FE404 12: Jealous Goddess

720 42 7
                                    

Natatanaw pa ni Rhian ang papalayong sina Glaiza at Yumi. Nakahawak si Yumi sa braso ni Glaiza. Si Glaiza nama'y parang hahalikan na si Yumi sa lapit ng kanilang mukha sa isa't isa. Tila may masayang pinag-uusapan ang dalawa dahil nakita pa ni Rhian na pinisil ni Glaiza ang ilong ni Yumi. Si Yumi nama'y napahawak sa batok ni Glaiza at isinubsob ang mukha sa tagilirang leeg ng huli. Kitang kita lahat yun ni Rhian.

"Bakit ganito? Bakit ang sakit? Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang dinudurog ang puso ko? Di ko na maintindihan. Naguguluhan nako. May gusto na ba talaga ako sayo? Bakit ang sakit sakit Glai? Bakit ang sakit makita kang masaya sa iba? Na hawak ng iba? Bakit ang sakit?" Di namalayan ni Rhian na habang sinasabi nya yun sa sarili nya ay bigla nalang tumulo ang masasaganang luha sa mga mata nya. Yumuko sya at tumalikod dahil di na nya kaya ang nakikita. Kahit malayo na sina Glaiza at Yumi, malinaw na malinaw pa rin sa paningin nya ang saya ni Glaiza sa piling ni Yumi. Umuwi sya at doon umiyak ng umiyak. Di nya alam na nakita pala syang umiiyak nina Aki at Shanny.

Samantala, may dalawang taong nag-uusap ng palihim sa may damuhan.

"Bakla, tingin mo? Ano naniwala ba?"

"Naku Papa G, oo naman noh!"

"Sigurado ka ba jan?"

"Papa G di mo ba nakita mukha nya kanina? Selos na selos ang ate mo noh! Hahaha parang dadambahin na nga ko't sasabunutan kanina eh kaya wag ka ng mag-alala jan siguradong sigurado ako. Confirm na may Au-gusto Caesar sayo yang dyosa mo! Jusko halatang halata kaya!" Nag-apir pa ang dalawa ng biglang may kumaluskos.

"Sino yan?"

"Sinetch kayo mga oatch? (Sino kayo mga tao?)"

"Kami to Ate Glai."

"Oh Shanny, ba't nandito kayo?" Hindi sumagot ang bata. Nakakunot lang ang noo nito habang nakatingin kay Glaiza.

"Kid?"

"Alam na namin Master. Alam namin ang lahat. Yung plano nyong pagpapaselos kay Miss Rhi." Malungkot na sabi ni Aki.

"Ahhh yun ba? Tingin nyo effective ba? Nagselos ba?" Ngiti ni Glaiza.

"Master. . .kasi. . .hmm" Pinigilan syang magsalita ni Shanny.

"Pinagkatiwalaan kita. Pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo lang ako!!! At p---"

"Oi oi bata ka, hindi ikaw!!! Ano ka ba?! Puro ka kalokohan eh!" Tinampal sya ni Aki sa braso.

"Ah hindi pala ako??? Hehe sorry nadala lang. Orayt serious na (change emotion). Pinagkatiwalaan kita! Pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo lang ang Ate Rhirhi ko!!! Bad ka! I hate you!" Galit na galit at nakakunot na sabi ni Shanny. Lumalabas tuloy ang pagiging bata nito.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Shan? Di ko maintindihan."

"Master kasi. . .nakita namin si Miss Rhi dun sa bahay. . .umiiyak." Malungkot na sabi ni Aki. Napayuko nalang ito.

"Tama ang narinig mo Ate Glai! Umiyak si Ate Rhi ng dahil sayo! Di kita mapapatawad sa ginawa mo sa Ate Rhi ko!" Galit na galit si Shanny at parang iiyak na.

"Ha? Si Rhi? Umiyak? Dahil sakin? Pe-Pero bakit? Di ko maintindihan."

"Ayy jusko Papa G pogi ka nga pero ang slow mo grabe! Slow like a turtle. Jusko ang simple simple lang nun Papa G. Malamang gusto ka nya at malamang nagselos sya sa ginawa natin! Ay mali! Sigurado akong nagselos sya satin!"

"Oi! Oi! Oi! Teka nga! Naguguluhan ako." Tiningnan ng mabuti ni Aki si Yumi simula ulo hanggang paa. Tiningnan din ni Shanny si Aki at nanliliit pa ang mga mata.

"Oh bakit? Anong tingin na yan ha??? Oiiii ikaw wag mo kong matingnan tingnan ng ganyan kundi ---" Nagsign number 1 pa ang daliri ni Yumi at ginagalaw galaw ito habang nagbibitch move ang ulo.

"Kundi ano?" Si Shanny.

"Eherm. . .(change voice from feminine to masculine) kundi pagsasapakin ko kayong dalawa!" Si Yumi sa mababa at malalim na boses lalaki. Napaubo si Aki at napanganga naman si Shanny. Habang si Glaiza nama'y tatango tango at nakangiti lang sa dalawa.

To be continued. . .

_________________________________________________

Author's Note:

Hi mga tsong! Kumusta? Musta buhay buhay? How was this chapter? Thank you for reading guys. Sa mga nakaclose ko na dahil sa mga stories ko, thank you mga tsong. The best kayo! 👊

Stay awesome! Peace! ✌😊

PS: twitter - @tsong_J

- Tsong J

RASTRO: Flight Error 404 [ON HOLD]Where stories live. Discover now