FE404 5: You're Dead

758 38 4
                                    

Patawa tawang nag apiran sina Rhian at Shanaia nung sinimulan ng hanapin ng mga katutubo sina Glaiza at Aki.

"Master, teka lang pagod nako. Parang paikot ikot lang tayo dito sa gubat ah. Teka. . .ba't ang baho?" Reklamo ni Aki habang pasinghot singhot na nakasunod lang kay Glaiza.

"Pano ba naman kasi malapit na nga tayo sa dalampasigan, tumakbo ka pa pabalik sa gubat na to! Ayan tuloy nawawala na tayo! Engot ka kasi! Oo nga. . .teka ang baho!" Sabi ni Glaiza na pasinghot singhot na rin.

"Eh kasi naman Master ang laki nung ahas eh! Ang baho talaga Master! Nakaapak ka ata ng tae eh!"

"Loko ka ba? Hindi noh! Baka ikaw!" Tiningnan ni Glaiza ang tsinelas nya. Gumaya din si Aki sa kanya.

"Hindi rin. Wala akong tsinelas eh! Eh sinong mabaho?! Grabe ang baho talaga!" Patuloy pa rin sila sa paglalakad ng may marinig sila.

"Ahhhhh parsam! (Ahhhhh ang sarap!)" Nakita nila Glaiza at Aki ang isang lalaki sa di kalayuan na kakatayo lang.

"Shhhh wag kang maingay!" Tinakpan ni Glaiza ang bunganga ni Aki.

"Master, diba katutubo din yun? Pagkain po ata yun. Parang sarap na sarap mukha nya eh. Tamang tama nagugutom na ko! Ayun sa banda dun!" Dali daling tumayo si Aki sa pagkakatago at pinuntahan ang lugar kung san nanggaling ang nakita nilang katutubo.

Pagdating nya sa lugar, di maipinta ang mukha ni Aki at akmang susuka na. Naduduwal itong bumalik sa kinaroroonan ni Glaiza.

"Oh? Anyare sayo? Ba't ganyan itsura mo? Para kang tinakasan ng dugo ah!"

"Master, nagbago na pala isip ko. Nawala na gutom ko." Sabi ni Aki na duwal pa rin ng duwal.

"Bakit? Ano ba kasi nangyari sayo? Wag mong sabihing. . ."

"Tama iniisip mo ngayon, Master! Oo, yun nga!"

"HA?! KELAN PA?!" Kumunot naman bigla ang noo ni Aki.

"Anong kelan pa Master? Syempre ngayon lang!"

"HAAAA???!!! NGAYON LANG?! KELAN NANGYARI?! BAKIT?!" Naiiyak na si Glaiza na nakahawak sa balikat ni Aki.

"Master, ngayon nga lang nangyari diba? Nakita mo naman nung pumunta ako dun!"

"HAAAAAAA?????!!!!! KANINA NYO LANG GINAWA????!!!! NUNG PUMUNTA KA DUN???! HOW COULD YOU?!"

"Teka teka Master, ano ba kasing sinasabi mo jan?"

"KID, NAGPABUNTIS KA SA ISANG KATUTUBO???!!! AT KANINA NYO LANG GINAWA HABANG DI AKO NAKATINGIN??? HOW COULD YOU???!!!" Di naman maipinta ang mukha ni Aki habang tinitingnan si Glaiza na iyak ng iyak.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ANG ENGOT MO MASTER!!! HAHAHAHAHAHA OF COURSE DI NAMAN MABUBUO ANG BATA AGAD AGAD NOH KUNG KANINA NAMIN GINAWA! ENGOT KA TALAGA MASTER! AT TSAKA DI NAMAN MANGYAYARI YUN KASI NGA NAKAKITA LANG AKO NG MGA TAE! HAHAHAHAHA KAKALOKA KA MASTER! ANG DUMI NG UTAK MO! BAGAY KA DUN SA LUGAR NA YUN MARAMING TAE! HAHAHAHAHAHA" Huminto naman sa pag-iyak si Glaiza at tipong hiyang hiya.

"Ah ganun???" Mabilis na binatukan ni Glaiza ang tawang tawa na si Aki. Gaganti sana si Aki ng bigla syang labasan ng kamao ni Glaiza.

"Ito naman nagbibiro lang eh. Pero seryoso Master ang dumi po ng utak nyo at tsaka ang engot nyo! Uy Master biro lang!" Tawa pa rin ng tawa si Aki habang nakasunod sa nagmamadaling si Glaiza.

Mayamaya pa'y hinila bigla ni Aki si Glaiza at nagtago sila sa damuhan.

"Okyo nud as anda! Ta into! (Dun kayo sa bandang dun maghanap! Kami dito!)" Sabi ng isang katutubo na may dalang sibat.

"Parang hinahanap ata nila tayo ah." Pabulong na sabi ni Glaiza kay Aki.

"Master, ayoko pang mamatay! Nagugutom ako at gusto ko pang kumain. Pero parang tayo ata kakainin ng mga yan eh!" Nanginginig na sabi ni Aki.

"Shhh wag kang maingay."

"Karma ata to natin Master eh nung iniwan natin si Miss Rhian. Asan na kaya sya? Kinain na din kaya sya ng mga yan?"

"Shhh tumahimik ka nga muna Kid! Ang gulo mo eh! Gusto mo itulak kita para ikaw kainin ng mga yan gusto mo???"

"Ito na tatahimik na! Ang sungit! Palibhasa crush nya si Miss Rhian! Miss mo na Master noh? Yiiiieeee" Inirapan lang sya ni Glaiza.

Mayamaya pa'y nakita nila si Rhian na may kasamang bata at iba pang katutubo. Tatawagin sana sya ni Aki ng biglang tinakpan ni Glaiza ang bibig ng huli.

"Patay sakin yung mga engot na yun ngayon!"

"Naman Ate! Magagaling maghanap at mansibat yung mga inutusan ko noh! Siguradong tuhog yung mga yun!" Sabi naman ni Shanaia.

"Yan ang gusto ko sayo eh! Siguradong magiging close pa tayo! Promise ko sayo pagagandahin kita!" Ngumiti naman ang bata kay Rhian.

Nung marinig yun nina Glaiza at Aki, bigla silang pinagpawisan ng malamig.

"Patay tayo ngayon Master! Sabi na nga eh! Ikaw kasi iniwan pa natin si Miss Rhian! Ginawa mo pa talagang pain sa mga yan! Ayan tuloy! Pano na yan ngayon tutuhugin daw tayo! Jusko gusto ko lang naman kumain ng barbeque ba't parang tayo yung babarbequehin?!" Nagpapanic na si Aki. Di naman kumikibo si Glaiza na halatang natatakot na rin.

Dahil sa kadaldalan ni Aki. . .

"To lasi! Pikad lasi! (Ayun sila! Hulihin sila!)" Turo ni Shanaia kina Aki at Glaiza. Kumaripas agad ng takbo si Glaiza at iniwan si Aki. Sumunod naman agad si Aki nung makabawi ng gulat.

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Hello mga tsong! Ayan 2nd update for tonight. I hope you enjoyed the chapter. Don't forget to vote if you liked it. Salamat sa suporta and thanks for reading. 😊

Stay awesome! Peace! ✌👊😊

- Tsong J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now