FE404 16: The Suicidal Expedition

894 31 8
                                    

Naglalakad na ang grupo nina Don Regundo kasama sina Glaiza, Rhian, Shanny, Aki at Yumi. Bale trenta silang lahat na kasama sa ekspedisyon. Nasa unahan ang limang tauhan ng don na sinundan nina Don Regundo, Ricky at Shanny. Karga ni Ricky ang bata. Nakasunod naman sina Glaiza at Rhian na binabantayan ng tig dadalawang tauhan sa gilid nila. Sina Aki at Yumi ang nasa huli kasama ang iba pang tauhan ng don. Naglalakad sila ngayon sa isang masukal na gubat medyo malayo na sa kinaroroonan ng tribo. Hinahanap nila ang isang sapa na pinapalibutan ng limang matatayog na puno ng balete. Dito matatagpuan ang unang pintuan patungo sa kinaroroonan ng kayamanan. Hawak hawak ni Shanny ang mapang tela.

"Don Regundo, hindi madaling hanapin ang kayamanan ni Datu Argus. May limang pintuan papunta sa kinaroroonan nito at bawat pintuan may nakaabang panganib. Isa itong pagpapakamatay. May sumpa ang kayamanang yun! Ako na po ang nagsasabi sa inyo. Bumalik na po tayo. Wag na po tayong tumuloy!" Takot na takot na sabi ng bata.

"Okay sige babalik na tayo pero mamamatay ang mga kaibigan mo gusto mo ba yun?" Mahinahon na sabi ng don sa bata habang karga karga ito ni Ricky.

"Pero Don Regundo sabi ng ama ko muntikan na daw syang mamatay nung kinuha nya ang mapang to sa unang pintuan. Halos ibinuwis nya daw po ang buhay nya makuha lang ito. Madami din daw syang kababalaghang natunghayan. Pero ang pinagtataka ko lang papano napunta sa inyo ang mapang ito?"

"Simple lang. Ninakaw ko. Matalik kaming magkakaibigan nina Angkil at Shakum. Sinabi samin ni Shakum ang tungkol sa kayamanan ni Datu Argus at binalak naming puntahan yun gamit ang mapang nakuha nya mula sa unang pintuan. Ngunit isang gabi narinig ko nalang ang dalawa na nagpaplano ng pag alis ng hindi ako kasama. Gusto nilang sila lang ang makinabang sa kayamanang yun. Kaya nung gabing papaalis na sila ninakaw ko ang mapa kay Shakum at dali dali akong tumakas palayo ng tribo kaya napunta ako ng syudad. Nagsaliksik ako dun tungkol sa kayamanan at nalaman ko ang iba pang detalye tulad ng dugo ng isang seer na syang magiging susi upang mabuksan ang kayamanan."

"Hindi po totoo yan! Hindi gawain yun ng aking ama. Ang sabi nya sakin ikaw ang sakim at balak mo daw paslangin ang aking ama at si Apo Angkil pagdating nyo sa kayamanan. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nyo! Kayo po ang masama at hindi ang aking ama!" Inis na sabi ng bata.

"Oh sya sige aamin nako. Binalak ko silang paslangin dahil sabi nila ipapamahagi nila ang makukuha naming kayamanan sa mga katribo namin. Liliit ang parte ko pag nagkaganun." Kwento ng don.

"Tama nga si ama sakim kayo."

"Oo na sakim na kung sakim! Dadalhin mo ko sa kayamanan sa ayaw mo't sa gusto! Wag kang mag-alala papartehan naman kita kahit konti. Di naman ako ganun kasama." Sabi ng don na medyo natatawa pa.

"Wag na po. Di ko kailangan ng kayamanan. Ang tanong ko nalang po ang sagutin nyo. Papanong si Ate Glai ang susi?" Takang tanong ng bata sa don.

"Si Glaiza ay anak ng pinakamagaling na seer at pinuno ng sekretong samahan ng mga manghuhula. Si Gyn. Hindi lang basta bastang manghuhula ang ina ni Glaiza. Totoo ang mga nakikita nya."

"Papano nyo naman nalaman ang mga bagay na yan?"

"Malapit na kaibigan ko si Gyn. Alam nya din ang tungkol sa kayamanan. Sa akin nya lang sinabi ang sekreto na nakita nya sa pangitain nya na ang anak nya ang susi upang mabuksan ang kayamanan ni Datu Argus."

