi ka naman po. Boto po ako sa inyo para sa Ate ko." Sabi ni Shanny na kilig na kilig pa. Nailang naman at napabitaw si Rhian sa pisngi ni Glaiza.

"Ikaw Master ha! Silent assassin ka talaga kung tumira eh! Hahaha" Binatukan naman ulit ni Glaiza si Aki. Napahawak ulit tuloy ang huli sa ulo.

"Haayy naku tumigil nga kayong dalawa. Andami nyong alam eh noh! Ikaw Shanny bata ka andami mong alam. Tara na nga Rhi! Tulungan na natin yung mga katutubo."

"Uyyyy gusto nya masolo si Ate Rhi ko. Paraparaan ka Ate Glai ha. Yiiiieeeee" Tukso pa ni Shanny na sinabayan din ni Aki.

"Ay ewan ko sa inyo! Shanny, baby, tara na! Baka naubos na yung mga katribo mo kakaharot mo dito!" Sabi ni Rhian habang akay akay si Glaiza.

"Hoy Ate hindi ako ang maharot noh! Ikaw kaya! Yiiiiiieeeee landi mo Ate ha! Hahaha"

"Oo nga Miss Rhi. Ang harot nyo po. Pati si Master ang harot! Hahaha"

"Heh! Tumigil na nga kayong dalawa! Ikaw Shanaia ha kebata bata mo pa may nalalaman ka ng ganyan ha! At ikaw namang kabute ka, gusto mo ibitin ulit kita ng patiwarik ha?!"

"Uy! Uy! Miss Rhi naman di na mabiro. Sige na nga titigil na nga ko. . .for now. Hahaha tara Shanny! Iwanan na natin ang lovers." Sabi ni Aki at kinarga ang bata.

"Aki! Pektus ka talaga sakin pag gumaling ako kala mo!" Sigaw ni Glaiza kay Aki.

"Oo na! Oo na Master! For now, ienjoy mo lang yang moment na yan with Miss Rhi. Nagbunga din naman yang kaengotan mo! Gumulong ka ba naman sa burol?! Malamang bukol at pasa aabutin mo! Hahaha pero okay lang yan anjan naman si Miss Rhi!" Asar pa rin ni Aki kahit medyo malayo na sila ni Shanny sa dalawa.

"Aba'y loko ka ah!" Babatuhin pa sana ni Glaiza ng bato si Aki ngunit pinigilan sya ni Rhian.

"Hey. . .hey. . .tama na yan hayaan mo na baka mabinat ka pa." Malambing na sabi ni Rhian. Nagkatitigan na naman ang dalawa. Parang napapaso si Glaiza sa mga titig ni Rhian kaya una syang nagbaba ng tingin.

Pagdating nila sa tribo, buti na nga lang at nanalo ang mga katribo nila sa labanan. Ngunit sa kasamaang palad napuruhan ang leader ng tribo. Ipinatawag nito sina Rhian at Shanaia.

"Shanaia, inikol kit lang may kan. Arum ta, bay ta mak. (Shanaia, ikaw na ngayon ang kanang kamay ng susunod na pinuno. Diyos namin (referring to Rhian), gabayan mo po kami.)" Iniluklok ng naghihingalong leader si Shanaia bilang kanang kamay ng susunod na pinuno sa harap mismo ng lahat ng mga katribo nila.

Nagdalamhati ang lahat nung pumanaw ang leader ng tribo.

"Isa si Apo Angkil sa naging pinakamabubuting pinuno ng tribo. Maawain ito at may malasakit sa lahat. Kabaligtaran ng panganay nyang anak na babae at susunod sana na mamumuno na si Amhin. Mayabang ito at matapobre, malupit at marahas sa kapwa katribo nya. Buti nalang hindi sya iniluklok ng ama nya. May pag-asa ang iba pang mabubuting katutubo na maging pinuno ng tribong ito." Salaysay ni Shanny kila Rhian, Glaiza, at Aki.

"Ayun Shan sino yun? Yung matipunong lalaki na yun." Tanong ni Aki.

"Sya si Sungkil, ang bunsong anak ni Apo Angkil. Sya ang pangalawang susunod na pinuno after ng ate nya."

"In fairness may hitsura ha diba Miss Rhi?" Si Aki.

"Hmmm may hitsura nga at ang laki ng muscles ha." Sang-ayon ni Rhian. Nagkwento pa ng nagkwento si Shanny patungkol kay Sungkil at seryoso namang nakikinig sina Rhian at Aki. Di nila namalayan ang imbyernang imbyerna na na si Glaiza. Di nagtagal umalis ang huli.

"Diba Master? Eh? Master? Master? San na yun?" Kamot ulong sabi ni Aki.

"Glai? Glai, where are you?" Sinimulan na nilang hanapin si Glaiza.

"Patay! Nagselos ata Ate Rhi. Kayo kasi eh pinakwento nyo pa sakin yung tungkol kay Sungkil. At sinabi mo pa talaga Ate na may hitsura at malaki ang muscles nung Sungkil. Patay ka Ate! Nagselos jowa mo! Hahaha" Asar ni Shanny.

"Che! Hindi ko sya jowa noh. Di kami talo. Babae sya, babae din ako. Di kami bagay, okay? Kaya tigilan mo na yang kakatukso samin kasi di mangyayari ang sinasabi mo Shanny." Di alam ni Rhian na narinig pala yun lahat ni Glaiza na nakatanaw lang sa di kalayuan habang nakakubli sa mga damuhan.

"Ouch ang sakit nun Miss Rhi ha. Di mo talaga type si Master?"

"Hindi!"

"Pero Ate iba kasi nakikita namin sa mga mata mo. Diba Tsong Aki? May kinang eh every time anjan sa tabi mo or nasa malapit si Ate Glai. Ate, I think you're falling for her. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo." Si Shanny sa medyo seryoso na na tono.

"Hindi nga! Hindi talaga! Wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. I'm not even attracted to her." Naiiling pang sabi ni Rhian.

Patakbong napaiyak nalang si Glaiza palayo. Di nya alam kung bakit ang sakit sakit ng mga sinabi ni Rhian.

Habang naghahanap sila, may biglang bumati sa kanila.

"Hi! Ako si Sungkil." Sabi ng matipunong lalaki. Nakangiti ito ng napakatamis.

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Zup mga tsong! Kumusta tong chapter na to? Medyo madrama na ba konti? Ano kaya sa tingin nyo yung magiging plot ng story natin? Let me know your thoughts and write them below. Thanks for reading. 😊

Stay awesome! Peace!

- Tsong J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now