"Asan na po ang nanay ni Ate Glai?" Takang tanong ni Shanny. Hindi na sumagot pa si Don Regundo. Nag-iwas ito ng tingin at nakatanaw lang sa malayo na tila ang lalim ng iniisip. Hindi na rin nag-usisa pa ang bata. Maya maya pa'y binulabog ni Glaiza ang malalim na pag-iisip ng matanda.

"Don Regundo, baka naman pwede mong tagalin ang busal sa bibig ni Rhi at tali sa mga paa nya? Hindi naman siguro ang bibig ang tatakbo kung tatakas man kami diba? At mas lalong di kami tanga kung tatakas kami kung alam namin mamamatay kami sa dami ninyo!" Pilosopong sabi ni Glaiza na naiinis na din sa sitwasyon nila. Nakatali din ang mga kamay nya pati sila Aki at Yumi. Si Rhian naman kamay at paa ang nakatali kaya medyo mabagal ito maglakad. Nakabusal pa din ang bibig nito. Sumenyas naman si Don Regundo sa isang tauhan nya na tanggalan ng tali sa paa at busal sa bibig si Rhian. Pagkatanggal sa tali sa mga paa ay medyo nakaramdam si Rhian ng hilo. Mabuti nalang at nasalo sya agad ni Glaiza.

"Baby, are you okay?" Alala at seryosong tanong ni Glaiza kay Rhian. Tumango naman ang huli. Nagkatitigan pa ng ilang segundo ang dalawa. Di nila alam na nakatingin sina Aki at Yumi sa kanila. Kilig na kilig ang dalawa. At nagtakip pa ng bibig.

"Eherm! Master hokage ka ba?" Pinipigilan ni Aki ang sobrang pagkakilig sa dalawa. Si Yumi naman panay hampas at kurot lang kay Aki. Natauhan sina Glaiza at Rhian sa pagkakatitigan nilang iyun sa sinabi ni Aki.

"Ha? Bakit? Anong hokage?" Takang tanong ni Glaiza. Kunwari di nya alam ang ibig sabihin ni Aki. Pinipigilan nya ding mapangiti.

"Asus kunyari di alam!" Gatong ni Yumi na nangungurot na naman kay Aki.

"Ayiiiiiiieeee si Master pemepeg-ebeg nemen. Di pa nga nanliligaw kay Miss Rhian, mey pe baby baby ne. Naks naman ang bilis! Parang ano hmmm. . .ano ngang tawag dun bakla? Ho-Ho---" Asar ni Aki na pinutol ni Yumi.

"HOKAGE!" Dugtong ni Yumi.

"Ayun Master! Parang hokage! Hahaha" Ngingiti ngiti pa ang dalawa at patuloy ang pang-aasar kina Glaiza at Rhian. Inirapan naman sila ni Glaiza. Natatawa lang naman din si Rhian.

"Glai oh may malaking sanga sa dadaanan ni Miss Rhian baka matusok ang paa nya o kaya mapatid sya!" Sabi ni Yumi at tatawa tawa pa. Sinabihan naman syang baliw ni Aki at nakitawa na rin. Mas lalo silang natawa sa kilig nung aligaga si Glaiza na tiningnan ang dadaanan ni Rhian. Kinilig naman ang dalaga nung pinagsisisipa ni Glaiza ang mga sanga at bato sa dinadaanan nya.

Habang kilig na kilig sina Aki at Yumi kay Glaiza at Rhian, biglang sumigaw si Ricky sa utos ni Don Regundo.

"Mga kasama! Andito na tayo! Ang unang pintuan."

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Update ulit. Sana nagustuhan nyo. Medyo magulo na ba ang storya? Kapit lang marami pang mangyayari. Thanks mga tsong sa patuloy na pagsuporta sa storya na to. See you next chapter! 👊😊

Stay swesome! Peace! ✌

- Tsong J

Hi pala sa malapit kong kaibigan na reader ko din si tsong Rebel_akio at sa mahal ko hyun-ri. Sa mga avid readers ko din hello sa inyo. Sa mga readers kong laging nagcocomment every chapter salamat sa inyo. 😊 Sa mga nagvote every chapter thank you so much po.

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now